SwitcH 8

14 0 0
                                    

Shy pov ...

Para akong inaalon sa sobrang lambot ng hinihigaan ko at bukod dito ramdam ko din ang lamig na nanunuot sa aking balat. Ang sarap ng yakap ko sa isang unan bukod sa malambot ito, may amoy din itong nakakahalina. Dahan dahan ko minulat ang aking mata, alam ko kasi hindi ito gamit kong sabon lalo na't hindi ako mahilig magpabango.

Napabalikwas ako ng bangon ng pumasok sakin ang realidad.

"Shhuukkksss jjeeeessuuuss!!! Where i am?!!". Halos patili kong sabi. Dali dali ako tumayo dahil sa gulat ko. Nang dahil na rin sa pagkataranta ko napatid ako sa kumot na nakapulupot pa sa binti ko.

Paika ika akong tumayo dahil nasamaan yata ako ng pagkabagsak at bumalik sa pagkakaupo sa kama. In a split second I just realize I'm just wearing a freaking nighties!!!.

"No way!!. Please wake me up!!!." Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. Sa di kalayuan napansin ko ang isang whole body mirror na nasa harapan ko lang and there I saw an ...

ANGEL...



wearing a nighties!!!. WTH!!!

Dilim. Unang bungad sakin ay ang walang hanggang dilim. Ang alam ko lang nahulog ako. Patay na kaya ako? Pero bakit wala ako makita? Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit di ko alam san ako papunta and then i saw a light a very small light, alitap-tap? Bakit meron nun dito? Sinundan ko siya dahil siya lang nakikita ko sa dilim. Biglang sumakit ang ulo ko. Nakita ko lahat. Kung anong buhay meron ako...

Ang parents ko nawala agad sakin at hindi ko man lang nakilala...

Ang tita at tito ko na kinalakihan ko na nag alaga sakin...

Si elle na kaisa isa kong kaibigan na laging nagtatanggol sakin at tinuring akong bilang kapatid...

Si lloyd na una kong lalaki na nagustuhan...

Ang hirap at saya na dinanas ko habang nabubuhay ako...

At ang huli...

Ang batang ako na nangangarap ng isang magandang buhay at makaranas ng isang kompletong pamilya paglaki ko...

Bakit ako? Bakit ako na madaming pangarap?...

May nakita ako ulit isang liwanag. Parang lagusan. Nasa tabi ko pa rin ang munting liwanag parang ginagabayan niya ako. Alam ko sa oras na tumapak ako sa liwanag na yun hindi na ako makakabalik pa.

"Gusto ko pang mabuhay!!! Please tulungan mo ako!!!.. Hindi pa ako handa!!!" Umiiyak kong sabi sa munting liwanag na nasa tabi ko.

Nagmamakaawa ako sa munting liwanag dahil siya lang ang tanging malalapitan ako. Punung puno ng luha ang aking mata habang nakikiusap sa kanya para sa isa pang pagkakataon.

Lumapit sakin ang munting liwanag at unti unting pumipikit ang mga mata kong lumuluha, sa pagpikit ko naramdaman ko ang isang init na bumalot sakin...

Bumalik sakin ang ala-ala bago ako nagising sa kwartong ito. Nakaupo pa rin ako sa harap ng salamin. Hindi pa rin ako mapaniwala sa nakikita ko.

Isang babaeng may mahabang buhok na kulay chocolate na may kulot sa dulo, isang itim na itim na bilugang mata na binagayan ng malalantik na pilik mata na napaka misteryosa, ang napaka perpekto nitong ilong, mga labing kapag gumagalaw ay gugustuhin mong titigan at tikman, kutis na mamula mula at makinis na halatang hindi nakaranas ng kahit anong hirap at katawan na pinagarap ng kahit sino man. Isang anghel.

Pinilit kong tumayo upang lalo kong masilayan ang anghel na nakikita ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng isa kong paa, mukha yatang nabalian pa ako. Muli ako tumingin sa salamin kahit anong gawin kong ekspresyon ng mukhang ito sadyang nakakamangha. Masyadong perpekto.

"Oucchh!!!" Kurut ko sa isa kong pisngi. Baka kasi nanaginip lang ako. Pero totoo talaga. Nilibot ko na ang buong paningin ko sa buong kwarto. Malaki ito at tingin ko ay mamahalin ang mga gamit. Masyadong malaki para sa isang tao. Kasing laki halos ng bahay na ng tita at tito ko.

Napagtuunan ko ng pansin ang isang painting. Painting ng isang babae. Ang mukha ng babaeng gamit ko. Nakasuot ito ng isang pulang damit na humahakab sa kanyang kurba, ngunit ang mas nakaka agaw pansin ay ang kanyang ngiti.

Ngiting nakakakilabot...

Switching to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon