Maalaala mo kaya~
“Kase naman eh, ang tanga tanga mo lang Sehun. Bakit kasi masyado kang nagpadala sa excitement? ‘Yan tuloy, naligaw kayo tapos sinisisi ka na nila tapos magagalit na sila sa’yo… ta-pos, aayawan ka na nila.. ta-ta-pos, iiwan ka na nila… ta-pos… MAG-ISA KA NA LANG SA MUNDO~ HUWAAAAAAAAAAAAA!!! NAY BAKET?”
Umalingawngaw ang hagulgol ni Sehun sa kasukalan ng gubat. Lakad lang siya nang lakad habang ngumangawa dahil sa naging sagutan nila ni Tao.
Sanay naman na siya na lagi silang nagkakabanggaan ni Tao kaso ngayon lang kasi niya naramdaman ng husto na siya ang may kasalanan. Alam naman niyang siya ang may kasalanan pero alammo ‘yung ang sakit sakit dahil parang lahat ng sisi ay sa kanya ang bagsak.
That’s the bitter truth Oh Sehun, nagkamali ka, face the consequence.
Pero, kelangan sa loob ng gubat ang dramarama?
My gosh Oh Sehun~
Hindi namamalayan ni Sehun na unti-unti na siyang napapalayo ng husto sa mga kasama niya. Pataas ng pataas ang mga punong nadaraanan niya na halos matakpan na nito ang kakaunting liwanag. Palamig rin ng palamig ang paligid at ang mamasa-masang pakiramdam ay nakakapag-aligaga na kay Sehun.
“Thhet!”
BAD SEHUN! BAD.
Hindi na napigilan ni Sehun na makapagbitaw ng masamang salita dahil sa wakas ay napansin niya rin na naliligaw siya.
Pinahid ni Sehun ang luhang naiwan sa pisngi niya at pati na rin ang uhog na patulo na mula sa kanyang ilong.
Parang naasinang bulate ngayon si Sehun sa kakaisip kung paano siya makakabalik. Palinga-linga siya sa lahat ng direksyon pero kahit anong gawin niya’y hindi niya maalala o mahulaan man lang kung san ba siya nanggaling kanina.
“Hala~ hindi ko na alam bumalik. Sehun naman eh, maliligaw ka na lang sa gubat pa.”
Sana pala ay nagpapigil siya kay Luhan o kaya hinayaan na lang niya ang nakatatanda na sundan siya nito para kahit maligaw… TULOY PA RIN ANG LIGAYA~
Joke lang, at least man lang may magkocomfort sa kanya sa ganitong mga oras.
“Lulu hyung~ *hikbi* Lulu hyung~ *hikbi*” panay na ang kuskos ni Sehun sa kanyang nanlalamig na mga braso dahil naka-wife beater lang siya at skinny jeans.
“Tapos nagugutom pa ako. Pagka--- AY!”
Napasigaw si Sehun ng may dumaang malaking gagamba sa paa niya na itago na natin sa pangalang TARANTULA.
Hindi gumalaw si Sehun hanggang sa hindi pa ito nakakaalis ng tuluyan.
“Bilith. Bilith. Alith na, bilith.” Mahina nitong pakiusap sa nagbabagal-bagal na gagamba.
Sorry Sehun, walong paa ang dapat ihakbang niya~
After ng ilang minutong paghihintay ay tuluyan ng nakaalis ang buntis na tarantula.
Bahagyang nakahinga na si Sehun kaso bigla rin itong napatid dahil sa muli niyang pagsulyap sa paligid, lalong dumilim ito na halos lamunin na nito ang paligid.
Ginulo ni Sehun ang buhok niya at padabog na naglakad palayo sa kinatatayuan niya.
“Naman!!! Kainis. Wala na, mamatay na ang poging si Sehun.”
Hala, nagawa pang purihin ang sarili sa kabila ng peligro?
Pangalawang hakbang…
Pang-apat na hakbang…
BINABASA MO ANG
Temptation Island [ EXO Fanfiction]
Mystery / Thriller12 boys in 1 island. What will happen if ma-stranded sila sa isang mysterious island? Will they be as manly as before kung sa mga lilipas na araw at linggo ay sila lang ang magkakasama? Paano kung mapadpad ang labingdalawang lalaki na ito sa isang i...