JESSICA'S POV
Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing
"Tzk! Ang ingay naman". Inabot ko ang alarm clock na nakapatong sa table beside my bed at pinatay yun.
KNOCK....KNOCK....
"Jess, my dear. Bilisan mong kumilos dyan. Maaga tayong aalis". Aish! Ayoko talagang pumunta dun, Ayoko T-T. Pupunta lang naman kami sa store ng wedding gowns.
Naiinis talaga ako. I hate fixed marriage pero di ko akalaing isa ako sa makakaranas ng ganito. T-T
Ikakasal lang naman kasi ako kay Lester a.k.a Ace. Hmmm nagtataka siguro kayo kung bakit ko alam noh?
Ganito kasi yun. Bago paman sabihin nila mom and dad na ikakasal ako sa iba, eh alam ko na. Paano? heto...
Una kong nakilala si Ace bilang Lester. Yeah, we were dating but it doesn't mean na type ko na rin siya.
Para sa akin, isa lamang yung friendly date. Kuya lang talaga ang tingin ko sa kanya as in parang nakakatandang kapatid. Matanda kasi siya ng 2 yrs. sa akin.
Sa loob ng first 3 months na nagdedate kami, he reveal something private.
We were at a fancy restaurant at that time.
"Hmmm matamlay ka yata Les?." I ask him since mukhang napakalalim talaga ng iniisip nya. Ni hindi nga nya ginagalaw yung pagkain nya eh.
"From now on, you should not call me by that name. Ace Reynard Dela Fuente. Yan dapat ang itawag mo sa akin from now on". Mariing pagkakasabi nya.
"B-but why?" I ask curiously.
"Tumakas ako sa amin sa kadahilanang ikakasal ako sa iba. Ayokong mahanap nila ako. I even change my name so that they will never find me." Yes po. He really change his name. Kita nyo naman di ba? Tumulong pa nga ako sa pag-aasikaso nun. Ultimo mga papeles na kailangan para mapalitan yun, inasikaso ko rin.
I even help him to his financial problems.
"Alam mo na ba kung kanino ka ikakasal?"
"Hindi nga eh. Bago ko pa mameet yung girl, naglayas na ako."
"Kahit family name lang?di mo rin alam?" Tsaka siya umiling iling. Maya maya, I've noticed na may tulo sa gilid ng mata nya at agad nya tong pinunasan.
That's the end of conversation.
Kauwi ko naman ng bahay ng araw ring iyon. Nadatnan ko sila ma and pa na inaabangan talaga ako. Seems like may sasabihin sila sa akin.
"Jess, dear. Can we talk? Sabi ni ma.
So, I sat between them and started to listen. May masamang kutob yata ako.
"Ano po iyong sasabihin nyo ma? pa?" Kinakabahan kong tanong.
"Di na kami magpapaliguy ligoy. Gusto lang namin na malaman mo na kailangan mong magpakasal" hanu daw? Nababaliw na ba sila?ako? Ikakasal?
"What!? Kahit kelan di nyo ko mapapapayag" reklamo ko. Sabi ko na nga ba eh. Tama ang kutob ko na masama talaga ang sasabihin nila. Matagal ko nang nasesense na may balak silang ganoon sa akin. Masyado nang mahaba kung ichichika ko pa. Basta yun na yun.
Tinalikuran ko sila at umakyat nang hagdan papuntang kwarto....
"But you have to marry the grandchild of Mr. Buenavista. Si Lester Yhael Buenavista, siya ang lalaking pakakasalan mo".
Natigilan akong bigla. H-hanu daw?tama ba ang naririnig ko? Ikakasal ako kay Lester Yhael? Ang lalaking madalas na kadate ko?na ngayon ay nagtatago sa pangalang Ace reynard dela Fuente.?.
BINABASA MO ANG
Status: M.U. (MANHID Siya, Ako UMAASA)
RomansMarami na kong heartbreaks na dinaanan at nalagpasan... 1st BF - nakabuntis ng iba 2nd BF - Bakla, babae pala gusto 3rd BF - Long distance, di nagwork Ode? puro Heartbreaking lang ang ending? Until to the point na tila ayaw ko nang mafall pang...