Chapter 3

102 53 48
                                    


Huminto ako sa pagbabasa ng librong pambata nang marinig ang malalim at mabigat na paghinga ni Yssa. She's sound asleep. Tahimik na ibinaba ko ang libro sa lamesita sa gilid ng kama bago maingat na tumayo para ayusin ang pagkakahiga niya.

Quarter to 11 na nang sipatin ko ang oras sa aking phone. I should be in bed right. Trying to wrap my thoughts around all that's happened today has worn me out. Ngunit, gising na gising pa rin ang diwa ko kaya't naisipan kong sumulat ng panibagong chapter ng libro na isinusulat ko mula sa talaan ng ideya na ginawa ko noong nakaraan.

Nang makaramdam ng pagkapagod sa pagtipa ay tumigil na ako at saka nag-inat ng mga braso. I carefully closed the laptop at tahimik na ibinalik sa loob ng closet.

And still, hindi pa rin ako inadalaw ng antok kaya't humila ako ng isang jacket bago isara ang closet. Naisip ko na maglakad-lakad muna at magpahangin ng ilang minuto sa labas.

I glanced over at Yssa, who was sound asleep at my side, and made sure to properly cover her with the blanket before slipping out of the bedroom without making a sound.

Sarado na ang Middletown Café dahil hanggang 10 p.m. lang daw iyon sabi ni Ate Nelle, 5:00 a.m. to 10:00 p.m. to be exact. Pinag-uusapan pa nila ng kaniyang asawa kung kailan ito gagawing bukas ng 24/7. Hindi rin kasi ganoon kalakihan ang cafè upang kumuha pa ng barista at staff para sa night shift.

Pagkalabas ko ng gate ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Mabuti na lang talaga at hindi ko nakalimutan na magsuot ng pangginaw. Ang kalsada ay medyo basa pa dahil sa matagal na pag-ulan kaninang hapon.

Bagaman probinsya at hindi tulad ng Maynila na buhay na buhay kahit gabi, hindi naman ganoon katahimik at dilim dito pagsapit ng higit hatinggabi. Ngunit hindi tulad ng dati na puro bahay lang ang narito, nabigla ako nang makapansin ng mga establishment tulad ng lomihan at lugawan na hindi kalayuan sa bahay nila Ate Nelle. Marami-rami rin ang tao na naroon upang kumain kahit ganitong oras na. May iba naman na lulan ng motorsiklo upang mag-take out lang ng order.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay may mga kaunting bago sa paningin pa akong naraanan. Ilan na rin pala ang mga bagong tayo na apartment rito. Ngunit sa lahat ng nadaanan ko ay nangibabaw ang kulay berdeng 3-storey apartment. Iyon ang pinaka kapansin-pansin dahil ang iba ay wala naman kahit ikalawang palapag.

Katabi ng apartment ay isang karinderya na sarado na. Sa tabi naman noon ay convenience store na nakapaskil ay 24/7 bukas ngunit walang laman na tao maliban sa cashier na tila inaantok at nababagot na.

Maglalakad pa lang sana ako nang mapansin ang isang batang lalaki na nakahiga sa isa sa mga bench sa tapat ng establisimyento. Tantsa ko ay kasinglaki lamang ito ni Yssa o kung hindi man ay mas malaki ito ng bahagya. Nilapitan ko siya upang tanungin kung bakit nasa labas pa siya ng ganitong oras ngunit nabigla ako nang mapansin na nanginginig ito.

Walang pag-aatubili kong hinubad ang jacket na suot at ibinigay iyon sa kaniya.

"Bakit nandito ka ng ganitong oras?" tanong ko nang mapansin na may malay ito dahil gumalaw siya nang ilapag ko ang jacket ngunit wala itong lakas na bumangon kaya't inaalalayan siya na umupo.

Halos mataranta ako nang dumampi ang mga palad ko sa nagbabaga sa init nitong mga braso. Napatutop ako ng bibig at saka idinikit ang likod ng palad sa kaniyang noo.

Maingat ko siyang binitawan at saka nagpaalam na babalik rin kaagad. "Sandali lang. I'll...I'll get you some...some water, kid."

Natataranta akong pumasok sa convenience store upang bumili ng tubig at makakain ng bata. Pinasadahan lamang ako ng walang emosyong tingin ng crew nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Napangiwi ako sa aura na ibinungad nito. What a great way to greet a costumer, huh?

Over a Cup of Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon