Chapter 1

271 61 48
                                    

MAULAN at malamig ang araw na ito. Mabuti na lamang at habang lulan ng isang papatay-patay na tricycle, manaka-nakang pag-ambon na lang ang nararanasan hanggang makarating ako sa tapat ng pakay kong coffee shop. Ito ang lugar na unang pumasok sa aking isip na paroonan matapos ang matinding bangayan at pagtatalo namin ng aking madrasta kanina.

Who wouldn't be weary after a few hours on the road from Manila to Tarlac? At sa pagkamalas-masalan nga naman ay natapat pa na mabigat talaga ang daloy ng trapiko ngayon. The bus travel generally takes three hours, or so I recall because that is what I note every time I go to the province, yet my ride today took nearly five hours. Mabuti na ito, makaalis lang ako sa lugar na iyon. Bulong ng isang bahagi ng aking isip.

Magtatanghaling tapat nang umalis ako sa apartment na aming tinitirhan sa Maynila, kaya ganon na lang katirik ang araw nang sumakay ako sa bus papunta rito. Hindi pa man umaandar ang naturang sasakyan ay nanlalagkit na ako. Sa dami ba naman ng tao na paroo't parito na aking nasalubong bago ako makarating sa terminal na punong puno ng mga pasaherong naghihintay ng byahe. Halo-halong amoy, at nakabibinging ingay na nagmumula sa iba't ibang sasakyan, mga tindero't tinderang nagpapalakasan ng sigaw ng kani-kanilang paninda na sinabayan pa ng pag-aaway ng konduktor at ng isang pasahero na halos mamula na sa inis.

Sinuot ko na lamang ang aking earphones pagkaupo sa bakanteng upuan sa dulong bahagi ng sasakyan at nakahinga ng maluwag ng mawala ang lahat ng ingay.

Pagbaba ng bus ay nakahinga ako ng maluwag nang tumama sa akin ang sariwa at malamig na simoy ng hangin sa naturang probinsya. Tahimik at payapa ang lugar, malayo sa ingay ng siyudad. It is serene, if I were to sum it up in a single word. There were no people shoving each other, no vendors squabbling over who had that potential buyer first, and no vehicles making a lot of cacophonous noise.

"Maraming salamat ho, manong," wika ko sa tricycle driver na sinakyan ko patungo rito, habang isa-isang binababa ang naglalakihang bagahe sa loob at ibabaw ng kaniyang sasakyan. I was in a rush and could only bring three luggage and bags with me since my stepmother was so furious that she almost kicked me out of the house - well, she practically did if we think about it.

Pagkatapos ay dumukot ako ng isangdaan mula sa aking pitaka at nakangiting inilahad iyon sa kanya.

"Salamat ho ulit. At tsaka isa pa, iniligtas niyo ang buhay ko sa bako-bakong daan na iyon kahit naghihingalo na po ang kaibigan niyong ito." Biro ko sabay tapik sa tricycle na tinugunan naman niya ng mahinang tawa.

Ang tinutukoy kong daan ay ang matirik na kalsada na pinaliligiran ng sapa na nadaanan namin kanina. Ipinaliwanag din sa akin ng ilang pang mga tricycle driver na walang ibang mas maayos na daan. Under construction ang main road and the alternate route would loop around the next district before reaching the destination, taking over an hour.

Naiwan ako at tinanaw ang papalayong sasakyan. Nang maparam na sa paningin ay muli akong sumulyap sa coffee shop. Pinagpisang moderno at lipas sa moda ang disenyo nito. I am surprised to see how well the designs complemented each other. Kapansin-pansin rin ang mga materyales sa paggawa ng bahay na nakalagay sa isang sulok sa labas. Ito marahil ang nabanggit ng aking pinsan na pinapaayos niyang muli ang coffeeshop na kaniyang pagmamay-ari. Nasa likod lamang nito ang bahay niya.

Itinuon ko ang aking atensyon sa malawak na tabla na nakapaskil sa bandang itaas. Nakaukit doon ang pangalan ng shop "Middletown Café". May iilang mamasa-masa na upuan at lamesa sa labas ng shop dahil sa mahinang ulan kanina, kaya mas pinili ng lahat na umukupa sa loob. Hindi tinted ang mga salamin na bintana na nakaframe sa malalaking kahoy sa harap at paligid nito kung kaya't tanaw ng mga nagdaraan ang nasa loob.

A smile peeked across my lips as I noticed the several plants hanging from the window and the potted plants lined in front of the shop. My day isn't quite as horrible as I anticipated before leaving Manila, bulong iyon ng aking isipan.

Over a Cup of Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon