Tuluyan na nga nilang napagtanto na nawawala nga sila. Kanya-kanya silang check ng kani-kanilang cellphone at sa kasamaang palad, walang signal sa kinaroroonan nila.
Nasaan na nga ba sila?
Nasa gitna sila ng dagat at wala silang ibang matanaw kundi ang isang isla na ilang kilometro pa ang layo.
“Hyung, tignan mo dun sa may kanan. Resort kaya ‘yon?” tanong ni Chen na ipinapasa kay Minseok ang binoculars pero hindi pa matapos tapos sa paglantak ng monay si Minseok kaya deadma lang siya kay Chen.
Nakatitig lang sa kawalan si Minseok at hindi napansin ang tanong ni Chen. Inagaw ni Baek ang monay nito kaya nagising sya a ulirat niya.
“Ha?” painosenteng reaksyon ni Xiumin.
Napailing naman tuloy ang iba at inulit ni Chen ang kanyang tanong, “Ang sabi ko, resort kaya’yung natatanaw dun, dun sa may kanan natin?” sabay turo ni Chen sa nakausling isla sa dagat. Sabay-sabay namang sinundan ng iba agn turo ng daliri ni Chen na kahit sila ay hindi pa masigurado agn hula ng binata.
“Sa palagay niyo, ‘yun na kaya ‘yung pagbabakasyunan natin? Malay niyo, pagdaan natin ng Macau ay doon talaga tayo mag-istay.” Hinuha ni Kai. Napakibit-balikat naman ang iba na nakasandal lang sa railing ng yate.
“Masyadong malayo para malaman natin kung ‘yun nga. Saka dapat may flags tayong makikita papaano.” Sagot ni Kyungsoo.
“Magtiwala na lang tayo kay Kris.” Sabi ni Suho na mukhang kalmado pa rin sa kabila ng sitwasyon nila ngayon.
Kelangan niyang magpakatatag, dahil sya ang lider at alam niyang kung ano ang nararamdaman niya ay mararamdaman rin ng mga kasama niya. Gusto niyang ipakitang hindi sya duwag – atapang atao kaya siya, hindi atakbo kahit anong mangyari; hindi aiyak kahit anong mangyari; hindi agulat kahit makakita ng multo… pwera lang pala sa huli. Takot si Mama Suho sa mumu.
Taranta keberlush na nga ang lahat ay nagawa pang magmoment ng BaekYeol. Nasa sulok sila kung saan nag-ala Titanic sina Sehun at Luhan kanina. Kaya ang mga mata ng iba ay nanliit habang ang mga kilay ay nakataas na abot hanggang langit.
“Oppa, natatakot ako~” sinukbit ni Baek ang kamay sa braso ni Yeol.
“’Wag kang matakot, andito lang ako.” Kinuha naman ni Yeol ang kamay ng binata at hinawakan ng mahigpit.
“Pero oppa~ baka naliligaw na talaga tayo? Paano na ang lahat? Baka hindi na tayo makabalik. Oppa~I’m scared~” Biglang yakap ni Baek sa bato-batong katawan ni Pareng Chanyeol.
Napa-gasp naman sina, Kai, Kyungsoo, Suho, Chen at Xiumin.
“Magtiwala ka sa’kin, makakabalik tayo ng ligtas. Basta kasama mo ako, walang mangyayaring masama.” Inilapat ni Yeol ang noo niya sa noo ng kaibigan habang unti-unting inaangat ni Baek ang tingin sa kanya.
“Oppa~ but I’m so scared talaga.” Wika nito na nanginginig-nginig pa kuno sa takot.
“Shhh! Ako nga bahala sa’yo. Sagot kita. trust me.” Inilagay ni Yeol ang kanyang daliri sa malambot na mamula-mulang labi ni Baekkie.
“Oppa~”
“Saranghae.”
“Saranghaeyo oppa~”
“YUCK!!! GAYS!!! EEW~”
Sabay-sabaw na sigaw ng iba sa mala-Daniel P. at Kathryn B. moment ng dalawa.
“Uy andyan pala kayo.” Nagulat is Baekkie sa pagsulpot ng iba.
“Nakita niyo ang lahat?” tanong ni Yeol.
BINABASA MO ANG
Temptation Island [ EXO Fanfiction]
Misterio / Suspenso12 boys in 1 island. What will happen if ma-stranded sila sa isang mysterious island? Will they be as manly as before kung sa mga lilipas na araw at linggo ay sila lang ang magkakasama? Paano kung mapadpad ang labingdalawang lalaki na ito sa isang i...