Chapter 12

135K 2.3K 1.1K
                                    



Chapter 12
Sungit

"Lukeee! Teka lang ano ba" nakikiliting ani ni Jessy ng halik halikan siya sa leeg ng lalaki.

Nasa opisna sila at oras na ng lunch pero ayaw siyang bitawan ni Luke. Nang lumapit siya dito para sana mag paalam na kakain ay hinila siya nito papaupo sa hita niya.

"Luke kakain na ako" akmang tatayo na siya sa hita nito ng higpitan ni Luke ang pag kakayakap ay isubsob ang mukha sa leeg.

"Dito na tayo kumain. Nandon nanaman yung Haze na yon" naramdaman niya pa ang pag usap nito sa leeg niya.

"Kakain lang naman. Kung gusto mo edi sumama ka. Tara na" pilit niya tumatayo pero ayaw talaga siyang pakawalan.

"No. Mag papadeliver nalang ako"

"Pero gusto ko yung ulam sa cafeteria. May adobo sila ngayon, masarap ang adobo doon" angal niya

"Fine edi mag papabili nalang ako. Just wait here sabay tayong kakain" hinawakan siya nito sa bewang para itayo sa pag kakaupo sa hita.

"Teka bakit mag uutos ka pa? Tayo nalang mang aabala ka pa eh"

Malalim namang napabuntong hininga si Luke at tsaka tatamad tamad na tumayo sa swivel chair niya.

"Ok. Let's go" tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Jessy. Para namang nabato sa kinatatayuan ang babae dahil sa gulat. Lalabas talaga kami ng mag ka holding hands? Sa lumipas kasing dalawang linggo hindi nila pinahahalata sa mga empleyado na may relasyon sila.

Pag labas na pag labas palang ng opisina bulungan na agad ang nadinig ng dalawa. Si Jessy ay para ng kamatis sa pula ng mukha pero si Luke ay parang wala lang at dare-daretsyo lang ang lakad.


"Hala bakit sila mag ka holding hands?"


"Omg sila na ba ni Sir?"


"Sabi na eh, Alam kong may something sa kanila"


"Hindi ba malaki ang agwat nila? Parang ang panget tignan"


Kaniya kaniya opinyon at chismisan ang mga empleyado pero wala silang pinansin. Pag dating sa cafeteria ganon din ang nangyari pero mas lumala pa dahil mas madami ang tao doon. Gumala agad ang mata ni Jessy sa loob para hanapin si Haze. Nakita niya ito sa lamesang inuupuan nila at nakatingin sa kamay nila ni Luke na mag kahawak.

"Baby" bulong na tawag ni Luke

Naalis naman kay Haze ang paningin ni Jessy at ibinaling sa boyfriend niya. Inis itong nakatingin sa kaniya.

"Huh?"

"Eyes on me" malamig at seryoso niyang sabi. Binitawan niya ang pag kakahawak sa kamay ni Jessy at ipinulupot iyon sa bewang kaya mas lalong nag bulungan ang mga tao.

"Adobo" pautos na sabi ni Luke sa tindera sa cafeteria. Nag mamadali naman itong i prepare ang inorder ng boss.

Siniko ni Jessy si Luke. "Wag ka ngang manakot"

"What? Hindi ako nananakot"

"Oo kaya. Ngumiti ka kasi" hinawakan niya ito sa pisnge at parang pinoporma iyon ng ngiti pero pag alis niya ng kamay niya bumagsak lang ulit ang ngiti nito.

"Smile Love" naka ngiti niyang ani.

Naniningkit naman ang matang binaba ni Luke ang tingin kay Jessy. "What did you call me?"

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon