79

79 2 0
                                    

Hindi ko alam kung anong trip ng mga kaibigan ko at naisipan pa lumabas ng ganitong oras. Nagsuot lang ako ng hoodie at lumabas na ng kwarto ko. Nasa kanya-kanyang kwarto na sila Mama kaya tahimik na ang bahay.

Wala pa ako sa gate pero naririnig ko kaagad ang boses ni Alexandra at Shaina.

"Bagal naman." Rinig kong pagrereklamo ni Alexandra kaya binilisan ko na ang paglakad ko. Nang buksan ko ang gate ay tumambad sa akin sila Alexandra.

"Sa wakas nandito ka na rin." Si Gwyneth at naunang maglakad sa amin. Napailing na lang ako at sumabay kay Lexie.

"Saan ba punta natin?" Tanong ko habang naglalakad kami. Tumingin sa akin si Alexandra at inakbayan ako.

"Lakad lakad lang." Sagot nito kaya naman umirap ako. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin at umangkla sa braso ni Lexie.

Tinignan ko ang cellphone ko kung may message na ba si Zephyr pero wala pa rin kaya tinago ko ulit ito sa bulsa ng hoodie ko. Kahapon pa siya hindi nagrereply sa akin.

Maayos naman ang last na usapan namin. Nagvideo call pa kami tapos nagkwento siya sa naging photoshoot niya sa isang clothing.

Tawang tawa nga ako sa kwento niya na may babae daw na kasama niya sa shoot tapos nilalandi raw siya. Nagjoke pa siya na jowain ko na siya para wala ng lumandi sa kanya. Siraulo talaga.

"Bili muna kami. Sama ka ba, Ellie?" Tanong sa akin ni Shaina kaya agad akong umiling. Nakakatamad maglakad. Sinamahan ako ni Lexie kaya naman naghahanap kami ng mauupuan at sakto naman na may playground doon.

Tahimik lang ako habang nakaupo sa swing at nakayuko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Iniisip ko kung bakit hindi nag online si Zephyr. Nakausap ko si Sylvie at tinanong ko siya kung pumunta ba si Zephyr sa kanila pero hindi daw.

"Ang tahimik mo." Napatingin ako kay Lexie nang magsalita siya.

"Huh?"

Tumawa ito. "Ang tahimik mo. Naubusan ka na ba ng chismis?"

Natawa naman ako at umiling.

"May iniisip lang." Sagot ko. Umupo ito sa isang swing na nandoon.

"Makikinig ako."

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. I sighed.

"Iniisip ko lang kung bakit hindi nag-online si Zephyr pero baka he want space or nagme time siya. I mean, may mga ganun naman talaga tayo. There are days when we don't want to interact with people 'di ba." I said at nakita kong tumango si Lexie.

"Pero you miss him?" Tanong nito sa akin na hindi ko nasagot agad. Dahan-dahan akong tumango kaya naman natawa siya.

"I miss him talaga. Para kasing simula nung nagdm ako sa kanya parang nasanay na ako na lagi ko siya dinidm alam mo 'yon parang hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko nagagawa 'yon." Sambit ko habang nakatingin sa langit.

"Lalo na nung nag-usap na kami. Parang hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko siya kausap ganon." Dagdag ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Lexie kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Lalo siyang natawa kaya naman natawa na rin ako. Ang issue talaga nila.

"Parang you lowkey saying na you are in love with him." Natatawa nitong wika kaya naman napatigil ako. Halos lahat kasi ng kaibigan namin inaasar kami na mag boyfriend at girlfriend kami.

We're friends. Friends lang.

Hinampas ko ng mahina si Lexie sa braso. "Issue ka pero I miss him talaga. Marami akong naipon na chismis." Tawa ko pa.

Notice MeWhere stories live. Discover now