Shy pov ...
Tulala ako sa buong gabi. Hindi ako umiyak pero pakiramdam ko lutang ako. Gusto ko malaman kung ano alam ni Elle. Kung dapat ba ako magalit sa kanya o hindi. Masakit isipin na habang nagpapakatanga ako siya pala maraming alam. Yung pakiramdam na sobrang saya ko yun pala hindi totoo. Yung pinangarap ko ilusyon lang pala. Yung taong pinagkatiwalaan ko ang sasaksak din lang pala sakin ng pabalik".
Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Elle. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto.
"Hoyy babaitta!!! Hindi ka sumama ng party pero gising ka ng madaling araw" sabay hampas sakin ni Elle ng ulan.
Hindi ako gumalaw. Nka tingin lang ako sa kanya. Ang kaisa-isa kong bestfriend.
"Ayyy .. bakit ka umiiyak?" Sabay lapit niya sakin.
Napahawak ako sa pisngi ko. May luha? Akala ko manhid na ako. Pero bakit nararamdaman ko nanaman yung sakit.
Pinagmasdan ko si Elle. Siya yung nakikipag away pag may umaway sakin. Siya yung nagpapalakas ng loob ko pag may nag dodown sakin. Siya din yung nagturo sakin na dapat ginagawa ng isang normal na teenager. She treat me like her own sister. My only friend. Napangiti na lang ako kasi kahit ano pala mangyari mahal na mahal ko pa rin sya kahit ang sakit.
"Wala to. Naiyak kasi ako sa nabasa ko na story. Lasing ka ba?"
"Baliw ka na!!!. Napainum lang ng konti. Alam mo naman mga prof. Kkkkkeeeejjjjjjeeee!!!" Habang tinatanggal ang heels niya at bato sa gilid.
"Sshhyy antok na ko.. goodnight!!" Sabi niya sabay dive sa kama.
Sobra pagod niya. Sila kaya magkasama ni Lloyd buong magdamag. Ano ba talaga Elle?
Hindi talaga ako nakatulog magdamag kaya nangangalumata ang mata ko. Andito ako sa kwarto at nag aayos ng bag ko. Aakyat na kasi kami sa bundok. Si Elle hindi ako masyado kinukulit kasi puyat din siya at anong oras na rin siya umuwi. Tahimik lang talaga ako sa buong panahon ng pag akyat namin ng bundok. Hindi ko alam kung nakakahalata si Elle na wala ako sa mood o sadyang pagod lang siya.
Ang ingay ng mga kasama ko. Kesyo ang putek daw ng mga sapatos nila, Ang dulas daw ng daan, Nakakapagod umakyat, Dapat daw nag eroplano na lang para makaakyat sa taas. Kung di sana umulan nung nakaraang gabi hindi masyadong mahirap umakyat.
Sa nakakatulig na ingay ng mga kasama ko, kahit ang mga engkanto sa gubat mahihiya na patahimikin sila.
Nakarating din kami sa wakas sa pinaka taas. Yung mga nagrereklamo kanina todo picture na ang ginagawa sa mga camera or handphone nla, parang kanina lang halos isumpa nila ang bundok na ito.
Sobrang ganda naman kasi, hindi ko nga lang masyado ma appreciate kasi hindi pa ako maka move-on kagabi. Naguguluhan pa rin ako. Gusto ko magtanong pero ayoko malaman ang sagot.
Nakita ko si Elle na nakasandal sa isang puno na malapit sa bangin. Mukhang pagod na pagod siya. Nagpasya tuloy akong lapitan siya at bigyan ng tubig.
"Ooyy Elle. Eto tubig baka malagutan ka na dyan ng hininga".
"Hindi ka ba napagod? Halos mawalan ako ng hangin sa pag akyat ng lintik na bundok na ito". Sabi ni elle, halos maubos niya ang isang litrong tubig.
"Sanay ako.. remember sanay ako sa hirap" sabi ko kay Elle sabay sandal na din sa puno na sinasandalan niya.
"Ang ganda no? Pero nakakatakot dito sa pwesto natin. Masyadong matarik ung bangin." Sabi niya habang minamasdan nito ang baba ng bangin.
Medyo malayo kami sa nakakarami, siguro kasi kami lang ang walang grupo kaya kanya kanyang kumpulan sila sa ibang lugar.
"Sshhhyy... may problema ba?" Tanong sakin ni Elle.
"Wala." Sabi ko kay Elle. Alam kong pinagmamasdan niya ako pero hindi pa rin ako sa kanya lumilingon. Nanatili ang mga mata ko sa magandang tanawin na nakikita ko.
"Sana shy kung may malaman ka man wag ka magalit sakin. Pinoprotektahan lang kita." Si Elle.
Napatingin ako sa kanya. Gusto ko siya tanungin kung ano ba talaga nangyayari pero tuluyan na naumid ang dila ko. Alam kong alam niya na, dahil sa inaasal ko na may nalalaman na ako.
Niyakap niya ako ng buong higpit. Hindi ko napigilan ang pag iyak ko. Ang sakit kasi parang inaamin niya na may mali siyang ginawa pero di ko pa din alam kung bakit niya nagawa.
"Shhhyy sorry.. para din sayo yun.. alam mo naman mahal kita diba parang tunay na kapatid". Sabi ni Elle. Ramdam ko rin ang pag iyak niya sa mga balikat ko.
"Elle ipaliwanag mo sakin. Kasi naguguluhan ako. Hindi ko alam ang nangyayari talaga."
Hindi sumagot si Elle patuloy lang din to sa pag iyak sa mga balikat ko. Naramdaman ko na umaambon pati ang langit nakikisama samin.
"Shy... mamaya sasabihin ko sayo, sorry talaga at nilihim ko." Nakangiting sabi ni Elle sakin.
Medyo lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa wakas malalaman ko na rin ang totoo. Ngumiti na rin ako ng pabalik sa kanya. Siya talaga ang bestfriend ko.
"Shhheetteee!!! Wala pa tayo picture ang panngget ko na!! Kaya ayoko naiyak". Patawa tawa niyang sabi habang inaalis niya ang luha sa kanyang mga mata.
Hinila niya ako para bumalik na dahil nagsisimula na lumakas ang ambon. Meron kasing mga bahay kaya pwede mag stay ng overnight.
Pahakbang na kami ng naramdaman nmin gumalaw ang lupang kinatatayuan nmin.
"Elle!!! Wag kang gagalaw!!!". Sigaw ko kay Elle.
"shhyy!! Babagsak itong lupa pababa!!.. omg!! Someone help us!!!. Pasigaw na sabi ni Elle sa mga kasama namin sa di kalayuan.
Nakita kong nagtakbuhan sila palapit samin ng narinig nila ang sigaw ni Elle at ng dahil dito tuluyan nag crack ang lupang kinatatayuan namin. Nakalapit sila samin ngunit lalong lumaki ang awang ng lupa. Pinipilit nila kaming abuting dalawa ngunit konting galaw lang lalong lumalala ang sitwasyon namin.Walang pagdadalawang isip ko na tinulak si Elle ng pagka lakas. Dahil sa pwersang ibinigay ko tuluyang bumagsak ang lupang inaapakan ko. Sa huling sandali nakita ko si Elle na hawak nila at inaakyat pataas habang siya ay lumuluhang nakatingin sa akin.
"SSSSSSSSSHHHHHHHYYYYYYY!!!! HIIINNNNDDDII!!!."
BINABASA MO ANG
Switching to the Devil
RandomWhat will happen if you woke up in different body? Will you scream at the top of your lungs and cry? Or scream cause of the astonishing beauty that you seen and smile? Wish to comeback? Or wish to lasting?