Pau's PoV
Nakatingin lang ako kay Ken habang hindi sya mapakali dito sa labas ng operating room. Nagpumilit si Casper na puntahan si Yuna kaya hinatid kami rito nung Wey.
"Gago ka kasi!" Napatayo kaming lahat nung kuhanin ni Casper sa kwelyo si Ken at isinandal sa pader.
Ken is emotionless looking at him. Lumapit kami para pigilan si Casper sa paggawa ng eskandalo rito sa labas ng operating room pero sinamaan nya lang kami ng tingin
"Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, papatayin kita" pagbabanta nya na hindi ko nagustuhan. I grabbed Casper's hand at hinarap sya sa akin.
"Wag kang magsalita ng ganyan! Hindi nyan maliligtas si Yuna"
"Oo nga, kuya Casper. Huminahon ka. Hintayin nalang nating matapos yung operation" singit ni Jah. Sinamaan lang ulit ng tingin ni Casper si Ken at binitawan na nya.
Hinatak sya ni Stell para umupo sa medyo malayo at ako naman, tinabihan ko si Ken. Kita ko kasi sakanyang nag aalala talaga sya. Hindi ko nakita yung nangyari kaya hindi ko alam kung sino bang may kasalanan sa nangyari kay Yuna.
"Matapang yang si Yuna, makakaligtas sya" tinapik tapik ko pa ang balikat nya. Tumingin sya sa akin at hindi ko inaasahan yung tingin nya. Nangingilid ang luha nya at napahilamos ng mukha.
"Pau, hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sakanyang masama. Dapat pala hindi nalang ako pumayag na sumama sya"
Napangit nalang ako at tinapik ulit sya sa likod. He loves Yuna. Halata sakanya.
Sana lang matapos na agad ang operasyon para kumalma na itong dalawa. Alam ko namang makakasurvive si Yuna.
"Ken" sabay kaming lumingon dito sa naghatid sa amin kanina. He's standing beside Ken. "May sasabihin ako, okay lang---" naputol ang sinasabi nya nang tumayo si Ken at maglakad palayo kaya sumunod sya doon.
---
Wey's PoV
Kinakabahan ako. Shete naman kasi! Akala ko ba masamang damo si Tara, bakit namatay?!
"Ano?" Napatingin ako kay Ken nang magtanong na sya.
Tsss kainis! "S-si Tara kasi...patay na"
Tumango lang sya at maglalakad na sana palayo pero nahawakan ko sya sa braso. "Hindi ka man lang ba magagalit?"
"Bakit ako magagalit? Mabubuhay ko ba sya kung magagalit ako?"
Wala man lang ka emoemosyon. Pero paano..."pano yung anak nyo. Tumawag si Zack, hinahanap nya nung bata. Sinabi rin ni madam sa bata na magkikita sila ni Tara bukas"
Inis syang humarap ulit sakin. "Wala na akong pakielam. Wag nyo muna akong guluhin" tinalikuran na nya ulit ako at naglakad na pabalik sa mga kaibigan nya.
Kami nalang mamomroblema ganon? Aish!
Pero hindi ko naman sya masisisi. Nasa operating room ang girlfriend nya. Ni wala nga syang pakielam nung sinabi sakanya na namatay ang daddy nya. Kay mam Yuna lang ang atensyon nya mula kanina. He really loves mam Yuna.
![](https://img.wattpad.com/cover/294132710-288-k985177.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You is a Losing Game [Ken Suson]
FanfictionI made mistakes in my past, it still haunts me no matter how much I try to forget but it keeps coming back. How do I get over it? - Ken Suson Playing is my thing - Yuna Klein