It's More Fun in the Island

503 15 7
                                    

A/N:

WOW~ antagal ko na pala itong hindi naa-update... Sobrang tagal na. Sorry sa sborang tagal ng paghihintay. Pero this chapter will give you idea of Shiwon's past. Para naman malinawan kayo about her ng kaunti... 

Hope you enjoy this.

WARNING!!! Gore scenes ahead.

Halos hindi makapaniwala sina Sehun at Luhan sa kanilang nakita. Akala nila ay sa pelikula lang nangyayari ang ganitong mga bagay. Sa tuwing manunuod nga sila ng Wrong Turn o kaya ng Saw parang wala lang sa kanila. Sa kabila ng mga tili at pandidiri nila ay sa huli alam nilang gawa-gawa lang ito at parte ito ng pelikula. Pero ngayong sila na ang nasa sitwasyong tulad nito, hindi na nila alam ang mararamdaman nila – halong takot at galit ang nangingibabaw sa kanila.

Sa ngayo’y may isa pa silang pinoproblema, alam na kaya ng mga kaibigan nila na may ganito sa isla? Hinahanap kaya sila? Kumusta na kaya ang iba?

Natatakot sila para sa mga sarili nila at ganun rin sa mga naiwan sa yate.

Nagising na rin sa wakas sina Luhan at Sehun. Nakatali pa rin ang kanilang mga kamay at paa. Kadiliman ang bumabalot sa loob ng kuweba at isang maliit lang na liwanag ang muli’y nagbibigay ilaw sa kanila. Naaninag nila ang mga dalagang nahihimbing pa rin ng tulog at ang dalagang nagngangalang Ahra ay nakaupo pa rin sa silya at mukhang doon na ito nakatulog.

Sariwang-sariwa pa ang lahat sa isip ni Luhan kung paano pahirapan ni Shiwon si Ahra. Ang bawat paghiwa ng blade sa mga daliri nito at ang isa-isang paghila ng mga kuko nito – nakakakilabot. Tao pa ba siya? Ito ang tanong ni Luhan sa kanyang sarili mula pa kagabi.

“H-hyung? Aah…” Hindi natuloy ni Sehun ang kanyang sasabihin dahil sa sakit ng ulo na naramdaman niya. Napakabigat ang hapdi nito na parang may tumama sa kanyang ulo na hindi niya matandaan.

“Sehun, gising ka na pala.” Inihilig ni Luhan ang katawan sa direksyon ng nakababata.

Dumadaing si Sehun sa kanyang ulo. Napahawak siya rito at may mamasa-masa siyang naramdaman.

Siguro kagagawan ‘to nung pangit. Bulong ni Sehun sa sarili.

“Nga pala hyung, ‘yung Shiwon, ‘asan na?” bulong ni Sehun.

“Hindi ko alam. Kagigising ko lang rin. Baka umalis.” hinuha ni Luhan.

Panay ang daing ni Sehun sa ulo niya. Unti-unti niyang naalala ang paghampas sa ulo niya ni Shiwon.

“Kapag nakawala lang talaga ako rito, makakatikim ng mag-asawang sampal ang pangit na ‘yon.” Nanggagalaiting ngitngit ni Sehun.

Bahagyang natawa naman si Luhan sa bunso.

“Anong nakakatawa hyung? Ang sakit kaya ng ginawa niya? Kakalimutan ko talagang may respeto ako sa babae.” Dagdag pa ni Sehun.

“Ang gay kasi nung sampal na sinasabi mo at saka, it doesn’t sound you Sehun.” Natatawang sagot ni Luhan.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Sehun. Na-realize niya, dapat pala suntok at hindi sampal.

“Pero hyung, sa sitwasyon kasi natin ngayon hindi ko na malubos maisip kung anu-ano ang mga maari kong magawa. Ganon pala ang pakiramdam.” Mahinahong tugon ni Sehun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temptation Island [ EXO Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon