Tatlong linggo na magmula ng magtrabaho ako sa restaurant ni Sir Lucas. Wala naman akong naging problema, kaya naging maayos ang trabaho ko. Sinagot din iyong dasal ko, na huwag malipat pang ulit sa ibang trabaho. Naging kasundo ko na rin kasi ang mga tao sa restaurant.
Sa loob din ng tatlong linggo, may mga costumer pa rin naman na kung umasta, ay akala mo'y mga santo na dapat sambahin. Alam kung hindi iyon maiiwasan, pero nakakainis na rin.Pinaalalahanan na din kami ni Sir Lucas, na kung maaari ay huwag na daw naming patulan ang mga ganoong klaseng mga costumer. Nalaman kasi niya iyong huling nangyari. Sinabi niya sa amin, kung maaari lang iwasan, iwasan na lang ito. Lalo na daw ako na malaki nga daw iyong pasensya, pero pagnapikon, mukhang sasabak ng gyera.
Habang pinupunasan ko ang lamesang iniwan ng costumer ay biglang tumunog ang chime sa may pinto, at pumasok doon si Tyrus, wearing his usual face— the emotionless one.
Sa loob ng tatlong linggong pagtratrabaho ko dito ay palagi ko siyang nakikita dito. Laging sa may bintana ang puwesto niya. Minsan nakikita ko siyang nakatitig sa akin. His staring at me intently, na para bang mawawala ako anytime na kumurap siya. Ano ako bula, multo?
Umiling- iling na lang ako.
Pagkatapos kong punasan ang lamesa 'y dumiretso na ako sa kusina. Ako ang nakatukang maghugas ngayon.
Well, I like washing dishes.
Habang naghuhugas ako, biglang pumasok si Marco na kunot ang noo.Anong problema ng lalakeng ito? Galing ba siyang gyera?
"Anong problema mo at ganyan ang kunot ng noo mo, kulang nalang magsalubong iyang dalawa mong kulay?" tanong ko dito.
Napalingon ito sa gawi ko. Biglang umaliwalas ang mukha nito ng makita ako, at ngumisi na parang aso.
Seryoso, mukha siyang tanga.
"Andito ka lang pala. May isang costumer sa labas na ikaw ang gustong mag-assist sa kanya." sagot nito.
"Huh? Ako? Bakit naman ako?" tanong ko ulit, pero nagkibit-balikat lang ang kausap ko.
Sino namang costumer ang gustong ako pa ang mag-assist sakanya?
"Go, ako nang bahala dito sa mga hugasin mo. Assist mo muna iyong costumer sa labas." utos niya sa akin habang tinutulak-tulak ako nito.
Ginawaran ko siya ng isang matalim na tingin, hindi man lang natakot ang gago, bagkus ay binigyan ako nito ng matamis na ngiti.
Tinanong ko muna kung saan naka-upo ang costumer na sinasabi niya.
Nang sabihin na niya ang kinaroroonan ay inayos ko muna ang nagulo kong buhok bago tuluyang lumabas, at naglakad papunta sa kinaroroonan ng costumer.
Nagulat ako kung sino ang naka-upong costumer sa sinabing lokasiyon ni Marco. Bakit ko ba nakalimutan na iyon pala ang usual spot niya?
Nang marating ko na ang puwesto niya, binati ko muna siya bago ko ibigay ang menu book. Tahimik lang akong mag- iintay sa may gilid niya at inintay kung ano ang oorderin niya.
Nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita.
"Did you eat already?" tanong nito sa akin, habang basa menu book parin ang tingin.
"Not yet, Sir." sagot ko naman.
Biglang umangat ang tingin nito sa akin. Kunot ang noo nito, lagi naman. Sumalubong sa akin ang kanyang abuhing mga mata. Nakakatunaw ang bawat titig niya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya, dahil nakakapanglumo ang bawat tinging ibinibigay niya.
"What did you call me, Sir? How many times do I have to tell, don't call me, Sir, Nyx." inis na turan nito.
"SIR, costumer ka po ng restaurant na pinagtratrabahuan ko. Respeto lang po SIR ang ibinibigay ko sa inyo dahil iyon ang nasa patakaran ng restaurant." sagot ko. Pinagdiinan ko talaga ang sakit ang SIR. Nakita ko namang pina-ikot niya ang kanyang mata.
YOU ARE READING
The Selfless Moon
Romansa"Why did you hide it from me, Tyrus? Karapatan ko din na malaman 'yon. You're so cruel. You're selfish."- Nyx Oliveros" _____***______ Lie as long as you want. Make a lie whoever person it is but stop lying to those people who wanted a justice but m...