Shy pov ...
Nahihilo na ako. Pano ba nama ikot ikot ako sa kwarto ko kanina pa. Daig ko pa mag eexam ng sabay sabay lahat ng subjects. Ano ba susuutin ko? Eto ba talaga problema sa unang date? O lagi itong problema? Parang ayoko na mag ka bf.. joke lang hihihi nag date lng, bf agad agad?
Sa haba haba ng kabaliwan bagsak pa rin sa white shirt and jeans. Simplicity is beauty. Hoorrrraaaayyy !!! Pampalubag loob langXD
First date walang sundo? Anyare? Well, napagkasunduan na lang namin magkita sa isang lugar. At heto na ako nakaupo sa gilid. Di ako excited parang 1 hour lang ang inaga ko. :3
Andito ako sa isang mall. Syempre DATE to kaya unang destination ay mall. Capslock pa yan para dama nyo. Malapit na din mag time. Pero wala pa rin siya. Yung totoo filipino time din ba siya.
Someone's Calling ...
I have the spirit indestructible
A heart that lovin' was made pure
A body thats a miracle
I have the sp~~~"Hello. Do i know you?" Habang may naririnig akong nagtatawanan sa kabilang linya.
"Shy... Lloyd here" bigla naman tahimik nung mga nagtatawanan.
"Uy Lloyd asan ka na?" Sa isang masiglang boses.
"Shy asan ka na? Di kasi ako makakapunta may emergency kasi. Sorry ngayon lang kasi kaya ngayon lang din ako nakatawag. Andyan ka na ba?"
"Wala pa. Kagigising ko nga lang ei, kalimutan ko yung usapan natin kahapon" sa isang pilit na boses ng isang bagong gising.
"Ay buti naman, sige bye. Sorry talaga ha."
Nakatingin pa rin ako sa phone ko, di ko alam kung gaano na katagal. May nararamdaman kasi ako. Masakit. Ganito ba pag crush o dahil mas may malalim pang dahilan?. Naguguluhan ako.
First date? It hurts for the first time. BIGTIME.
~~~
Papasok ako sa school ngayon. Nangyari sakin kahapon?. Wala. Umuwi ako ng wala sa sarili. Hindi ko nga alam kung pano ko natapos ang buong maghapon kaya hanggang ngayon parang lutang ako. Naglalakad ako ng biglang may kumalabit skin.
"Shy.. ok ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag kaso di mo yata ako napapansin" si Lloyd.
"Ay sorry marami lang ako iniisip." Timid kong salita sa kanya. Para kasing may sakit ako nararamdaman.
" sorry talaga kahapon ha. May emergency lang talaga. Hayaan mo bawi ako sayo ok." Ngiti nyang sabi.
"Sige sige bawi ka ha." Ngiti kong balik sa kanya. Parang nawala yung sakit na nararamdaman ko nung bigla siya ngumiti skin.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at sumabay na rin sya sakin, same class kasi kami ng bigla kong maramdaman may humawak sa kamay ko. Napadako bigla dun ang aking mga mata. kamay ni Lloyd ang nakita ko. Nagsisimula na ba siya bumawi?
Tumahimik ang room nung dumating kaming sabay ni Lloyd. Parang dati lang halos di nila ako maramdaman. Iba talaga nagagawa pag sikat na tao ang kasama mo. Nagkaron ng bulung bulungan sa loob ng klase kaya binitawan ko si Lloyd ng di oras at tuluy tuluy umupo sa upuan ko. Natigil lang to ng dumating ang prof. namin.
"Good morning."
"Good morning sir." Sabay sabay bati namin sa kanya.
"Class siguro naman nasimulan nyo na yung research na pinapagawa ko. Mahirap yun kaya maaga ko binigay."
"Yes sir!" Pustahan wala pa nagsisimula sa kanila. Gimikera at gimikero kaya mga taong yan.
"Very good. Ok let's proceed to our last topic."
Blahhh blaahhh blaaahhh
Natapos ang klase ng nakikinig ako. Hohoho masipag yata to mag aral.
Lunch time. Si Lloyd nagsabing may practice sya kaya di sya makaka sabay. Buti nagtxt skin si elle at sasabay siya, magkita na lang daw kami sa canteen.
"Shhhhyyyyyy ditoooo!!!!" Tingnan mong babaeng to makasigaw. -_-"
"Ayyy dami naman niyan. Di ka gutom?" Tanong ko sa kanya. Pang limang tao yung inorder nya ei.
"Hindi ha. Para nga sayo yan lahat." Ngiting ngiti niya sabi.
"Papatayin mo ba ako?. Samahan mo ko sa pagkain ok." Sabay usog ko sa kanya ng ibang pagkain.
Nagkwentuhan lang kami habang nakain tungkol sa mga nangyari samin noong hindi kami nagkakasama.
"Ayyy busog.. tataba ako nito kung ganyan lagi karami ang oorderin mo." Sabay tayo at hila kay elle dahil may klase pa kami. Medyo malayo ang canteen sa mga building namin kaya may panahon pa ulit kami mag kwentuhan habang naglalakad.
"Ssshhyy may tanong ako."
"Hmmm?" Nagtataka man dahil bigla siyang nanahimik. Parang kanina lang ang ingay nya.
"Anong meron sa inyo ni Lloyd?" Halos pabulong nya lang na sabi pero dire diretso pa rin sya paglalakad samantalang ako medyo napahinto.
"Wala." Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siya huminto at humarap sa akin.
"Shy diba nagsabi ako sayo. Wag kang mahuhulog?" Di ko mabasa ang nasa isip niya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Uyyy serious mo naman." Patawa tawa pa ako samantalang siya ay nakatingin lang sa akin.
"Shy marami ako naririnig at di ko nagugustuhan. Binalaan na kita. Nangako ka sa akin diba?." Lungkot ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
"I'm fine don't worry. Besides, di totoo yung mga naririnig mo. Chill ok. late na tau!!" Hinila ko siya at baka san pa mapunta usapan namin. Excuse ko na lang na ma late kami. Ayoko ng ganung aura kasi alam ko sa sarili ko ang totoo.
Bago kami naghiwalay patungo sa kanya kanyang klase. Di ko alam kung narinig niya. Lumabas na lang basta sa mga labi ko yun ng walang preno...
huli ka na...
Bumulusok na ako sa kanya.. walang preno dire-diretso..
BINABASA MO ANG
Switching to the Devil
RandomWhat will happen if you woke up in different body? Will you scream at the top of your lungs and cry? Or scream cause of the astonishing beauty that you seen and smile? Wish to comeback? Or wish to lasting?