Chapter 3

7 1 0
                                    

Chapter 3

Gab's POV

Dahil sa inis na inis na talaga ako sa nangyari kanina napag-isipan ko na lang na umalis sa nakakabwisit na lugar na yun at dahil sa nagmamadali ako, hindi ko na namalayang may nabunggo na pala ako pagkalabas ko ng resto.

"What the Hell?! Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"
Sigaw niya sa akin.

Talaga nga namang! Kung minamalas ka nga naman talaga. Kahit hindi ko nga namalayang nabunggo ko sang mokong na to at natapon sa damit niya ang hawak hawak niyang kape, pero hindi lang naman ako ang may kasalan ahh, nag tetext kaya siya. Kitang kita ng dalawang kong magagandang mga mata.

"Hoy! Mister! So kasalanan ko pa ngayon?! Ehh ikaw tong nagtetext habang naglaakad ahh!."
Sabi ko sa kanya syempre nang nakasigaw din.

"So alam mo palang nagtetext ako bakit hindi ka man lang umiwas? Anong Modus mo?"
Sabi niya sakin.

Makokonsensya na dapat ako eh. Tama rin naman siya kahit konti lang. Bakit hindi ko nga ba siya iniwasan? Psh. Bwisit kasi ang babaeng yun. Umiinit na naman ang Ulo ko tuwing naaalala ko siya. Makapatay nga ng di oras. Gaya nga ng sinabi ko, makokonsensya na dapat ako, pero Shete! Modus? Modus? Kala niya sakin? Magnanakaw? Okay na sana ang sinabi niya eh. Okay na. Pero peste, ginawa pa akong Gangster. Sa Ganda kong to? Psh.

"Maka-Modus? Kala mo sakin? Gangster? Hin-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko siyang nagsmirk. Seriously? naiinis nako sa mokong na to. Dagdag Stress lang siya eh ano.

"Huh. Alam ko na-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may nagring na cellphone.

Sigurado ako na akin yun dahil yun yung ringtone ko. Stop Stop it ng Magic 3. Waaahh! Ahem. ahem. Para sa kaalaman po ng iba. Certefied Fan po ako ng Magic 3 Lalong lalo na ni Lance. Isa silang Boy Group as well as sikat na mga models. Pangarap ko talagang maging Designer ni Lance. Anyways, Tiningnan ko ang phone ko wala namang tumatawag at nakita ko nalang ang mokong na may kausap. So, ibog sabihin pareho kami ng ringtone? Oh My Gosh. Fan din siya? Seryoso? Psh. Who cares? Hindi ito ang tamang oras para magtanong ako.

"Alam mo. Swerte mo ngayon dahil may pupuntahan ako, makakatakas ka sa ginawa mo."
Sabi niya sakin

"Wow. Ang saya naman nun."
Sarkastikong sabi ko

"Huh. Miss. Alam mo bang Limited Edition ang Suit nato?"
Proud na proud niyang sabi. Psh. Yabang. Edi siya na ang mayaman.

"So?"
Ang tanging sagot ko sa kanya.

"God. Michael Cinco ang designer ng suit na to. Hiyang hiya naman ako sayo kung ikaw lang ang sisira ng suit ko. Huh. Sa bagay parang wala ka namang alam sa mundo ng fashion hindi mo alam kung ano ang mga mamahaling damit. Tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi bagay sayo ang suot mo. Tsk. Tsk."
Sabi niya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Teka. Teka. Minamaliit mo ba ako? Eh ano kung Michael Cinc-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marealize ko na si Michael Cinco ang designer ng suot niya ngayon. Michael Cinco? As in Michael Cinco na sikat na sikat na Designer hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Buong Mundo? Michael Cinco na Idol na Idol ko simula ng pumasok ako sa mundo ng Fashion? Michael Cinco na gustong gusto kong pumunta sa saka-sakaling Fashion Week na gagawin ko? Seryoso ba siya? Oh-My-Gosh. OMG. Ang swerte niya. Ang swerte swerte. Huwaaaahhh! Hindi ko na siya pinansin dahil hanggang ngayon hindi parin nagsisink in sa utak ko ang sinabi niya.

"Huh. Magkikita pa tayo tandaan mo yan."
Ang sabi niya at nakatunganga parin ako na parang timang.

"Mag-ayos ka nga. Para kang lalaki. Psh."
Pahabol niyang sabi at tuluyan ng umalis.

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon