Enjoy the Pain

559 9 7
                                    

A/N:

Sa wakas naupdate rin...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tulad ng napagdesisyunan, sina Chanyeol at Tao ang maghahanap kina Luhan at Sehun. Hindi naman sa hindi sila komportable sa isa’t isa pero minsan lang sila magkaroon ng quality time together. Hindi tulad ng iba na super dikit na, sila ay hindi ganoon.

Pero sa oras ng kagipitan at kapahamakang tulad nito, walang lugar ang ilangan.

Kung gusto lang naman nilang mabuhay.

Pasikat pa lang ang araw ay lumarga na ang dalawa at pareho silang may dalang bag pack na naglalaman ng mga pagkain at kakailanganin nila sa paghahanap.

Halos nasa kasukalan na ng gubat ang dalawa.

“Tao, tubig?” inalok ni Yeol si Tao ng maiinom nang mapansing malalim ang hinga nito.

“Salamat.” Agad namang napainom si Tao.

Init na init na kasi siya at kahit gaano katatag ang mga binti niya sa lakaran, mukhang sa initan susuko ang katawan niya.

Inabot naman ni Tao ang water jug kay Yeol, “O, bakit konti lang ininom mo?”

“Kailangan magtipid. Hindi natin masasabi kung gaano tayo katagal sa paghahanap.”

Naks! Seryoso si Panda. Mukhang hindi takot ah. Sa isip-isip ni Yeol.

“Tao, galit ka ba dahil ikaw ang sinama ko?” tanong ni Yeol habang hinahawi ang makakapal na damo sa gubat gamit ang isang putol na sanga.

Nakita ni Yeol ang pag-iling ni Tao dahil ito ay nangunguna sa daan.

“Bigla ko rin namang naisip na kung hindi kami nag-away ni Sehun, hindi siya aalis. Kung hindi siya umalis, hindi n asana siya sinundan pa ni Hyung.” Mahinahong sagot ni Tao.

“Sana huwag mong isiping, sinisisi kita.”

“Hindi naman. Alam kong mali si Sehun  pero lalo ko lang pinalala. Mali ako sa paninisi sa kanya at kung magpapadala ako sa mga nangyayari, alam kong ikakapahamak lang natin lahat. At saka, past is past. Para saan pang magkakaibigan tayo kung hahayaan natin ang isang mapahamak.”

Natuwa naman ng husto si Yeol sa pang Mr. Universe na sagot ni Tao. Kinalawit niya si Tao ng kanyang braso at sinabing, “Nagbibinata na talaga. Naunahan pa si Kris Hyung~”

“Aray~ nasasakal kaya ako.” Angil ni Tao.

Binitawan naman ni Yeol si Tao na patuloy sa paghagikgik.

“O sige na. Halika na, tama na ang harutan. TAYO NG MAGPAKABAYANI!!! “ Aya ni Chnayeol with matching pagtaas ng kamay.

“Sagipin ang mundo!!!” 

Sa kabilang dako…

Unti-unting namulat ang mga mata ni Sehun at ang una niyang napansin ay ang mabigat niyang balikat. Nakasandal sa kanya si Luhan at hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Kaunting liwanag lang pumapasok sa kuwebang kinalalagyan niya kaya isang gasera ang nagsisilbing liwanag sa loob. Inilibot niya ang kanyang paningin at natigilan siya sa kanyang nakita.

Isang grupo ng babae ang magkakasama sa isang sulok at isa-isa itong nakatali ng mahigpit at lahat ay nakabusal ang bibig. Panay ang hikbi ng lahat sa kanila na umaalingawngaw sa loob ng kuweba.

Napansin rin ni Sehun na wala ang dumukot sa kanila at tanging silang mga bihag ang naroon.

Maingat na kumilos si Sehun sa kanyang kinauupuan ngunit hindi niya magawang makakalas sa pagkakatali sa kanya. Sa sobrang higpit ng tali sa kanyang kamay ay ramdam niya ang mahapding pakiramdam na dulot nito.

Temptation Island [ EXO Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon