MV- Hunger for Love

18 1 0
                                    

It was almost lunch break.

Hindi na bumalik si Rickson.

Pauwi na kami ni Gwen for lunch nang madaanan namin ang soccer field.

Nandoon si Coach Mendell, tinuturuan si Rickson.

Doon ako nakatingin habang naglalakad kami.

"Kaya pala wala si Rickson kanina sa room."

"Oo, sabi raw kasi ire-recommend ni Coach Mendell si Rickson sa Ateneo's Eagles. Yung sikat na soccer team ng Ateneo na palaging champion."

"Ah. Kaya naman pala."

Seryosong-seryoso naman pala kasi ito.

"May scholarship pa nga. Ang yaman na ni Rickson tapos gusto pa maging scholar."

Nakatitig lang ako kay Rickson.

Busy ito sa paglalaro.

Pawis na pawis na ito. 

Parang whole lunch itong nagpa-practice.

"Malay mo naman gusto niya ng challenge."

"Saan ka magka-college?"

"Dito lang. Ayoko sa maynila."

"Bakit naman?"

"Ang laki kaya ng manila."

"Para masanay ka na, at para magkasama tayo. Sabi pa nga nila si Rickson daw gusto lang sana dito, ayaw din sa Manila. Nagduda nga ako, ateneo's eagles kaya yun. Tapos ayaw niya."

"Bakit naman ayaw niya doon?"

"Aba'y ewan."

Nakalayo na kami sa soccer field.

Pag-uwi ko, kumain na agad ako ng lunch at nagmadali.

Ewan ko ba kung bakit.

Gusto ko kasi marinig ulit ang iniisip ni Rickson.

Interesado na ba ako sa kanya.

Eh ang saya niya kasing loko-lokohin.

Atsaka--

Bakit ba nakangiti ako habang kumakain?!

Ah hindi, bakit nakangiti ako habang iniisip siya.

Gusto ko na siya?

Naku--gusto lang naman ata.

Nagmadali akong bumalik sa school.

Naglalakad ako at pinagmamasdan ang soccer field.

Pero wala ng tao doon.

Pagtingin ko sa tabi ng field.

Nakita ko si Rickson. 

Pawis na pawis at nakatitig sa field.

Pumasok ako sa field at pinuntahan siya.

Ewan ko kung bakit doon ako dinala ng paa ko.

"Bakit hindi ka pumasok after nung recess?"

Naupo ako sa tabi niya.

"Gusto kong magpractice."

Iba yung tono ng boses niya.

Seryoso ang boses niya.

Hindi yung masayahing tono niya.

Parang natakot tuloy ako.

Kakaiba siya ngayon.

Bakit?

"Ah, Oo nga pala. Sayang din naman kasi nung scholarship na makukuha mo."

Hula ko, ang sasabihin nanaman nito.

Stalker ako kasi inaalam ko lahat ng update sa buhay niya.

"Oo."

Oo lang ang sagot niya sa akin?

"Pumasok ka na sa school hindi pa ako tapos mag practice."

Bumalik na siya sa field.

Nanoood lang ako sa kanya.

Hindi naman kasi ako sporty.

Hindi ako pinanganak na active sa sports.

May sampung bola malapit sa goal.

Isa-isa niyang sinipa ito.

Minsan isang sipa lang. 

Yung ibang bola naman maliliit lang na sipa hanggang maka abot sa goal.

Lumapit ako sa sa kanya.

Sinipa ko yung bola sa kabilang gilid.

Nakaiwas siya.

Matatamaan ko na sana siya.

"Sorry."

Tinakpan ko yung mukha ko ng kamay ko.

Tiningnan niya lang ako at hindi niya ako pinagalitan.

Sinipa ko nanaman ang isa.

Timing naman noon na paharap sa akin si Rickson.

BOOGSH--!

Tumama ang bola sa ano niya.

Nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Maya-maya sumigaw to ng pagkalakas.

AAAAAHHHHHHH!

Napaupo ito sa damuhan.

Hawak-hawak yung anu niya.

"Sorry! Sorry! Sorry."

Lumapit ako sa kanya.

Umangat siya ng tingin sa akin.

"Pasalamat ka mahal kita--"

Tapos nayuko na siya.

Teka--

Isip niya yun?

Nabigla ako.

Hindi ko alam kung paano magre-react.

Kanina kasi gusto lang.

Ngayon, mahal na agad?!

Agad-agad.

Tulala ako.

Maya-maya nakatayo na siya.

Hawak parin yung ano niya.

Naupo siya sa upuan sa gilid ng field.

Tulala parin ako.

"HOY! Okay na ako. Wag ka ng makonsensiya. Magkakaanak parin naman ata ko."

Sigaw nito.

So nagising ako.

Dahan-dahan akong lumapit at naupo din doon sa upuan na inuupuan niya.

Tulala parin at wala sa sarili.

Yung gusto lang, pwede pa sanang dedmahin.

Pero yung mahal.

Natahimik ako.

"HOY! Sabi ko okay na ako."

Napatingin ako sa kanya.

Uminom siya nung mineral water niya.

"Pag hindi ako nagkaanak, kasalanan mo."

Bumalik na yung boses niyang masayahin.

Matutuwa na sana ako.

Pero hindi parin mawala sa utak ko yung--

Nakatingin siya sa akin tapos yun yung sabi nung isip niya.

"Osige na. Para makabawi ka, librehin mo na lang ako ng lunch. Gutom na ako. Maaga pa naman. 30 minutes pa bago mag ring ang bell."

Tumango lang ako.

Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon