Walang kaalam-alam ang EXO na nagkamali sila ng sinakyang yate. Patuloy lang sila sa pagsasaya at pagpapasarap sa loob nito.
Malamang ‘pag nalaman nila, patay si Sehun.
Patay ang pink brief niya.
Kanya-kanyang paraan ng pagpapahinga ang ginawa ng EXO.
Sina Xiumin at Lay, nagjamming sa pag-ubos sa mga tinapay na dinala ni Kyungsoo. Pahinga muna raw siya sa pag-da-diet baka kasi namimiss na ng mga fans ang dati niyang chubby squishy cheeks. Bakit niya kasama si Lay? Wala lang, gutom siya, kaya kakain siya.
Kung sina Lay at Xiumin ay tambay sa kusina, sina Kyung at Kai ay tambay sa kwarto. Nagharutan pa kasi ang dalawa kagabi kaya hindi sila nakatulog ng maayos. Ang siste, tulog ang dalawa nang magkaakap sa sariling mundo nila. Wala nang bumalak na istorbohin ang dalawa, nag-iiba kasi ang personality ni Kai ‘pag nagigising ng wala sa oras.
Samantala, sina Sehun at Luhan naman umangkin ng titulong “GAY COUPLE OF THE YEAR”. Bakit? Nasa labas sila at pumunta sa pinakadulo ng yate malapit sa layag.
“Hyung, dito ka sa likuran ko ha. Tapos ako, i-spread ko ‘yung arms ko.” Inilahad naman ni bunso ang kanyang dalawang palad.
“Sehun, ano ‘to Titanic lang?” natatawang tanong ni Luhan sa bunso.
Napalingon sa may likuran niya si Sehun, “Hyung, dali na.”
“Eh ano bang gagawin ko? Yayakapin ka? Ganito?” patuloy pa rin sa paghagikgik ang nakatatanda sa trip ni Sehun. Iniisip niya kung ano bang masamang espiritu ang sumanib sa batang ito para maisipang gayahin sina Rose at Jack.
“Higpitan mo hyung. Di ba nga love ni Jack si Rose? Eh di dapat, maramdaman ko ang love mo sa’kin sa higpit ng yakap mo.” Dagdag ni bunso na hinahawakan ang kamay ni Luhan para ayusin ang pagkakahigpit ng mga kamay nito sa baywang niya.
“O ayan. Mahigpit na ‘yan.” Hinigpitan na nga ni Luhan ang yakap sa bunso.
“Hyuuung~ medyo luwagan mo, nakikiliti ako eh.. yiii. Hihihihi~” Inarte ng bunso na medyo kinikilig na nakikiliti.
Bumitiw si Luhan at kinurot na lang sa pisngi ang makulit na bunso, “Ang daming arte. ‘Yoko na.”
Nag-walk out si Luhan at hinabol naman ni bunso.
“Hyuuuuuuuung~ let’s do it one more time! Bilis na.”
“Ayoko na.” nakangiting sagot ni Luhan.
“Hyung~”
At dyan nagsisimula ang habulan ng HunHan… sa maliit na yate.
Kakatakbo ni Luhan, ang nagsesenting si Suho sa may gilid ay nabangga niya.
“Ay. Sori, sorry.” Paghingi ni Luhan ng paumanhin sa lider nila. Tinanggal naman ni Suho ang nakapasak na earphone sa tenga niya. Medyo nagulat nga ang mukha nito dahil wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari.
“Ha?” inosenteng tanong ni Mama Suho.
Bigla namang dating ni Sehun sa eksena.
“Huli ka.” Niyakap ni Sehun si Luhan.
Wala pang ilang segundong nakalilipas ay dumating si Chen na tumutungga ng kape.
“Anong kalandian ito? Ang aga aga. Gege, get a room!” biro nito.
Pinitik ni Luhan ang noo ni Chen at nangisi sa sinabi niya, “Sira. Pumasok na nga tayo sa loob.” Aya ni Luhan sa bunso na hinaltak na lang niya sa kamay.
“Oo nga hyung. Let’s get a room.” Gatong pa ni Sehun sa biro ni Chen.
Nanlaki ang mata ng nanay Suho nila kaya nakatanggap ng pingot si Sehun mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Temptation Island [ EXO Fanfiction]
Mistério / Suspense12 boys in 1 island. What will happen if ma-stranded sila sa isang mysterious island? Will they be as manly as before kung sa mga lilipas na araw at linggo ay sila lang ang magkakasama? Paano kung mapadpad ang labingdalawang lalaki na ito sa isang i...