A/N:
Alam kong natagalan ako ng husto pero sana, pagpasensyahan niyo na ako.. Please~
Okay, here's the real story so, bunyag bunyag din ng secrets...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sehun, andyan na ako. Hintayin mo lang si Hyung. Bulong ni Luhan sa sarili habang sinisimulang galugarin ang bungad ng gubat.
Hindi niya alam kung anong nag-aabang sa kanya sa gitna ng kagubatan pero ang alam lang niya ay kailangan siya ng kabigan niya.
Hindi na nga niya alintana ang gutom dahil sa labis na pag-aalala.
Sa kabilang dako, sa kasukalan ng gubat ay naroon si Sehun na pinipilit tatagan ang sarili. Nangangalay na siya at anumang oras ay maaaring mabitawan na niya ang baging na hawak niya. Ito lang ang tanging makakasalbasa kanya kaya kung anu-anong motivation na ang pinagsisiksikan niya sa kanyang isip.
Bubble tea…
Cakes…
Cotton candy…
Play station…
Wii…
Girls…
Bed…
Refrigerator…
Bath tub…
SM building…
EXO…
Especially, his Luhan hyung.
Ilan lang ito sa mga inspirayon niya na sana’y umepekto sa katawang lupa niya.
“Sampung mga daliri nawala ang isa, hinanap ko, hinanap ko, nangalay na pala.” Bagot na kanta ni Sehun.
Namumungay na ang mga mata niya sa antok pero kelangan pa rin niyang maging matatag.
“Sehun, konting tiis na lang. kakayanin mo ‘to. Darating sila. Darating si Hyung. P-pero kasi…”
Nalungkot bigla si Sehun dahil nung mga nakaraang araw bago sila masuong sa bakasyon na ito, paminsan-minsan na lang sila magsama ni Luhan at ang madalas nitong kasama ay si Xiumin. Sa kanila naman kasi ay minsan parang wala lang kung papalit-palit sila kung minsan ng sinasamahan total para naman na silang isang buong pamilya. But this one is different, bukod sa napapansin na ng mga fans na tila tumatamlay ang love team este samahan ng HunHan, nararamdaman din naman niyang parang mas enjoy si Luhan sa company ng nakatatanda so bilang bata, nanahimik lang siya at kung sinu-sino na lang ang dinidikitan niya. Pasalamat na lang siya kung bigla silang magharutan o mag-asaran.
“Sa screen lang naman kayo close. Sa mata ng mga tao, ganun kayo ka-dikit sa isa’t isa pero ang totoo, parang normal lang na magkakaibigan, wala ng higit pa.” drama ni Sehun habang nakakapit ng mahigpit.
“SEHUUUN!”
May tumatawag ba ng pangalan ko? Habang nakakapit ay ipinikit niya ang kanyang mga mata.
“Sehun!”
May tumatawag na bang anghel sa’kin?
“Sehun!”
Pero, palakas ng palakas ang boses niya eh at saka, bakit parang kaboses ni Lulu hyung.
“Sehun! Andito ka ba? Sumagot ka naman kung andito ka. Sehun!”
Tuluyang nagising ang diwa ni Sehun at nabuhayan na rin siya ng loob.
Si Luhan hyung nga!
BINABASA MO ANG
Temptation Island [ EXO Fanfiction]
Mystery / Thriller12 boys in 1 island. What will happen if ma-stranded sila sa isang mysterious island? Will they be as manly as before kung sa mga lilipas na araw at linggo ay sila lang ang magkakasama? Paano kung mapadpad ang labingdalawang lalaki na ito sa isang i...