MV- Signing Off

49 3 1
                                    

Naglalakad kaming sabay.

Side-to-side.

"Mahal kita." Nakayuko siya sa tabi ko.

Tumigil ako.

Hinawakan ko yung baba niya at iniangat ko yung ulo niya.

"May sinabi ka? Hindi ko narinig."

"Bingi lang?"

Tumawa ako.

"Oo, bingi ako. Ano sinabi mo?!"

Galit na ako.

Galit-galitan.

Ang TORPE kasi.

"Sabi ko mahal kita."

Bigla akong napangiti.

"Okay. Tayo na ba?"

Nanlaki yung mata niya.

Nakatitig siya sa akin.

Halatang biglang-bigla.

"Bakit mahal mo rin ba ako?"

Tanong nito.

"Hindi ko alam. Pero natakot ako kanina nung akala ko yayayain mo na si Dandy."

"Mahal na ba yun?" may pahabol pa akong tanong.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ko din alam eh."

Nagkatinginan lang kami.

"Si DAndy oh!" Tumuro siya.

Tumingin din ako.

Bigla ba namang halikan yung pisngi ko.

Ayun at inunahan na akong maglakad.

Dahan-dahan kong hinawakan yung pisngi ko.

"Masasampal kita. Wag kang lalapit sa akin."

"YES! WHOOOO..."

Sumigaw ba naman si Rickson habang naglalakad.

Napatingin tuloy yung ibang student sa kanya.

Parang tanga tong taong to.

Patalon-talon pa kung maglakad.

Napakamot na lang ako.

Pero nakangiti ako.

Masaya ako.

Naglalakad kami sa daan.

Hindi namin alam kung saan pupunta.

Nauuna parin siyang maglakad sa akin.

"Bakit ang layo mo sa akin?"

sabi ko sa kanya.

"Baka sampalin mo ako."

Nakaharap siya sa akin habang naglalakad.

"Oh. OH!"

Mabubungo na sana si Rickson nung batang naka-bike.

"Umayos ka nga oy! Baka ako pa magdala sayo sa ospital ah."

"Oo na. Mag be-behave na."

Magkatabi na kaming naglalakad.

"Happy Valentines."

Nagsalita tong katabi ko.

Natawa ako.

"Happy Valentines."

Sagot ko din sa kanya.

I can't believe it.

Naglakad kami mula sa school hanggang bahay namin.

"Paano mo ba nalaman na dito ako nakatira? Ikaw ang stalker."

Tinuro ko siya.

Oh shit.

Love Shot.

"Oo na. Ako na ang stalker. I've been stalking you for 4 years."

Napangiti ako.

"Sabi na nga ba. Lahat ng binibintang mo sa akin ikaw yun."

"Sorry. Mahina ako eh."

"Papasok na ko."

Ngumiti siya.

"Ang cute mo." Tapos ninakawan ko din siya ng halik sa pisngi.

"Gantihan lang ito oy. Uwi ka na, papasok na ko." 

Tinulak ko siya palayo.

"I love you."

Sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

"Love you too." 

Nagngitian kaming dalawa.

Pagpasok ko sa loob.

Agad akong sumilip sa bintana at tiningnan siyang sumakay.

"Sino yun?"

Nagulat ako.

"MA!"

"Date mo?"

"Uhhhh---"

"Uhhh--Ano?!"

"Akyat nako. Pagod ako."

 Umakyat na ako sa kwarto.

Bago ako matulog nakahiga pa ako sa kama.

Hindi ko makalimutan yung nangyari.

"Masaya ba?"

"AH!"

Napaupo ako sa kama ko habang yakap ko ang unan ko.

"Ano ba stupid cupid?! Magigising ko nanaman kapatid ko nang dahil sayo."

Naupo ito sa harap ko sa kama.

"Anong nagawa mo?"

"Wala eh. Sorry."

"Anong nagawa mo sa buhay mo?"

"Ah--"

Well.

Nagkalove life ako.

At masaya ako.

"Good."

So nakakabasa nanaman tong cupid na to ng isip.

"Binawi ko na powers ko."

"Oh well. Mabuti naman. Ang hirap kaya marinig lahat ng iniisip nila."

"Mahirap bumuo ng pag ibig noh?! Umaabot isang araw. Gaya nung sayo? Kaya maraming single. Kasi maraming kailangan pang i-LOVESHOT para mabuo ang love"

"Oh tapos?"

"Ikaw kailangan ko pang bigyan ng powers para malaman mong may nagmamahal sayo."

"SO? Manhid ako ganon?"

"Pwede. Torpe din siya. Parehas kayo."

"So? This was all for me? Pati yung power-power."

Tumango siya.

HANEP.

This was all for me.

Love is really amazing.

And since LOVE is for Valentines.

Valentines is also special.

This valentines might not be your Valentine.

But soon, it will be your day too.

So here I am.

Now signing off.

MISS VALENTINES...

________________________________________________________________________

Please comment and vote.. Thank you..!

Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon