SwitcH 4

20 0 0
                                    

Shy pov ...

Lumipas ang 1 lingo nang hindi ko namamalayan. Hindi na kami nakapag usap ni Elle after namin mag shopping noong nakaraan linggo. Naging busy kami sa mga activity sa school. Akalain mo yun nag aaral ng matino si Elle? Miracle do exist.. Hooray!!!

About naman sa partner ko, araw-araw niya lang naman pinapalaglag ang panty ko, kaya nga nilagyan ko na lubid at baka bigla makawala. Hihihi. Since, hindi kami nag kakasama ni Elle, ang naging taga libre ko ngayon walang iba kung hindi si Lloyd. Yeahboy tama kayo, bati na kami. Ewan ko ba, super sweet ang pinaparamdam nya sakin ngayon, marami tuloy ang girls ang nang iisnob sakin. -_-"

"Hey.. " tawag sakin ni Lloyd. Papunta kasi ako sa canteen ng madaanan ko yung Tambayan nila.

I just smile on him. Nahiya ang beauty ko, kasi nagtinginan sakin lahat ng barkada niya. Tumayo siya mula sa kumpulan nila, alam kong sasamahan nanaman niya ako patungong canteen. Kaya naglakad na rin ako palayo at naramdaman kong kasabay ko na siya sa aking paglalakad.

"Sabay na ako ha, nagugutom na kasi ako." Hirit sakin ni Lloyd. Lagi naman niya sinasabi sakin yan, pero ang totoo niyan ako lang kakain dun, siya lang ang bibili. Gusto niya lang ako samahan lagi dun. An sweet diba? *o*

Nakarating kami sa canteen at dali dali niya akong hinila sa may bakateng lamesa at dun pinaupo. "Ako na bibili ha, mahaba pila baka masagi ka lang.." Sabi niya at nagmamadaling pumila.

May biglang tumapik sa mga balikat ko ng malakas kaya napalingon ako.

"Matuto kang lumugar!!!" Sabay alis niya kasama ang kanyang mga alagad. Hindi ako umimik, Si Kim kasi yun. Sino siya? Anak ng may ari ng school na pinapasukan ko. Ewan ko ba at bakit galit na galit siya sakin simula ng pumasok ako dito. Wala naman ako gingawang masama sa kanya. *sigh*

"Lalim ng buntong hininga ha... Problem?.." Si Lloyd. Sabay lapag niya ng mga binili niyang pagkain sa harap ko. Lakas simingit, iba talaga pag peymus. Napatingin ako sa mga binili niyang pagkain. Sabi ko na nga ba para sakin lang ang bibilhin niya. Nakita niya kaya yung ginawa ni Kim? I murmured on myself.

"Wala noh, gutom lang talaga ako." Sabay ngiti ko sa kanya at kain sa mga binili niya.

"Dapat sinabi mo na gutom na gutom ka. Para, nadagdagan ko.." Akma siya aalis ulit para bumili ng hawakan ko ang kanyang kamay at hilahin para umupo ulit.

" Ano ka ba! Nagbibiro lang ako.. Marami na nga to.." Talagang nakakawala siya ng stress . Kung ganyan lagi pagpasok ko sure graduate ako with flying honors. Ngiti pa Lang ulam na. Hihihi hayaan niyo na ako ngaun lang ako lumalandi.. XD

Nag kwentuhan kami habang kumakain ako samantalang siya ay nakatingin lang sakin. Masaya siya kausap lalo na at feel na feel mo yung bawat lambing sa kanyang pagsasalita.
Madalas siya magtanong sa buhay ko at sinasagot ko naman. Wala ako nilihim kahit isa.

"Wala tayo class bukas diba? Free ka ba? " bigla niya singit sa aming pag kwekwentuhan.

"Wala naman ako naiicp na gagawin bukas. Bakit?" Sabay inum ko ng inumin.

"So, let's have a date!!" Excited niyang sabi at ako naman ay halos maibuga ang iniinum ko. Ohh myyy tama ba yung narinig ko?! Sana ulitin niya, malay mo nag daydream lang ako..

"Ano..?" Tanong ko kahit feeling ko may lumabas pang tubig sa ilong ko. Amfft ang poise nawala. Swanget ko na talaga .. T____T

"Sabi ko date tayo bukas.." Walang gatol niyang sabi.

"Sige.." Simple kong sabi.

But inside me, I'm afraid on what I feel...

Switching to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon