Chapter 5: Weird

1.1K 30 5
                                    

2 updates in One day! Kyaaa. naiyak at nagulantang ako sa last chapter, sinulat ko ba talaga yun? hahaha. kaiyak si ashton ano po? huhuh whyyy. ang sakit nanaman sa mata ng wattpad. spacing, ugh.

enjoy reading! dedicated to dee. Hey thank you, and sorry. ilysm dee ♥

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 5: Weird

ALYANNA SHEINA

kanina pa ako nasa bintana ko naka-dungaw sa labas. madaming stars ang ganda din ng buwan. napalingon ako sa pintuan ko, may kumatok at bumukas ito. si cee, may dalang strawberry ice cream. napangiti ako.

pinatong nya yung ice cream sa table at lumapit sakin, "anong drama mo sheina?"

"ha? ano nanamang sinasabi mo dyan."

"ako pa ba lolokohin mo? magku-kwento ka o magku-kwento?" napatingin ako ng seryoso sakanya. si cee, to eh kilala nya ako. simula palang magkaibigan na kami.

bumaba ako sa bintana at pumunta sa kama, kinuha naman ni cee yung ice cream at lumapit sakin. kumuha ako at kumain.

"anong nangyari?" bumuntong hininga ako bago nag-kwento.

"nagseselos ka ba?" sabi niya. "kahit konti lang?" bahagya kong ginilid ang mukha ko. hindi pa din ako humaharap sakanya, nakatalikod pa din ako.

"wag mo kong piliting sagutin yang tanong mo..."

 

"napaka-confident ko nga diba? umaasa lang ako na baka kahit konti nag-selos ka. "

 

"baka masaktan ka nanaman sa isasagot ko." 

 

"matagal na akong nasasaktan at umaasa alyanna, bakit hindi ko pa sagarin? baka sakaling bumitaw ako kasi sobrang sakit na." 

"kung nasasaktan kana , bakit hindi ka pa bumitaw?" sagot ko sakanya ng hindi siya hinaharap.

"yan ang hindi ko masagot yanna. hindi ko alam kung bakit hindi kita kayang bitawan kahit sobrang sakit na." naramdaman kong nasa likod ko siya.

"titigil ako kapag sinabi mong bumitawa na ako." napapikit ako sa sinabi nya. pagbukas ko ng mata nakita ko siya sa harapan ko.

"matagal ko ng sinasabi sayo na tumigil ka na--"

"ngayon sabihin mo sakin ng harapan, alyanna. sabihin mo sakin ngayon na bumitaw na ako ng tuluyan baka sakaling magising ako sa katotohanan na wala."

naphakbang ako patalikod. hindi ako makapag-salita, bakit hindi ko masabi bakit hindi ko-- naramdaman ko yung labi niya sa noo ko.

"Goodnight yanna ko." sabi niya atsaka siya umalis.

My Possessive SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon