TSL Prologue

8 1 0
                                    

"Nyx sigurado ka na ba dito? Alam kong ayaw mo sa gano'ng klaseng  environment kaya inaalala kita."

"Sure na ako dito Kim. Nagpapasalamat pa nga ako sayo dahil pinaki-usapan mo iyong manager niyo na papasukin ako bilang isang serbidura" sagot ko sa kanya. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.

" Yan ang spirit ng isang Nyx Artemis Oliveros, palaban. You're welcome Nyx btw. Alam kung kailangan mo talaga ng pera."

"Hmm… Kailangan kong kumayod para sa kambal kong kapatid. Wala na akong maaasahan kundi ang sarili ko. Gusto ko silang mapagtapos ng pag-aaral." sagot ko sabay ngiti ng mapait.

Simula nang mamatay ang magulang namin sa isang aksidente ay ako na ang naging ama 't-ina ng kambal kong kapatid. Labing-limang taon ang agwat namin ng mga kapatid ko kaya kung susumahin ay sampong taong gulang palang sila.

Wala din naman akong mga kamag-anak na kilala na mahihingan ng tulong at isa pa inaalala ko kung tutulungan ba talaga nila kami kung meron man.

"Pero paano ka Nyx? Hindi ba di ka pa tapos mag- aral? Hindi mo ba ipagpapatuloy?" tanong niya sa akin. Iling lang ang isinagot ko.

"Sa ngayon ang mga kapatid ko muna ang inaalala ko, Kim. Bahala nang di ako makapagtapos basta sila ay nakakapag-aral, okay na iyon sa akin"

"Sayang naman kung gan 'on. Pero para sakin Ikaw ang da best  ate" lintaya nito sabay tawa na akala mo eh nababaliw na. Baka nga nababaliw na itong kaibigan ko.

Wag naman sana.

Pero nagpapasalamat ako kay Kim dahil andyan siya upang damayan ako.

Biglang huminto ang tricycle na sinasakyan namin, ibig sabihin andito na kami.

Pagkababa namin ay ang signage ng bar ang unang nakakuha ng aking atensyon.

Rove's Bar. Iyon ang pangalan ng bar na ito. Ang sabi ni Kim ay isang exclusive bar ito, ibig sabihin ay ang mga may kaya lang ang nakakapasok dito.

Bigla akong hinawakan sa kamay ni Kim kaya naman napalingon sakanya. Kanina pa pala ako nakatingala sa signage. Nakakangalay tuloy.

"Handa ka na ba? Kung handa ka na, tara na sa loob" Tumango naman ako bilang sagot.

Ito na Nyx. Inhale, exhale. Wala ng atrasan ito. Para sa kambal. Para sa kambal.

Aja! Fighting Nyx Oliveros. Kaya mo ito.

Isang malalim na buntong- hininga ang pinakawalan ko bago sumunod kay Kim.

Malakas na ugong ng musika ang sumalubong sa akin. Ano ba ang dadatnan ko, syempre malakas na ugong na musika, alangan naman mga nasyesyestang mga tao?

Pinalibot ko ang aking paningin. May mga nakikita akong mga taong may kanya-kanyang ginagawa. May grupo at may nagsosolo naman. Pero karamihan ay grupo- grupo.

Ano pa ba ang aasahan ko sa isang bar kundi mga taong nag-iinom? Alangan naman eh nagjajack em poy lang

Utak mo Nyx saan mo ba nilalagay?

Dati pagnaririnig ko ang salitang bar, ang akala ko puros mga babaeng labas na ang kaluluwa. Ang ibig kong sabihin, 'yong halos wala ng itatago-- in short naka panty at bra nalang.
Pero ng makita ko ang bar na ito ay nag- iba ang description ko. O baka naman, ganito ang bar na ito dahil isa itong exclusive bar kaya walang gan 'on dito?

Napa-iling nalang ako sa mga iniisip. Kung ano-ano na naman ang pumapasok.

Isang tikhim ang nagpagising sa natutulog kong kaluluwa. Isang babaeng tantiya ko ay nasa early 30's na. Medyo matangkad ito pero mas matangkad ako. Maputi ito at may mahabang buhok. Ito siguro ang manager ng bar.

The Selfless MoonWhere stories live. Discover now