Chapter 4

16 2 0
                                    

Maxandra's POV

3 Days na ang nakalipas na nagiging Pms si Boss. Hindi naman siya usually ganito pero ewan ko sa kanya. Alam ko, nainsulto siya sa sinabi ng Angel na nililigawan ni Jacob-Boy at ni Papa PJ pero hindi na naman pwedeng idamay niya kami sa pagka-Pms niya. Seriously. Hindi ko na alam kung paano siya iaaproach. Marami na ang nangyayari sa Company. Although parang Shop lang siya pero ang totoo Company talaga ang Dream-C. Maliit lang siya kaya nga tinatawag lang naming shop. Hindi kagaya ng ibang company na abot hanggang 40-50 floor or ilang floor pa diyan. Ang Dream-C, iisang floor lang. At ito pa, apat lang kami ang nagtatrabaho dito, not like other companies, they have thousands employee.

Actually, magkababata talaga kami nitong si Gab. Sabay kaming lumaking apat ng ugok niyang kapatid na si Jacob-Boy at ng pinsan kong si Weii. Paano kami nagkakilala? Ganito kasi yun.

[Flashback]

- Grade School Days -

Grade 4 ako at Grade 1 naman si Weii ng lumipat kami sa lugar nila at magkapitbahay kami nun. Magkatapat bahay specifically. Boring nun that time kasi umaalis si Mama para magtrabaho, so kami na lang ni Weii ang natira sa bahay. Ayaw kong kalaro nun si weii kasi masyado siyang girly. Gusto niya Dolls niya lang palagi ang nilalaro niya. Palagi niyang tinatahian ng damit at kinakausap na parang timang. Naghanap ako nun ng kalaro and exactly nakita ko ang magkapatid na nagsusuntukan. Well. Si Gab lang pala. Sinusuntok niya si Jacob-Boy. Syempre lumapit ako sa kanila kasi baka magpatayan pa ang dalawa. First, akala ko nag-aaway talaga sila, tinanong ko kung ano ang nangyayari. Sabi ni Jacob-Boy nagwre-wrestling lang sila ng ate niya, pero sabi namam ni Gab tinuturuan niya si Jacob-Boy ng Self Defense. Well para sa kanya Self Defense yun na halos patayin niya si Jacob-Boy kakabugbog niya. Doon ko din nalaman na magkapatid silang dalawa, at masyado akong natuwa sa kanila noon at the same time inggit dahil sa kakaiba ang bonding nilang magkapatid, hiniling ko nun na sana naging lalaki na lang si Weii at sana may kapatid din ako, although nandiyan naman si Weii na para ko na rin lang namang kapatid pero iba pa rin pagtotoo talaga. Simula noon naging magkaibigan na kaming apat. Araw araw na kaming naglalarong apat. Kung minsan nga sleep over pa, at naalala ko nun, may crush pa nga si Jacob-Boy kay Weii pero ayaw sa kanya ni Weii dahil daw takot sa ate. Eh sino pa ba ang hindi matatakot kay Gab? Pero parang nag-iba na rin ang sitwasyon simula nung nag high school na kami.

- High School Days -

Marami na ang nagbago sa aming apat. Syempre High School na kami at nasa Grade School pa rin sila Jacob-Boy at Weii. Talagang ibinilin namin si Weii kay Jacob-Boy, at nangako naman siyang babantayan niya palagi si Weii. Well. Kami naman ni Gab, nakilala naman namin si Francis the Asungot. Paano namin siya nakilala? May Crush lang naman siya kay Gab within 3 years at nag-amin siya sa araw ng Prom namin mismo. Sinabihan ko na siyang wag ituloy dahil alam naman ng lahat na ayaw talaga sa kanya ni Gab, eh ayaw makinig, taas ng Self Confidence, baka kasi daw magbago isip ni Gab at sagutin siya, and knowing Gab kung ayaw niya talaga sa isang bagay, ayaw niya but if gusto niya, talagang gagawin niya ang lahat para makuha niya lang ito. So, in the end Basted pa rin siya. Tumigil na siya nun dahil syempre na basted daw siyaaa according sa kanya kahit ilang beses na siya nabasted at baka daw hindi pa umabot ng College ang buhay niya. Ikaw ba naman, sa loob ng tatlong taon makakatanggap ka ng batok, Hagis ng libro, sapatos, chalkboard eraser at kung ano-ano pa araw araw, minsan nga wrestling pa, hindi ka pa titigil. Well. believe rin naman ako minsan kay Francis dahil natitiis niya si Gab. At yun naging magkaibigan na lang rin naman kami pagdating namin ng 4th Year. Seniors kami, Freshmen naman sina Jacob-Boy at Weii. Dun na rin nagsimulang mag Girlfriend si Jacob-Boy. Inis na inis talaga si Gab kay Jacob-Boy nun that time. Halos hindi sila nag-uusap or kahit hi or hello man lang for almost a month. Awkward talaga nun, kahit nga kami ni Weii naapektuhan na rin, hindi kasi namin alam kung paano namin kakausapin ang magkapatid. At dahil sa tampuhan nilang magkapatid, silang dalawa ang palaging napagtripan namin ni Weii na maging Topic sa kwentuhan namin at dahil dun nalaman ko na may Crush pala si Weii kay Jacob-Boy since umalis na kami sa Grade School namin. Well mahabang kwento kung bakit. Syempre natutuwa talaga ako ng sobra kaya sinabi ko kay Gab, aba syempre tuwang- tuwa din ang gaga. Talagang sinsiship namin si Jacob-Boy at Weii noon pa man pero hindi na muna namin sinabi kay Jacob-Boy dahil ayaw ni Weii na malaman niya dahil ayun nga may Girlfriend na daw ang loko at baka daw siya pa ang may dahilan na baka magbreak sila. Pa-martyr ang prinsesa namin. Dumating din ang araw ng Graduation. Syempre ano pa nga ba, lungkot-lungkotan ang peg namin at sa wakas magiging College na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon