110

109 3 0
                                    

RAIA ELLIE

Napatawa ako nang makita ang reply niya sa akin. Magdidate daw kami sa resto niya at may ipapakita daw siya sa akin.

We're already official. Manliligaw pa nga daw siya pero sabi ko 'wag na.  

Nagsuot lang ako ng dress at pinaresan ko ito ng sandals and that's it. I'm done. Lumabas na ako at nakita ko siyang naghihintay sa akin sa elevator.

Ang pogi. Tindig pa lang.

Nang magkatinginan kami ay kinindatan ko siya. Napailing ito at nakita ko ang pagpula ng tenga niya. 

Kinikilig ang Zephy ko.

Agad niya akong niyakap nang makalapit ako at hinalikan niya ang noo ko. Sobrang clingy niya pero okay lang gusto ko rin naman.

"Ganda mo." Sambit niya kaya uminit ang pisnge ko. 

"Alam ko." Sagot ko na ikinatawa niya. Hindi ako sanay na kinocompliment niya ako.

Sumakay na kami sa elevator at nakahawak siya sa beywang ko na akala mo naman ay mawawala ako. He's being clingy simula noong mag-usap kami. 

Kulang na nga lang ay sa condo ko na siya tumira dahil halos araw-araw pumupunta siya para ipagluto ako. Kapag may photoshoot ako ay sumasama rin siya. 

He quit modelling kasi gusto niya magfocus sa restaurant niya. Tinanong ko nga siya kung bakit Raya's ang ipinangalan niya at namula siya kaya tawang tawa ako. I swear, ang sarap tignan kapag namumula siya.

"Seatbelt, Ellie babe." Paalala niya bago nagmaneho. 

Tinignan ko siya na seryoso na nagmamaneho at kinunan ng picture kaya nagsalubong ang kilay niya.

"Mag-ig story lang ako." Pagpapaliwanag ko.

"Unblock mo na ako." 

Natawa ako. Hindi ko pa rin siya na-unblock sa Instagram at Twitter hanggang ngayon. Gumawa nga daw siya ng isang account para lang makita ang mga post ko.

"Oo na nga. Wait lang." Natatawang sagot ko at inunblock siya. Ipinakita ko sa kanya ang ginawa ko kaya ngumiti siya at ngumuso.

"What?" 

Tinignan niya ako saglit at bumalik ulit ang tingin sa daan.

"Kiss." Parang bata niyang sabi kaya natawa na naman ako.

I smiled and shook my head, "No, nagdrive ka pa. Later na lang."

"Okay."

Napailing na lang ako. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa restaurant niya. Umangkla ako sa kanya habang papasok kami at binati siya ng staff na nandoon. 

May mga nakita pa akong nagpicture sa amin bago kami umakyat na siyang ikinagulat ko. Akala ko hindi kanila itong taas.

Mas lalo akong namangha nang makita ang nakalagay sa taas. Nakalagay ang pangalan ko doon sa wall at mga picture ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang drawing na sinabi ni Sylvie sa akin noong nanliligawa pa lang si Zephyr sa akin. Halos dalawang drawing ang nandoon at mukha ko 'yon.

Oh my god, Zephyr.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Zephyr sa likod ko.He rest his chin on my shoulder. 

"This is Raia Ellie's place." He softly said and kiss my shoulder.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya. This is too much! 

"I love you so much, my Zephy." I said between my sobs.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at naglakad habang yakap ko siya. 

"Upo ka muna. We will eat, 'kay?" Tumango na lang ako. Nakita ko siyang umalis at hinayaan ko na lang dahil hindi pa rin ako makapaniwala dito.

Kailan niya ito ginawa? 

Nakita ko siyang pumasok at kasunod niya ang mga waiter na may mga dalang pagkain. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang tingin namin. 

Pinanood ko silang ilagay ang mga pagkain sa lamesa at nagpasalamat ako sa kanila.

"I know na hindi ka kumakain ng seafood and mas gusto mo ang meat kaya ayon ang niluto ko." He smiled. 

Ano bang ginawa ko at binigyan ako ng isang Zephyr Hans Rousseau. 

Nagkwentuhan lang kami at nag-asaran pa kami bago iserve ang dessert. Natakam ako nang makita ang cake na talagang nirequest ko. 

Binigyan ako ni Zephyr na agad kong tinikman. Ang sarap! Hindi ko alam na marunong magbake si Zephyr.

"Good job, babe!" Nagthumbs-up pa ako sa kanya.

Nasa kalahati na ako ng cake nang magsalita si Zephyr. 

"Hi, my superstar. Nakalahati mo na ang cake pero hindi mo pa rin ito napapansin." 

Nangunot ang noo ko.

"Huh?"

Itinuro niya ang cake at nakita ko ang tantya ko ay singsing. Nanlaki ang mata ko nang marealize ang gagawin niya.

"Mon amour, did you finally notice my proposal to you?" He asked and I nodded.

Kinuha niya ang singsing at lumuhod sa harapan ko. Oh god he's going to propose. 

"It's your time to notice me. Notice my proposal. I know na kakaayos pa lang natin pero hindi mo na ako mapipigilan. Ilang years na 'tong delay." 

I laughed.

"Raia Ellie. My Raia Ellie, will you be my superstar forever?" He asked and my tears fall. "Notice me, Miss." 

I nodded.

"I, Raia Ellie, noticing you and will gladly be your superstar forever." I answered and I see his tears fall. Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap agad ako. 

Us, noticing and realizing that we want to be the superstar of each other forever is the best thing that happens in my life. 



THE END

Notice MeWhere stories live. Discover now