SwitcH 6

16 0 0
                                    

Shy pov ...

Habang natagal nahuhulog ako sa kanya. Lalo na at siya ang lagi ko kasama. Si elle naman nararamdaman ko na tahimik sa tabi ko pag nakakasama ko. Nasasaktan ako kasi feeling ko lumalayo siya sakin.

Dumating itong sinasabi nila na outing. Hindi naman talaga requirements sa school. Gawa gawa lang to ng mga student council na pinayagan naman ng school. Wala tuloy pasok. Nagagawa talaga ng pera. Kasisimula pa lang ng klase gusto agad ng bakasyon. Kaloka talaga mga ka schoolmate ko. -_-"

May mga kasama rin kami na mga prof. para sa safety na din ng mga student. Request kasi yun ng ibang magulang. Mahirap kasi pag walang matanda. Marami rami din kasi sumama.

Sa isang island kami papunta medyo mahaba haba byahe pero sulit. Ang gondoh kaya tapos perstym pa. *o* Si elle ang kasa kasama ko sa buong byahe yun nga lang tinulugan ako. Nagising lang siya pag need namin bumaba. Mula kasi school nag bus kami then sumakay kami ng roro hanggang dito sa island.

Naka check in kami sa resort then nagbigayan ng mga card para sa mga room. Dalawa sa isang room. Syempre si elle ang kasama ko.

Since first day namin sa island at maghahapon pa lang, sinabihan na kami ng mga prof. namin na magpahinga muna at mamayang gabi magkakaron ng party at bukas pa kasi magsisimula activity namin.

"Shy nu suutin mo mamaya?" Tanong ni elle sakin habang nag aayus pa rin siya ng mga gamit niya at ako ay nakahilata na sa kama.

"Di ako pupunta. Ano ba kasi yang gamit mo, buong bahay ba dala mo?" Sabay lapit sa kanya.

"Mas maganda na girlscout saka konti lang yan shy ano kaba? Saka bakit hindi ka pupunta? Masaya kaya yun." Nakakunot noong sabi sa akin ni elle.

Anong magagawa ko. Iba ibig sabihin sa akin ng MASAYA.

"nahhh dito na lang ako elle at matutulog, balitaan mo na lang ako kung ano mangyayari".

Natapos kami sa pagliligpit ng gamit ni elle at kinukulit niya pa rin ako sumama pero sa huli ako pa rin ang nagwagi, tulugan ko ba naman hihihi.

Nagising ako ng madilim na at linsiyak na tiyan ko parang alarm clock ang ingay, napilitan tuloy akong tumayo at lumabas. Sinundan ko lang yung tunog na naririnig ko tingin ko kasi galing yun sa party. Nakarating ako at sobrang ingay mukha yatang kanina pa sila nagsimula at iba lasing na. Dire diretso ako sa buffet table gusto na din kasi maki party ng mga alaga ko. Binilisan ko ng pagkuha ng pagkain para makabalik na ako sa room. Paalis na ako ng makita ko si lloyd na may kasamang babae, hindi ko makita yung mukha ng babae kasi medyo madilim kaya dahan dahan ako lumapit kaso bigla naman hinila ni lloyd yung babae.

Andito ako ngayon sa isang tabi, medyo wala ng tao sa lugar ko at mula sa pwesto ko nakikita ko si lloyd at yung babae. Sino kaya yung babae? Talagang sa dilim pa naka pwesto.

"Wala lang naman yun. Mula't sapul talaga ikaw na gusto ko. Ano ba gusto mo gagawin ko? Rinig kong mahinang banggit ni lloyd sa babae.

"Magsalita ka naman. Gusto mo ba talaga malaman yung tungkol kay shy?" Si lloyd.

Dahil sa narinig ko lalo tuloy ako lumapit sa kanila.

"Si shy kaya ko siya nilalapitan kasi dare sakin yun ng mga tropa ko, alam ko alam mo yun. Yung laging pagsama ko sa kanya? Part lang yun ng dare saka para mapalapit na rin sayo. Naiintindihan mo ba? Hindi siya ang para sa akin, hindi siya sapat. Ikaw lang!" Sabi ni lloyd dun sa babae.

Ang sakit ng nararamdaman ko ng mga oras na yun. Sana hindi ko na lang sila sinundan pa. Sana di ko nararamdaman tong sakit na ito. Sana tanga pa din ako at masaya. Sana nakinig ako sa bestfriend ko ehh di sana hindi ako basag ngayon.

Lalong sumakit ang nararamdaman ko nung nakilala ko yung babae. Bakit? Anong alam mo?


Elle...

Switching to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon