102

61 1 0
                                    

RAIA ELLIE

I fix my cap and sunglasses before I went out. Hindi ko na tinawagan ang Manager ko upang sunduin ako dahil may mga paparazzi na nakaabang agad. They will recognize the car kaya sila Alexandra na lang ang tinawagan ko.

Nakita ko ang message sa akin ni Shaina na nandoon na sila kaya lumabas na ako. Yumuko ako ng kaunti para hindi makilala.

Wala akong masyadong dala kaya hindi hassle. Binilisan ko ang paglakad nang marinig ko ang bulungan ng mga nandoon.

"Si Ms. Ellie ba 'yan?"

"Oo yata. Kunan natin ng picture."

Oh damn. Kung gaano kabilis ang paglakad ko ganun din kabilis na kunan ako ng mga picture.

Nakita ko agad ang van namin na magkakaibigan kaya napailing ako. Mabilis akong sumakay doon at nakita ko ang mga paparazzi na kinunan pa ako ng larawan.

"Iba talaga ang elite celebrity na 'to." Napailing ako sa sinabi ni Shaina.

It's been five years, huh. I miss them.

Pagkagraduate ko ay agad ako na pumunta ng ibang bansa parang nilibot ko ganon. Ellie the explorer. Umuuwi naman ako kapag may okasyon katulad noong kasal ni Alexandra at Summer.

Hindi naman na umalma si Mama sa pagiging model ko maybe narealize niya na ito talaga ang gusto ko.

Zephyr? Wala na akong narinig na balita mula sa kanya. I blocked him on all of my social media accounts. I have to move forward, eh.

Ang alam ko lang he quit modelling hindi ko lang alam ang rason. Maybe he wants to focus on his family.

"Kain tayo. Saan magandang resto dito maliban sa resto ni Alexandra?" Tanong ko.

"May kinainan kami na resto ni Hayes. Ang sarap ng luto nila." Sagot ni AC at bahagyang nanlaki ang mata nang marealize ang sinabi niya.

"Nagdate kayo?" Pang-uusisa ko sa lovelife niya. Ang tagal kong nawala wala akong alam sa nangyari sa lovelife niya.

"Sa Raya's tayo." Tanging sinabi niya at nagsuot ulit ng airpods.

Natawa na lang ako at tumango. Napangiti pa ako nang marealize na pareho sa pangalan ko ang name ng resto.

Si Lexie ang nagmamaneho at buti na lang alam niya kung saan 'yon. Dinaanan namin si Chelsea sa condo niya at dumiretso na kami sa sinasabi nila.

"Dito na." Excited na wika ni Shaina at naunang lumabas.

Napatingin ako sa resto bar na nasa harapan namin at napatango. I agree na maganda talaga dito kakaiba ang ambiance nito. Parang yung katulad sa pinuntahan na coffee shop nila Zephyr noon.

Bakit ko ba iniisip si Zephyr?! May pamilya na 'yon, please lang.

Nauna na silang pumasok at sinadya kong magpahuli para mapagmasdan ko ang resto. Feel ko isa na 'to sa lagi kong pupuntahan bukod sa resto ni Alexandra.

Sumunod ako sa kanila at sila na ang hinayaan ko mag-order sinabi ko naman na ako ang magbabayad na siyang ikinatuwa nila.

"Ang ganda dito." I murmured.

Ipinalibot ko ang tingin sa buong resto at natigil ako nang may pumasok at nagtama ang tingin namin. 

Notice MeWhere stories live. Discover now