Chapter 6
AppointmentNag daan ang araw walang nag bago. Tuloy ang pangungulit at pag tatrabaho ni Jessy kay Luke at ang lalaki naman ay walang tigil sa pag papagawa dito ng kung ano ano. Utos dito, Utos doon.
Kahit pagod na minsan walang magawa si Jessy kung di sumunod. Naging kaibigan na din niya si Haze. Tuwing lunch time sabay silang kumakain sa cafeteria.
"May meeting pa?" tanong ni Luke at tsaka pabagsak na umupo sa swivel chair niya. Alas tres na ng hapon at kakatapos lng ng isang meeting nito.
"Wala na po Sir. Tomorrow may 7am meeting po kayo" si Jessy at tinanguan nalang siya ni Luke.
Bumalik na siya sa pwesto niya at inayos ang mga papeles. Mag piprint sana siya kaso ayaw bumukas ng printer sa table niya.
"Sira?" bulong niya sa sarili.
Yaman yaman sira ang printer.
Tamad niyang kinuha ang mga ipiprint at tsaka lumabas para maki print. Nilapitan niya si Haze na busy sa computer.
"Psst" tawag niya kaya nilingon siya nito
"Paprint naman ako, sira yung printer" nakanguso niyang ani.
"Yeah sure, Oh" tumayo ito sa kinauupuan para paupuin si Jessy.
Nakatayo lang si Haze sa likod ni Jessy habang busy ito sa pag piprint.
"Where is he? papasukin mo nga ako!" napalingon lahat sa babaeng bagong dating.
"Teka. Jessy! Jessy may appointment ba to?" sigaw ng isang empleyado habang may hinahabol na babae.
Etong bruhang to nanaman?
"Ikaw?"
"You again?" sabay nilang ani ni Valentina
"Arghh! You squammy girl. Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong.
"Wala kang pake miss VIP na hindi naman inuuna. Gisel paalis mo na yan wala yan appointment kay Sir" utos niya sa empleyadong tumawag sa kaniya kanina.
"Ohhh...So ikaw pala ang secretarya ni Luke? Where is he? i need to see him" palinga linga pa ito.
Aba't anong kailangan ng bruhang ko kay Luke. Mukhang kakabit pa.
"Tinignan ko ang schedule ni Sir Luke at wala ng susunod pa ngayong araw. Walang kang schedule kaya umalis ka na" pag tataboy ni Jessy
"Tabi! I need to see Luke" hinawi ni Valentina si Jessy at tsaka dare daretsyong nag lakad papunta sa dereksyon ng opisina ni Luke.
"Hoy bruha, Sinabing hindi nga pwe-" hinabol niya ito pero huli na dahil nabuksan na ni Valentina ang pinto ng opisina.
"Luke! Omg i missed you" nakapilantik pa ang kamay nitong tumakbo papalapit kay Luke.
"Tin? Hey i missed you. Kailan ka pa naka uwi?" niyakap niya ang babae.
Si Jessy naman na nakatayo sa pintuan naningkit ang mata ng makita ang pag kakahigpit ng yakap ni Luke. Aba at maharot din.
"Yesterday. I was planning to visit you kahapon kaso may Squamming babae kahapon" diniinan niya ang pag bangit ng "Squammy" habang nakatingin kay Jessy.
"Hoy bruha ako pang squammy? Sinong naniningit kahapon at may pa VIP-VIP pa hindi naman inuna" inis na ani ni Jessy. Mas lalong nadagdagan ang inis niya kay Valentina ng makitang yakapin ito ni Luke kanina.
"Mag kakilala kayo?" tanong ni Luke
"That girl na secretarya mo pala inaway ako sa cafe kahapon. Look i have bruise oh, tinulak niya ko kahapon" nakanguso at nag papaawa niyang ipinakita ang maliit na maliit na pasa sa braso niya. Buto't balat kasi. Wala pala to eh, Isang tulak ko lang parang iiyak na.
Nag aalalang hinawakan ni Luke ang braso ni Valentina para tignan iyon. Nang makumpirma niyang pasa nga iyon binigyan niya ng masamang tingin si Jessy.
"Why did you do that huh?" galit nitong tanong
"Oh bakit ako pa? Yang bruhang yan kaya ang sumingit kahapon. Pumila pila ako tapos bigla siyang sisingit at sasabihing VIP daw siya don" inis na din si Jessy
"No that's not true! Nauna ako sayo at ikaw tong biglang naniningit. I'm telling the truth Luke" bait baitan nito kaya mas lalong nainis si Jessy. Gustong gusto niyang sugudin ang babaeng naka angkla sa braso ng boss niya.
"Get out Jessy. Tapusin mo na ang dapat mong tapusin" malamig na utos ni Luke.
Si Valentina naman sa likod nito at ngingisi ngisi na parang nanalo sa isang pustahan. Humanda talaga sakin tong bruhang to. Makakatikim din sakin to.
Padabog na lumabas si Jessy at bumalik sa upuan ni Haze. Nag mamadali niyang ginawa ang mga piniprint dahil gustong gusto na niyang bumalik sa lamesa niya. Baka mamaya kung anong gawin ng Valentinang yon.
"Hey kalma yung mouse ko"
Natauhan lang si Jessy ng sitahin siya ni Haze. Hindi niya napansing mahigpit pala ang pag kakakapit niya sa mouse nito at mukhang masisira na pag tinagalan pa niya. Binitawan niya iyon at tsaka kinuha ang mga papel na pinrint.
"Thank you Haze" pasasalamat niya ng matapos.
"No problem. Any time Jes" nakangiti nitong sagot.
Dali daling nag lakad pabalik si Jessy sa opisna ni Luke. Parang umakyat ang dugo sa ulo niya ng makitang nasa likod ni Luke si Valentina at malandi pa nitong hinihilot sa balikat ng lalaki.
"Ehem" malakas na tikhim ni Jessy upang mapunta sa kaniya ang tingin ng dalawa.
Saglit lang siyang tinignan ni Luke pero agad ding ibinalik sa mga pinipirmahang papeles. Si Valentina tuloy padin sa pag hilot habang nang aasar na nakangiti kay Jessy.
Pinanlakihan siya ng mata nito dahil sa bwiset bago bumalik sa sariling niyang lamesa.
"Luke do you want to eat?" si Valentina
"Yeah sure. What do you want?" busy padin ito
"I'm on diet so salad lang. Ikaw?"
"Pizza" sagot nito
"Hey, orderin mo yon" tawag ni Valentina kay Jessy
Pabuka palang ang bibig ni Jessy para mag reklamo dahil kung maka utos ito pero naunahan nanaman siyang umusap.
"Oh may reklamo? Secretarya ka diba?"
Tiim bagang na tumayo si Jessy at tsaka kinuha ang telepono para umorder. Naka isa ka ngayon bruha.
FOLLOW,COMMENT&VOTE
BINABASA MO ANG
My Daddy's Friend
RomanceWarning: SPG | R-18 | Mature Scene What if you fall in love with your dad's friend? Jessy Santiago is a 27 years old girl who likes to party a lot. But what will happen if she fell in love with Luke Villega, Her Dad's friend who is 18 years older th...