Chapter 4

97 45 31
                                    


7 years ago

"Kaleb, ano ba kasing ginagawa natin dito? Gusto ko nang umuwi," asik ko at diniinan ang pagbitaw ng huling kataga.

Hindi ko na nagawang itago ang inis na nararamdaman dahil nangangawit na ang mga binti ko sa ilang minuto naming pagkakatayo sa tapat ng posteng ito. At isa pa, ayokong naghihintay, alam iyan ng kasama ko.

Binalingan lang ako nito ng ilang segundong tingin at napayukod na lang ako nang ibalik din kaagad ang atensyon sa mga estudyante na nanggagaling sa main gate ng school ilang metro mula sa kinatatayuan namin. Karamihan doon ay mga member ng iba't-ibang club at school officers na pinaka-huling lumalabas ng paaralan dahil may kani-kanilang task pa na tinatapos para sa school week na ito.

Mabuti na lang at hindi tulad ng ibang club, minsanan lang kung magkita kami ng aking mga kasamahan.

Our school has a club called Literature Club. Tuwing ikauna at ikatatlong Lunes ng buwan kami nagkikita-kita upang ibahagi ang mga librong binasa namin sa nagdaang mga araw. Kasama na sa aming tinatalakay ang mga naging opinyon at naging reaksyon namin sa mga binasa. Maliban sa bukas na pagtatalakay ng mga opinyon ay mayroon din kaming ipinapasa na book reviews at kung ano-ano ang mga nais naming basahin sa susunod sa tuwing nagkikita kami. At kung minsan ay nagkakaroon kami ng event na nakakatulong sa paghikayat sa ibang mag-aaral na magbasa. I think this is where I discovered my passion for writing.

Mahaba ang ngusong luminga-linga ako at natanaw ang bakanteng upuan sa harap ng isang sari-sari store hindi kalayuan. Tambayan ito ng mga kabataan tuwing uwian, ngunit dahil anong oras na nga ay hindi na mga naka-uniporme ang umuukupa rito. Ilang minuto na rin mula nang mapansin ko na umalis ang isang grupo na naroon kanina.

Tinungo ko ito at iniwan si Kaleb na hindi ko malaman kung sino ba ang hinihintay sa posteng iyon. Wala naman siyang balak umalis doon at wala rin naman siyang balak na sagutin ang tanong ko. Mukhang importante para sa kaniya iyon dahil sa loob ng ilang buwan ng pagpasok namin sa eskwela ay ngayon lang kami naghintay ng ganito katagal.

Mayroon na kaya itong nobya sa unang pagkakataon? Iyon ang unang tanong na sumagi sa isipan ko.

Sumingkit ang mga mata ko habang naglalakad at iniisip ang maaring dahilan ni Kaleb. Hindi naman siya maghihintay ng ganito— at hindi niya hahayaan na maghintay ako ng ganito katagal kung hindi naman importante iyon.

Kanina ko pa napansin ang pagkiskis niya ng mga kaniyang mga palad dahil sa pagkasabik. Kung iisipin kasi ay nakabibigla kung may kinalaman sa eskwela ang paghihintay namin. Hindi ganoong klase ng estudyante ang kapatid ko—maliban na lang kung sinapian ito ng espiritu ng kasipagan para kasabikan ang pag-aaral na malabong mangyari.

"Uy, Kaleigh!" Napalingon ako sa babaeng biglang sumulpot sa likuran ko at kasunod nito ang komportableng pag-akbay ng braso niya sa balikat ko. "Pauwi ka na? Sabay na tayo. Daan tayo sa 'min." It is Ezra.

Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong isang malaking cup ng fishball.

Nawala ang pagkakaakbay niya sa balikat ko. Isinubo nito ang nasa stick at saka inilapit sa aking dibdib ang cup.

Marahan naman akong umiling bilang tanggi sa pag-alok niya na kumuha ako.

Ezra and I are classmates. Nag-iisa rin siyang pinakamalapit na kaibigan sa akin kahit na minsan lang kami nagkakaroon ng mga gala. Magkasama naman kami sa klase at sa club kaya't kahit ganoon ay malapit kami sa isa't-isa.

"Ayaw mo talaga? Sure ka? Minsan lang 'to," tanong nito na nakalobo ang pisngi dahil sa kinakain. Inulit-ulit pa niyang i-abot sa akin ang cup na tila nanunukso. Muli akong umiling habang natatawa.

Over a Cup of Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon