MV- The Revelation

23 1 0
                                    

Nagleleksiyon si ma'am nang may narinig nanaman akong nagsasalitang isip.

"May date kaya si Clarence ngayon?"

HAH! Pangalan ko yun.

Sinong nagiisip sa akin.

Nagpalibot ako ng tingin.

Pero una kong tiningnan, yung pinaka gwapong classmate ko.

Si Edison.

Busy siyang nagtetext.

Siguro niyaya nang mag date yung girlfriend nito.

Oo, kahit may girlfriend na siya, umasa akong siya yung nagiisip sa akin.

Malay mo eh may crush din naman ang taong inlove.

Maya-maya si Rickson ang nakita kong nakatingin sa akin.

Nagkatinginan kami.

Tapos kumunot ang noo niyang parang galit kasi tinitingnan ko siya.

Tinarayan ko siya.

Heto kasi ang kaaway ko forever.

Assuming naman kasi ito.

Pinagkalat ba namang may gusto ako sa kanya.

Ang kapal talaga.

Noong first year.

Bunutan na noon para sa exchange gifts.

Nabunot ko si Paul.

Si Paul yung classmate namin noon na napaka bully.

Lahat ata inaaway niya.

So, natakot ako at nakipagpalitan ng nabunot.

Nakipagpalitan ako noon kay Janna, yung may gusto din kay Paul.

Ewan ko ba kung anong nagustuhan noon kay Paul.

Pero, unfortunately ang nabunot ni Janna ay si Rickson.

Varsity si Rickson ng soccer team.

He's an absolute asshole.

Pero atleast hindi bully.

May pagka-asshole lang pero dinededma naman ako.

Kaya okay lang.

So nakipagpalitan na nga ako kay Janna ng nabunot.

At narinig yon ng isang babaeng kasama sa cheerleaders.

So kwinento kay Rickson.

At yung Rickson naman yon pinagkalat na crush ko siya.

Ang kapal lang talaga.

Ngayong fourth year highschool na kami.

Classmate ko nanaman tong si Rickson.

Sawang-sawa na nga ako.

Apat na taon ko na itong nagiging classmate.

Kahit naman kasi Varsity ito, matalino pa ito.

Wala rin siyang magawa kundi ikalat na crush ko daw siya.

Assuming lang eh.

Ma tingnan ko lang, magsasabi na agad na--

"Crush mo nanaman ako."

Ang kapal lang.

RECESS na.

Papunta na kaming Canteen ni Gwen.

"So magda-date kayo?"

Tanong ko kay Gwen.

Tinutukoy ko yung boyfriend niya.

"Oo, after school. Hindi ako gagaya diyan sa ibang mag-aabsent para lang magdate."

Sabi ni Gwen.

Maya-maya may nagtilian.

May nagbigay ng flowers kay Raissa.

Yung Mr. Intrams din.

Mr. and Ms. Intrams lang?

Sa lahat ng isip na naririnig ko.

Eto ang umangat.

"Ano kaya reaksiyon ni Clarence kung harapin ko rin siyang may hawak na flowers."

Nagpalibot nanaman ako ng tingin.

Sino nanaman yun.

Parehas yung boses ng isip na narinig ko kanina sa room.

Iisa lang ang may ari ng isip na yun.

Sino ang taong yun.

Kahit marami na akong naririnig na bulong.

Tanging hinihintay ko yung pamilyar na boses na yun.

"Ano Clarence?! Date tayo? Crush mo ko diba?"

Isip ba yun.

Boses niya yun.

Siniko ako ni Gwen.

Doon ko lang napansing nakaupo sa harap ko tong si Rickson.

"Ikaw yung nagsalita?"

Tanong ko kay Rickson.

"Oo naman. Nabibingi ka nanaman sa boses ko. Ganoon ka ba kapatay sa akin?"

Bumuga ako ng hangin.

"Ang kapal mo. Alam mo ba yun."

Nagtitigan kami.

As in. Naglakihan ang mata naming dalawa.

"Wala naman ata siyang gusto sa akin."

OMG. Isip niya ba yun.

ISIP NIYA BA YUN?!

Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon