MV- Torpe Ka!

56 2 0
                                    

Pagdating namin sa canteen.

Pumili na siya ng pagkain sa lunch niya.

Siniko niya pa ako.

"Bayaran mo na."

Hawak niya na yung tray niya at naupo na sa isang lamesa sa canteen.

Pagkabayad ko, sinundan ko na siya sa inupuan niya.

Naupo ako sa harap niya.

"Si Clarence ba yung gusto niya?"

Boses ng babae yun.

Isip ng babae yun.

Tumingin ako sa paligid.

Nakita ko si Dandy, masama ang tingin sa akin.

"Bakit ayaw mo kay Dandy?"

Nagkatitigan kaming dalawa, kahit may laman ang bibig niya.

"Kasi ikaw ang gusto ko."

May laman ang bibig niya.

Kaya siyempre galing nanaman iyon sa utak niya.

"Eh sa ayaw ko sa kanya. Bakit alam mo nanaman yan? Pasikreto niyang binigay sa akin yung love letter niya. Panu mo nanaman nalaman? Stalker ka talaga."

Balik na talaga ito sa dati.

"Madaming chismosa sa mundo."

Sabi ko naman bilang palusot.

"Chismosa ka lang. Yan ang sabihin mo. O di kaya nagseselos ka."

"Ahaha--" plastic na tawa yon sabay taray sa kanya.

"Baka ikaw ang nagselos kanina."

"Okay lang kung may date ka. Nakasabay naman kita dito sa canteen. Considered as date na din to. Perfect Valentine."

Bakit ba ang sweet ng mga sinasabi ng isip niya.

Nakakainis na.

Nadadala na kasi ako.

Tapos pagdating sa realidad, kung makaasta parang ang galing-galing.

Mahina naman nga sa loob.

"Ako magselos? Baka nga napilitan lang yung date mong yun."

Ang lakas kumain ng taong ito.

"Ang sama ng tingin sa akin ni Dandy." 

Pabulong kong sinabi kay Rickson.

"Ganon ba?"

Sabi nito.

Tapos tumingin siya kay Dandy at nginitian ito.

Ang landi nitong lalaking to. GRABE.

Kala mo ang guwapo.

"Siya na lang kaya yayain ko ng date." 

Sabi nito.

"Ano sa tingin mo Clarence?"

tiningnan niya ako.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ako tinatanong mo?"

Taong to. Ako pa tinanong.

"Bakit ka galit?"

"Galit ba ko?"

Tinatarayan ko siya.

"Tubig ko."

Pangiti-ngiti pa ito sa akin.

"Lunch lang naman ah. Pati tubig libre ko?"

Nginitian niya ako na parang bata.

Nabigla nga ako.

Ang cute niya pala.

Padabog akong tumayo at binilhan siya ng tubig.

Pinatong ko ng padabog yung tubig sa tabi niya.

Naupo ulit ako sa harap niya.

"Ang sarap talaga ng libre. Lalo na kung galing sayo."

Pinagmasdan ko yung bibig niya.

Hindi yun galing sa isip niya.

Galing yun sa bibig niya.

"Ang bait pag nagpapalibre. Dapat kasi mag aral na ako mag soccer. Para hindi na ako makagastos."

"Tuturuan kita." sabi nito.

"Wag na. Maghihirap ako sayo."

"Hindi na ako magpapalibre. Atsaka iiwas na ako sa bola mo mula ngayon."

Tinarayan ko siya.

Ininom niya nang mabilisan yung tubig niya.

"Yayain ko muna si Dandy."

"HAH?"

Tumayo na ang loko at papunta na kay Dandy.

Tong taong to--

Naituro ko kamay ko sa kanya.

OMG!

Love Shot.

Bigla siyang napatingin sa akin.

Hindi niya na tinuloy ang pagpunta kay Dandy.

"Wag na lang." sabi nito.

Natawa ako.

"TORPE."

"Ano?!"

Napasigaw siya.

"Tinawag mo ba akong torpe?"

"Bingi lang?!" pinipilosopo ko pa siya.

Natakot ako bigla kanina.

Pinapalakas ko lang yung loob ko.

Akala ko kasi seryoso na siya kay Dandy.

"Torpe pala hah."

Binuksan niya yung bag niya. 

May kinukuha siya mula sa loob.

Kumunot ang noo ko.

Ano naman kaya ang kinukuha nito.

Nilabas nito ang isang figurine.

Isang figurine ng soccer ball.

Eto yung regalo ko sa kanya noong first year.

Yung exchange gifts namin noon.

Napangiti ako, pero mahiyaing ngiti.

Hindi ko kasi alam kung paano mag rereact.

"Ano naman yan?"

"First year. Christmas Party. Eto yung regalo mo sa akin. Hindi ko alam kung bakit eto ang regalo mo. Pero eto ang dahilan kung bakit nag try-out ako sa soccer team ng school."

Nakatitig lang ako sa kanya.

"First year. Una kitang nakita. Gusto na kita. Nalaman ko na nga yung-sabi nilang crush mo daw ako."

Lumunok siya.

"Siyempre natuwa ako. Ang saya ko kasi classmate kita for 4 years. Nalaman kong dito ka lang magaaral. Gusto ko sana dito na lang rin, para--"

Lumunok nanaman siya.

Mukha siyang ninenerbyos.

"Para hindi ako mapalayo sayo. Ikaw ang nag tulak sa aking mag soccer. Ikaw rin ang tumulak sa aking mapalayo sayo. Ikaw rin--"

Nakatitig siya sa akin, pero bigla siyang umiwas ng tingin.

"Ikaw rin ang mahal ko."

Ang torpe niya talaga.

Sa sarili niya lang nanaman sinabi yung huling mga salita.

Sa sarili niya lang sinabi yung kailangan ko.

Tapos hindi daw siya torpe.

Ang yabang talaga.

Kung maka-asta.

NAG BELL na.

Back to classes.

Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon