Chapter 12: Change
ALYANNA SHEINA
"Yanna," napatingin ako kay ashton and gave him a questioning look.
"Aliyah wants to see you."
"Oo nga noh, ang tagal ko na siyang di nakikita."
"You're pouting." sabi ni ashton habang nakangiti at nakasalumbaba, inirapan ko naman siya.
"So later?" tumango ako.
"Pero daan muna tayo sa supermarket, ill buy something for aliyah."
"Okay."
Aliyah is ashton and keith's younger sister, she is 5 years old.
Im super excited, its been a loooong time since i went to their house and play with aliyah. I've always dreamt for a younger sister but too bad i got an older sister instead. Joke, Love you ate!
The last teacher dismissed and we're off to go.
"HOY CELINA HALIKA NA!" sigaw ng boses ng isang lalaki.
"ANONG SABI MO?!" rinig kong sigaw ni cee, it turned out that she's talking or more likely shouting with brent outside.
"WALA! HALIKA NA SABI!" aalis na sana si cee ng hilahin ko ang bagpack niya. I fake cough, and raised an eyebrow ng tumingin siya sakin patalikod.
"Where are you going?"
"Ah-eh ano kasiㅡ"
"Celine, tell me honestly whats going on?"
"Huhuhu, ahmm... bespren pede sa bahay na lang? please. Please." she pleaded habang nakatiklop ang kamay niya.
"Later, wag mong subukang matulog mamaya."
"Hehe, promise! Teka, aalis kayo ni ashton?"
"Yep, punta kami sa bahay." Sagot ni ashton, we started walking palabas kasabay si cee.
"Ohhh, okay! Alis na akoㅡ"
"Bakit anㅡ"
"Hey brent," napatingin saakin si brent.
"Ihatid mo si cee pag-uwi mamaya."
"ANOㅡ" i cut them off, sabay kasi silang nagreact.
"Take cee home before 7 pm."
"Teka sheiㅡ"
"No buts brent, safety ng bestfriend ko ang nakasalalay dito."
"Tss, K."
"Halika ka na nga halimaw ka!" Sabi ni cee at hinila si brent, "bye sheina! bye ashtoooon, ingat, enjooooy!" sabi ni cee atsaka sila tuluyang umalis.
"Brent likes cee," sabi ni ashton sa tabi ko. Kumunot ang noo ko, "im a man, alam ko."
Pumunta na kami ng parking at sumakay sa sasakyan niya, dumaan kami sa nearest supermarket.
Pagdating sa supermarket ay kumuha agad ako ng basket at pumunta sa candies and chocolates section.
Kumuha ako ng isang 2 balot ng 6 pieces na kitkat, favorite namin pareho ni aliyah. Kumuha din ako ng 3 balot ng gummybears and-
"You're already sweet Yanna, sobra na 'yan."
"Don't talk to me." irap ko at kumuha ako ng isang balot ng marshmallows.
I heard him chuckle, "akin na nga 'yan." sabi niya at kinuha 'yung basket sakin.
Dumiretso naman kami sa ice cream section, Kumuha ako ng isang pint ng double dutch.
"Di ka ba magkaka-diabetes nito?" sabi ni ashton habang tinitignan ang laman ng basket namin.
BINABASA MO ANG
My Possessive Suitor
Ficção AdolescenteManliligaw ko lang siya pero kung umasta parang kami na. kainis.