TSL Chapter Five

3 0 0
                                    

Ilang oras na akong nakatitig sa sarili ko sa salamin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin ang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga.

Ang akala ko kasi ay hahalikan ako ni Tyrus. Yeah, Tyrus. Walang 'sir' o kahit anong ka-echusan ang dugtong sa pangalan niya.

Kahit kasi hindi ako nakatingin sa kanya kagabi sa sasakyan, halatang nakangisi siya sa buong byahe. Nagbago lang ata ng expression ng mukha niya noong bumaba na ako ng sasakyan.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ayoko ng isipin pa, masyadong embarrassing.

Naglakad na ako paalis ng bahay. Nauna ng umalis ang kambal sa akin, since alas otso pa ang pasok ko.
Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa Rove's restaurant.
Ito ang unang araw ko sa restaurant at sana naman, wag na akong malipat pa dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Makalipas ang ilang minutong byahe ay dumating na din ako sa Rove's restaurant.

Bumaba na ako ng tricycle at nagbayad ng pamasahe. Malayo-layo din ang Rove's restaurant kaya naman medyo malaki ang pamasahe ko.

Inaayos ko muna ang damit ko na nagusot. Pumasok ako sa loob at ang naabutan ko palang ay dalawang babae at dalawang lalakeng masinsinang nag-uusap.

Hindi pa nila ako napapansin kahit na tumunog iyong chime na nasa may pintuan.

Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon nila bago magsalita.
"Ahmm... Hi, I'm Nyx Oliveros," maikling pakilala ko at pagbati na rin sakanila.

Sabay-sabay silang lumingong apat sa pwesto ko. Biglang namilog ang mga mata ng dalawang babae at iyong dalawang lalaki naman ay napapantastikuhang nakatingin lang sa akin.

"O.M.G, bakit ang ganda mo?" tanong nang babaeng medyo chubby.

"Hala, bakit hindi sinabi ni Sir Lucas na ganito kaganda ang bago nating kasama." sabi pa ng isa.

"Hi, by the way, I'm Nica." nakangiting pakilala niya. Ngumiti naman ako bilang sagot sakanya. Tumingin naman ako sa babaeng katabi nito.

"Ako naman si Dianne at ang dalawang lalaking iyan ay sina Marco at Joseph." pakilala nito at sa dalawa pang lalaki. Ngumiti lamang ako bilang recognasyon.

Masaya ang kwentuhan namin habang naglilinis. Bale, apat lang talaga silang server and the rest are the kitchen staff. Panglima na ako sa group bilang server.

Nasa kalagitnaan kami ng paglilinis ng tumunog ang chime. Napalingon kaming lahat at pumasok doon ang isang matangkad na babae. Hanggang balikat ang buhok nito at isa lang ang masasabi ko, ang maganda niya.

Sabay-sabay namin siyang binati. Ngumiti naman ito at bumaling sa akin.

"Ikaw ba si Nyx? Ang sabi kasi sa akin ni Sir Lucas ay may bagong crew member na nagngangalang Nyx Oliveros,"

"Ako nga po iyon." nakangiting sagot ko.

"I'm Lorlie Alvarez, the Manager of Rove's Restaurant. I know, sinabi na sa 'yo ni Dianne ang rules dahil iyon ang bilin ko sakanya. Medyo late kasi ako minsang pumasok." nakangiting paliwanag nito. Isang tipid lang na ngiti ang isinukli ko.

Hindi ko masuklian ng maayos ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Iyong klase ng ngiti niya, parang may mali.

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at bumalik na sa paglilinis dahil ilang minuto nalang ay magbubukas na ng tuluyan ang restaurant.

Ilang minuto nga lang ay tuluyan ng open ang restaurant.
Noong una ay kaunti lang ang costumer, pero kalaunay dumami na rin lalo na ng sumapit ang tanghalian.
Rove's Restaurant, indeed a famous restaurant.

The Selfless MoonWhere stories live. Discover now