Chapter 1

47 2 0
                                    

Chapter 1

Gab's POV

"Ate! Ate! Ate!"

Shete. Si Jacob Jose.

"Ate! Gising! Ate! Gising!"

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pag-alog ni Jacob Jose sakin.

"Ano ba Jacob Jose! Baka nakakalimutan mo, Off ko ngayon!"

Sabi ko sa kanya at bumalik sa pagtutulog.

"Ate! Gumising ka nga!"

Hindi ko siya pinansin.

"Ano ba ate! Gumising ka nga!"

"Isa pa Jacob Jose ha. Hindi ka titigil makakatikim ka sakin"

Binantaan ko siya ng suntok kapag hindi pa siya tumigil. Psh. Ano na naman ba ang kelangan nito at ngayon pa natripang manggulo ng tulog ng iba. Pagod kaya ako.
"Ayaw mong gumising ha."

Huwag mong sabihing...

"Paappp-"

Agad-agad akong tumayo at tsaka hinablot ang libro sa desk ko at binato sa kanya. Alam na alam ko namang isusumbong na naman ako nito kay Papsie at yun ang pinakaayaw ko dahil alam ko namang ako at ako lang ang pagagalitan kahit siya ang may kasalanan. Psh.

"Aray ate."

"Hoy Bansot! Ano na naman ba ang kailangan mo ha? Istorbo ka! Aish"

Akmang susuntukin ko na sana siya. Syempre hindi ko tinuloy. Mabait naman ako kahit papano.

"Hehe"

Ngumiti siya na parang aso. Kung hindi ko lang talaga kapatid to kanina ko pa'to pinatay.

"Ano na? Bilis! Nang hindi pa nagbabago ang isip ko."

"Ate, Pwedeng pautang muna?"

Sabi ko na nga ba.

"Alam mo Jacob Jose, Sarap mo ding gawing punching bag eh noh."

"Promise ate, babayaran agad kita kapag nakaluwag luwag nako at makapag-ipon. Hehe."

"He-he-he, Asa pako. Kailan ka natutong mag-ipon ha? aber?"

"Grabe. Makapanghusga lang? Porket kuripot ka lang talaga hindi na ako marunong mag-ipon?"

"Dinamay mo pa ako ehh noh. Hindi ako kuripot. Nagtitipid lang at sadyang magastos ka lang talaga. Oh sha. Magkano na naman ang kailangan mo ha?"

"Hindi naman pera hihiramin ko eh. Ate, kailangan ko lang talaga ng maibibigay sa nililigawan ko. Pwede bang pautang muna ng damit sa Boutique mo? Babayaran ko talaga kapag nakapera na ako. Wala talaga akong pambayad ngayon sayo."

"Mabuti pa yung nililigawan mo nakatanggap ng magandang regalo."

"Sus. Nagselos pa. Kadiri ka ate. Hindi bagay."

Panira talaga to kahit kailan.

"Sipain kaya kita diyan?"

"Brutal mo talaga. Hehe. Sabi ko nga cute mo."

"Oh sha. Umalis kana bago pa dumilim ang paningin ko at mapatay kita nang hindi sa oras. Hintayin mo nalang ako sa baba. Tsupe"
Sabi ko at pinagtulakan ko pa siya papuntang pintuan.

"Kala mo sakin Aso? Pweh."
Iritang sabi niya.

Lumabas na si Jacob Jose sa kwarto ko. Samantalang ako, naligo na at nag ayos pagkatapos bumaba na. Dumeretso ako sa kusina at nadatnan ko sa papsie na nagluluto.

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon