99

63 2 0
                                    

Raia Ellie

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang dress na binigay sa akin ni Zephyr sabi niya suotin ko 'to kapag sasagutin ko na siya. 

Where are you na, Zephyr? Suot ko na 'yong dress, oh. 

Pinunasan ko ang luha ko na tumulo na naman. Maybe nagkabalikan na sila ni Aliyah. 

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko na magulo na naman. Tinignan ko muna ulit ang itsura ko at tuluyan ng lumabas. Alam kong lahat ng kaibigan ko ay nandito.

Nakasalubong ko si Ate na may sasabihin pa pero hindi ko na pinansin. Not now, Ate.

Binuksan ko ang gate namin at lumabas. May apat na kotse ang nandito. 

Ngumiti agad ako nang tumingin sila sa akin at inakbayan si Alexandra.

"Date na tayo, guys!" Nakangiting sigaw ko sa kanila at hinila ko si Alexandra na nagrereklamo. Napailing na lang ako. 

Sa kotse ni Lexie ako sumakay kasama ko sila Isabella dito at si Lexie ang nagmamaneho. Si Shaina ay sa kotse ni Zola. 

Naramdaman ko ang tingin ni Gwyneth sa akin kaya naman nilingon ko siya. 

"Okay ka lang?" Tanong niya. 

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Ano ba naman 'yan!

"Oo naman, baliw 'to!" Sagot ko at mahina siyang hinampas. Nasa gitna nila ako ni Alexandra at nasa passenger seat si Isabella.

"Sure ka?" Tanong niya at tuluyang bumagsak na ang luha ko. Napayuko ako para punasan ang luha ko. 

"Okay lang ako. Baliw 'tong luha ko biglang bumabagsak!" Pagpapaliwanag ko pa at pilit na pinapatigil ang luha ko.

Okay lang ako! Wala namang nangyari para hindi ako maging okay. Okay lang ako. 

Naramdaman ko na niyakap ako ni Gwyneth kaya lalong bumuhos ang luha ko. Ano ba 'to!

"Kahit hindi ako nagsosocial media alam ko kung ano ang nangyari. Bakit ba ayaw mo aminin na hindi ka okay ha. Itatakwil ka ba namin kapag nakita ka namin na umiiyak?" 

Hindi ako okay. Masakit. Sobra. Maayos naman kami, ha. Bakit ganon na lang ang nangyari? Akala ko mag-uusap lang sila pero bakit hanggang ngayon wala pa rin?

Bakit wala na rin yung pamilya niya dito? 

Buong byahe puro lang ako iyak at pinapatahan ako ni Gwyneth dahil sila Isabella ay umiiyak na rin. Si Lexie nga hindi tumitingin sa akin pero nangingilid din ang luha. 

Nangilid ang luha ko nang makita ko ang sorpresa ko kay Zephyr. Sobrang ganda dito. Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko. 

"Ellie," tawag sa akin ni Chelsea.

Ngumiti ako. "Chels,"

"I know you're not okay, stop pretending that you're okay kahit hindi naman. Your emotion is valid, Ellie." Mahinahon niyang sambit kaya tumulo ang luha ko. 

Niyakap niya ako hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak at sabay kaming pumunta sa mini resto keneme na inayos nila Lexie. Pinalitan na nila ang lamesa doon.

"Ayan na sila! Tara na kain na tayo!" Sigaw ni Alexandra at hinatak kami. Muntikan pa kaming madapa.

Puro kami tawanan habang kumakain at panandalian kong nakalimutan si Zephyr. Nandito na kami ngayon nakatambay sa gazeboo. 

I smiled bitterly. Dito kami dapat magsasayaw ni Zephyr. 

Napalingon ako sa mga kaibigan ko nang manahimik sila at nakasalubong ko ang tingin ni Zephyr. Si Zephyr nandito...

Tumatakbo itong lumapit sa akin at nakita ko ang mga pinsan niya na nasa likod niya. Napatayo ako nang nasa harap ko na siya. 

"Ellie..." 

Totoo ba 'to? Nasa harapan ko na siya? Bumalik na siya sa akin?

"Zephy," I stuttered. 

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman napaluha ako. Nandito na siya. Nandito na si Zephyr at kayakap ko. 

My Zephy is already here.

Nakatitig lang ako sa kanya habang umiinom siya ng tubig. Hindi ako makapaniwala.

"Bakit ang tagal mo?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin saglit at ngumiti sa mga kaibigan ko kaya umalis ang mga ito. Nakita kong ngumiti sa akin si Alexandra at nagfighting pa.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Ellie babe," 

I hummed.

"Nag-usap kami ni Aliyah and she told me..."

Tumingin ako sa kanya at nakita kong may namumuong luha sa mata niya.

"Ano 'yon?" I softly asked.

He let out a sigh.

"We have a daughter, Ellie babe." 



Notice MeWhere stories live. Discover now