" 'Pag ang isang babae, namatayan ng asawa, ang tawag sa kanya byuda.
'Pag ang isang anak, namatayan ng magulang, ang tawag ulila.
Pero kapag ang isang ina, nawalan ng anak. . . wala. . . Walang tawag. Kasi walang salita ang makakapagpaliwanag sa nararamdaman ko ngayon."
"Wala. . . Ang sakit, ang sakit―sakit. Bakit anak ko pa? Pwede naman ako na lang! Ako na lang sana! Ako na lang. . ."Isang aksidente ang nangyari sa amin 3 taon na ang nakalipas.
Papunta kami ngayon sa probinsiya ng aking nanay, kasama ko ang aking asawa at anak. Masayang nagkwekwentuhan, nagtatawanan.
"Mi, pag ako nag-asawa, gusto ko kasing sweet ninyo ni Daddy."
"Ikaw Alex ha! Asawa agad iniisip mo. Mag-aral muna ha?" Nangingiti kong sabi sa anak ko.
"Opo naman! Para matulungan ko rin kayo. I love you mommy and daddy!" Niyakap niya kaming dalawa.
Nakatulog si Alex sa byahe, kanina-nina lang. Ako ngayon ay medjo inantok antok na, gabi na rin kasi at na sa daan pa rin kami, mamaya pa siguro kami makakarating doon.
"Celia!!" Rinig kong tawag sa akin ng aking asawa.
"O bakit?"
"G-gisingin mo si Alex! Tumalon agad kayo palabas ng kotse!"
"H-ha? Osige!" Ginising ko si Alex at sinabing maghanda na. Alam kong nawalan na ng brake ang kotse.
Pero ang hindi namin inaakala ay ang mabilis na takbo ng truck na hindi namin naiwasan pa.
Nagising ako at narinig ang tunog ng mga kotse ng mga ambulansya at pulis.
Hindi ko man inaakala ay na sa unaahan namin ang anak ko. . . Duguan. . . "A-Alex?" Nahihirapan kong sambit. Ngunit hindi ko na rin kinaya at nagdilim na ang aking paningin.
TULOG pa rin ang mag ina ko. Kasalanan ko 'to. . . Kung mabilis ko lang sanang naiwasan at nailiko ang kotse ay hindi namin mababangga ang truck na iyon.
"Mister, ayos na po ba ang kalagayan niyo?" Tanogn sa akin ng doktor. Tango lamang ang naisagot ko.
"Gising na po ang inyong asawa sa kabilang kwarto, maari niyo na po siyang puntahan sa tulong ng mga nurse." Umalis na ito pagkatapos sabihin iyon. Tinulungan ako ng mga nurse na sumakay sa wheelchair. May bali kasi ang kanang paa ko. Nakarating kami sa kwarto ni Celia at binuksan nila ang pinto. Nandoon din ang doktor na kaninang kumausap sa akin. Itinabi nila ako sa aking asawa at akin namang hinawakan ang kanyang kamay,
"Mister and Mrs, ginawa po namin ang lahat ng aming makakaya. . ."
"'W-wag! W-wag mo ng ituloy! G-gusto k-kong makita ang anak ko!"
Inalis niya ang kumot niya at sinubukang bumaba, buti at inalalayan siya ng isang nurse at pinaupo rin sa wheelchair. Tumingin muna sila sa doktor at tumango naman siya. Dinala nila kami sa isang kwarto at binuksan ito. Madilim, puting kumot."A-anak, A-Alex. . ." Itinabi nila kami sa kanya. . . "Anak, g-gising na. . . Nandito na si Mommy." Hinawakan ko ang kamay ni Alex, malamig. . . Anak ko. . .
HINDI! Hindi pa wala ang anak ko sa'kin! Baka tinatago lang nila, o baka isa lang itong kalokohan. . .
"Anak gising na oh. . ." Nauubos na ang pasensya ko, niyugyog ko siya at pinigilan naman ako ng mga nurse. "H-Hindi! B-buhay pa ang anak ko. . Buhay pa siya! Kalokohan lang ito!"
NABAYARAN na namin ang lahat ni Celia sa tulong ng aking bunsong kapatid, nandito muna siya para kami ay tulungan. Tahimik pa rin siya, si Celia, at tinatawag minsan si Alex, kahit ako nakulungkot sa pagkawala ng aming nangiisang anak. Masyadong pa siyang bata, sa edad na dose anyos.
"Celia, kailangan mong kumain para lumakas ka. Sabi ng doktor ay bawal kang magpagod masyado."
"P-pakainin mo na rin si Alex, sabay na kaming kakain." Tumingin siya sa akin ng may ngiti sa labi. Ganito lagi, sa tuwing pinipilit ko siyang kumain lagi niyang binabanggit si Alex.
"C-Celia," nawala naman ang ngiti niya sa labi.
"B-buhay pa ang anak ko! Tinatago lang ng mga doktor na iyon ang anak natin! G-Gardo. . . Buhay pa siya. . ."
"Celia! Kahit balik baliktarin natin ang mundo, wala na siya!"
"Buhay pa siya! Buhay pa ang anak natin! Pa'no mo nagagawang sabihin 'yan?! Masakit para sa akin 'yun Gardo! Masakit mawalan ng anak!"
"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ha?! Anak ko rin siya Celia! Anak natin siya! Masakit mawalan ng anak Oo! Pero hindi masisiyahan si Alex kung nakikita ka niya, nakikita tayo na ganito!"
NAPUNO ng iyakan ang kwarto.
". . . Bakit anak ko pa? Pwede naman ako na lang! Ako na lang sana! Ako na lang sana. . ."Mahirap magpatuloy sa buhay kapag nawalan ka ng anak. I need to be strong, for Gardo, for Alex. . .
Nagkaroon muli kami ng anak ni Gardo at pinangalanan itong Celine at Astrude, kambal sila at magiisang taon na sa June. Kahit masakit ang pagkawala ng aking panganay na anak, God gave me two beautiful angels. Kahit na wala na si Alex ay nararamdaman kong nandyan lamang siya sa tabi namin at binabantayan kami.
Ako nga pala si Celia, at nagpapaalam.XxPuchelletheCatxX
© April 10, 2015