100

64 2 0
                                    

RAIA ELLIE

"We have a daughter, Ellie babe."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko. Nablanko ako. Walang pumapasok sa utak ko.

May anak na siya. May anak na sila. Hindi na pwede. Hindi na kami pwede.

Walang lumabas na luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung naubos na sila o sadyang pati mga luha ko ay natigil. 

"I'm sorry, Ellie babe. Hindi ko alam." 

Napalingon ako sa kanya at nakita kong lumuluha na rin siya. Wala siyang kasalanan. 

Don't cry, Zephy, please.

Tumingin lang ako sa kanya at umawang ang labi ko pero walang lumalabas na salita. I don't know what to say. 

Magiging masaya ba ako para sa kanya kasi he already have a daughter? Dapat ba akong maging masaya doon? Kailangan ba? 

Tinignan ko ang kamay namin na magkahawak at nakapatong sa hita niya at hinawakan ito ng mahigpit. 

Masama na ba ako kung hihilingin ko na sana ay ako na lang ang piliin niya? Sana ako na lang.

"Let's dance, Ellie babe." He softly said and smile a little. At parang hudyat 'yon dahil may nagplay ng music. 

He held my hand and guide me. Pumunta kami sa mini stage na hinanda namin kanina. 

Nakatingin lang kami sa isa't isa na tila ay kinakabisado ang bawat detalye ng mukha dahil ito na ang huli na magkikita kaming dalawa kasi hindi na pwede, eh. 

He cleared his throat kaya umiwas ako ng tingin. Bakas sa mata niya ang pag-iyak and I don't want to see it.

"Can I?" He asked. 

Tumitig ako sa kanya at dahan-dahan na tumango. I put my hands on his shoulder as he put his hands on my waist.

We started swaying at hindi ako nagsasalita ganoon din naman siya. 

Broken hearts. I closed my eyes and lowered my head samantalang siya ay nakapirmi lang ang hawak sa bewang ko. 

Ramdam ko ang tingin niya sa akin ngunit hindi ako nag-angat ng tingin.

"Ellie babe," he called me with his broken voice.

"Stop calling me that." Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako ang luha niya na nagsisiunahan magsibagsakan. 

"For the last time.." and that's when my tears fall.

Alam kong kitang-kita sa mata ko kung gaano ako nasasaktan ngayon kaya umiwas siya ng tingin at nalaglag din ang butil ng luha sa mata niya.

Stop crying, Zephy.

"I don't know about it, Ellie babe. I'm sorry.." aniya at mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin na tila'y takot na pakawalan ako.

"I know, Zephy...I know," nanginginig na boses na sagot ko sa kanya. 

I was startled when he pulled me closer to his body and wrapped his arms on my back. 

Natigil ako.

"What are you doing?" 

Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.  

"I love you so much, Ellie babe.." 

Nagsibagsakan ang luha ko at nakuyom ko ang kamay ko. 

Ako rin, mahal na mahal kita, pero hindi na pwede. 

Gusto ko lang naman sumaya pero bakit lahat ng kasiyahan ko ay hinahadlangan. Wala ba akong karapatang sumaya? 

Why is it hard to be happy?

Nakita ko si Eloisa na papalapit sa amin napansin ko ang pamumugto ng mata niya, nang magkatinginan kami ay tipid siyang ngumiti.

"Zephyr, your daughter is finding you." Imporma niya.

Zephyr nodded. "Give me a minute."

I lowered my head when my tears fall. Hinahanap na siya ng anak niya, Ellie. Enjoy your last minute with him.

"Ellie babe," I heard his broken voice and he held my hand.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mata niyang punong-puno ng luha. 

"I love you..."

I smiled.

"G-Goodbye, Ellie babe." He said pero hindi niya binibitawan ang kamay ko lalo lang itong humigpit.

Does goodbye mean letting go? 

Tumango ako at saktong natigil ang music na siya ring pagbitiw niya sa kamay ko at tumalikod, dire-diretso na naglakad palayo mula sa akin. 

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na panoorin siyang maglakad papalayo sa akin. 

Nang hindi ko na siya makita ng maayos ay napaupo na ako. 

Natuloy nga ang sayaw namin pero hindi rin pala pwedeng matuloy ang plano ko na sagutin siya. 

I'll never forget this first and last dance with my Zephy. 

Bakit kailangan pa kasi mangyari sa akin 'to? Bakit nawala pa yung taong akala ko para sa akin?

Why did fate allow us to meet people who would not be able to stay with us until the end?

Notice MeWhere stories live. Discover now