"KALEB is dead." Kumunot ang noo ko nang marinig ang tinig na nanggagaling sa kabilang linya matapos ko tanungin kung bakit ito napatawag gayong dis oras na ng gabi. Mali yata ako ng pagkakarinig.
Inihinto ko ang pagtipa sa laptop at bumangon para abutin ang bote ng tubig na nakapatong sa nightstand. "What do you mean? I mean...come again?" tanong ko.
"Hello?" pagtawag ko nang wala akong narinig na tugon dito.
Inilayo ko sa tainga ang cellphone at tinignan kung nasa tawag pa ito. Nang makumpirma ay ibinalik ko ito sa tainga at inalalayan gamit ang balikat.
I rolled my eyes. Kung nagbibiro man ito ay hindi ako natutuwa dahil masakit na ang ulo ko sa mga kailangan kong tapusin na assignment ngayong gabi. Wala akong panahon para sa ganitong klaseng biro.
I can hear the heavy sighs from the other line kaya't kunot-noo kong itinigil ang pagbubukas sa bote ng tubig na hawak. I bit my nail, hoping that the person on the other end of the line would confirm that I had misheard what he had just said. Ngunit nanlambot ang tuhod ko sa sagot nito.
"I'm sorry, Lei. I'm sorry." Narinig ko ang sunod-sunod na mabibigat na paghinga nito at maya-maya pa ay ang impit na pag-iyak.
Umiling-iling ako. "Please tell me that this is a big joke."
Bumuga ito sa hangin at sinusubukan na magsalita ngunit nauutal lamang ito. Sa huli, isang pagbuga muli sa hangin ang tugon na narinig ko sa kabilang linya.
Perhaps he's still shaken and thinking how he'll convince me to believe him when he has no idea if what's going on is real. "I'll send you the hospital's address. Please don't go alone if you can help it—"
"Where's JC?" I asked, while in the back of my mind repetitively praying that he was safe. Hindi ko pinansin ang sinasabi nito. "Nasaan si JC? Is he alive?" Kusang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na iyon.
Napahawak ako sa dibdib habang hinihintay ang sagot ng nasa kabilang linya.
"Yes, he is. JC is safe."
I almost let out a sigh of relief sa sagot nito—but then it hit me what he had just said.
"Are you guys pulling a prank on me again?" I asked, bitterly chuckling. I'm trying to make myself laugh since everything has happened so quickly at hindi pa rin nagpoproseso sa isip ko.
Baka sakaling hindi totoo.
Baka sakaling isang masamang biro.
"I know this is really hard to believe right now, Lei. I know. I am sorry I couldn't—"
Well, damn. At least tell me this is all a nightmare.
I let go of my knees; they'd been sturdy for a few minutes anyway. Hearing the news, I stood firm in believing that this was not the case. But holy fucking hell, this is sodding serious.
Mayroon pang sinasabi ang nasa kabilang linya ngunit tumatagos lamang ang mga ito sa magkabila kong tainga.
Ganito pala ang pakiramdam na iyon. Sa sobrang bigat, mamamanhid ka.
Sa sobrang bigat, walang tutulo na luha sa mga mata mo—ang puso mo ang tumatangis.
At mas mahirap dahil hindi mo mapipigilan.
"Lei, andiyan ka pa ba?" tawag ng nasa kabilang linya. Hindi ko namalayan na wala na kamay ko ang cellphone.
"Lei? Lei?" pagtawag muli nito ngunit lumalayo ang tinig. Palabo ng palabo gaya ng paningin ko na pinupuno ng nagbabadyang tumulo na mga luha.
BINABASA MO ANG
Over a Cup of Coffee
RomanceThis book will be published by Lines of Love Publishing House. Some chapters may not be available at the moment as they are currently undergoing the editing process. **** Kaleigh Millan, a novelist in her early twenties who has decided to leave th...