Chapter 7 - Asar pa More!

45 0 0
                                    

MIA'S POV....

Inuwi ko muna si Bibo at pinakain bago ako tuluyang tumungo kina kuya Farell. Si kuya, sa kanya ko naikkwento yung mga problema at kung anu anong kaimbyernahang nangyayari sa buhay ko. Siya lang naman kasi yung seryosong nakikinig at nagbibigay ng payo sa akin. Yung dalawa ko namng barkada, di sila gaanong maaasahan sa ganoong kaseryosong bagay dahil puro pangaasar lang ang ginagawa nila.

Narito ako ngayon sa harap ng tahanan nila kuya. Wait lang mukha yatang may kasiyahan sa loob ng bahay?!.Naririnig ko kasi ang kaskas ng gitara at paguusap at pagtatawanan mula sa loob. Mukhang may mga babae siyang kasama. Teka, kelan panagkaroon ng ibang babaeng close yun maliban sa kin?Hmp?! Nakakacurious naman.

Nagdoorbell na ako ng tatlong beses pero mukhang di yata ako naririnig.

"Kuya Farell?! Kuyaaaaa!" sigaw ko mula sa labas. Sabay nagsitahulan namn yung malalaki nilang alagang aso. Di pa yata ako welcome ngayon. Inulit kong tumawag pero wala pa rin. Hay naku, makaalis na nga lang. Mukhang busy naman ata siya.

At umalis nga ako.Di pa ako nakakalayo nang may tumawag sa akin.

"Mia!Mia!" Agad ko naman itong nilingon. Si kuya Farell pala. Buti naman. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Oh buti naparito ka?siguro may kamalasan nanamang nangyari sayo noh?haha" Talaga to, nahahalata na nga niyang naiinis ang aura ko, tatawanan pa ko.

"Oo kuya. Ako na nga ang malas sa lahat ng malas eh." Tsaka niya ako pinapasok sa kanila.

"Hi Miaaaaaa!" Huh?T-Teka Bakit nandito -? Eh?Huh? Panong -?

"Inimbitahan ko pala sina Beatriz at Cesea rito ngayon. Pupuntahan ka na nga sana nila pero biti na lang at kusa ka nang naparito." explain ni kuya. Ako naman, tulala mode pa rin. Eh sa hindi naman nila kasi close si kuya Farell eh. Ni hindi pa nga nila nakikita kundi naikkwento ko lang sa kanila tapos makikita ko sila sa sala nila kuya, nagmemeryenda?!eh?!

"Anong ginagawa nyo rito?!Aber! mga bruha kayo!"sabi ko

"Alam mo kasi Fagela, sobrang worried na kami sayo that's why pasikreto naming kinuha ang contact number ni kuya Farell mo para alamin kung anong nangyayari sayo" explain naman ni beatriz

"Yah!. Tama. Eh sa naikukwento mo si kuya sa amin kaya naisipan namin na siya lang ang pwedeng makapagexplain sa amin kung napapano ka. Nagbakasali kami na baka alam ni kuya Farell what's happening to you tapos, tuloy ininvite na niya kami rito sa place niya para sana pag-usapan ka" Huh?ako?napapano ba ako?May nangyayari sa akin? heeeeh -_-! baliw talaga tong mga to kahit kelan.

"That's right Mia. Nabanggit sa kin ng mga good friends mo na kung anu-ano daw mga pinopost mo sa FB, tulala ka raw lagi tas mainitin ang ulo kaya nag-aalala sila sayo. Ang babait naman nila Mia, buti may mga concern pa sayo" leche talaga oh -_- concern daw. Nakikitsismis lang kamo. Talaga naman, ganun na ba ka big deal sa kanila yung ka moodyhan ko? eh dati naman na kong nagpopost sa FB ng kung anu ano tsaka madalas naman talaga na mainit ang ulo ko. Eng eng talaga. ╯▂╰

"Ano nga ba kasing nangyayari sayo Mia? Mula nang makilala mo si Ace Dela -" Talaga naman tong Siyang na to. Haiiiiiiiiz!.

"Heh!pwede buh?alang kahit anong nangyayari sa akin. Ang O. A niyo talaga noh?!" sabay upo sa sofa at dumampot sa cookies na kinakain nila.

"Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Ala daw pero look at your appearance girl. Daig mo pang nagkaanak ng isang dosena!"

"ouch!" Binato ko lang naman si Beatriz ng kinakain kong cookies.

"Ace?as in Ace dela Fuente?!Am I right?" tanong ni kuya Farell

"Tumpak kuya. Si Ace bebe niya!. Mahal na nga ata niya eh kaso nga lang iba naman mahal ni Ace. Nganga tuloy si Mia. Tzk Tzk Tzk"

Status: M.U. (MANHID Siya, Ako UMAASA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon