TSL Chapter Seventeen: El Paraiso

0 0 0
                                    

Hindi maipinta ang mukha ngayon dahil sa lalaking prenteng naka-upo sa single couch na nandito sa loob ng opisina ni Sir Lucas. He's lazily looking at me. Ang isang kilay niya ay naka-taas na. Putrages! Siya pa talaga ang may ganang pagtaasan ako ng kilay, e siya iyong kaagang-agang nambulabog sa trabaho namin.

Hindi ko alam kung anong trip niya at pinapunta niya ako rito sa opisina ni Sir. May ideya na ako at tama nga ang hila kong mangbwebwesit lang ang lalaking 'to. Ang sarap niyang paliparin.

I rolled my eyes ay nameywang sa harapan niya. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya ngayon.

"What are you doing here?" inis kong tanong sa kaniya.

"Visiting you, I guess." walang kaamor-amor nitong sagot.

Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay sinipa ko ang kaniyang paa. Simula nang manligaw kuno siya sa 'kin ay trip niya palaging asarin ako o di kaya 'y barahin ang bawat tanong ko sa kaniya.

Paiba-iba rin ang ugali nito. Sometimes his sweet then later on magiging bugnutin tapos biglang mang-iinis na naman. I don't if his suffering from bipolarity. Mukhang hindi naman at sadyang field niya na ang mag-iba iba ng ugali.

It's been three months since he started courting me. He's sweet and caring. Hindi siya pumapalya sa paghatid-sundo sa 'kin. Sometimes his the one who's going to fetch my siblings at siya rin minsan ang nagbabantay kapag nasa trabaho ako. Minsan naiisip ko na naging instant nanny na siya ng kambal. Well, hindi naman siya nagrereklamo at kapag sinasaway ko siya ay ang palagi niya sagot, 'nagpapalakas ako sa kanila.'

"Sasabihin mo ba sa 'kin o iiwan kita dito?" pananakot ko.

He just shook his head and raise eyebrows telling me that I can't scare him with my words. Pero dahil sa sobrang inis ko na din sa kaniya ay tinaasan ko rin siya ng kilay. Fair enough.

He chucked on what I did.

"I just want to inform you na sabay tayong mag-lulunch mamayang break time mo. And also, I have something to tell later," he said while his both hands are hoisted na para bang talo siya.

I nodded as my answer. Sa loob ng tatlong buwan niya na panliligaw niya ay palaging sabay kaming kumain ng tanghalian kapag break time ko ang after ay aalis na siya since may trabaho rin siya.

I admit that it always melted my heart. Sa ganoong ugali ni Tyrus ay alam kung hindi na ako makakaahon sa pagkalunod. I am totally drown from my feelings for him. Hindi ko nga lang alam kung kailangan ko siya sasagutin. Maybe I'm just seeking for the right timing. And alam ko naman na pinatunayan na niya ang sarili sa akin. That his worthy of my love for him.

"Okay. Pupunta na lang ako rito mamaya. And please huwag kang lumabas ng opisina. You're distracting me,"

He smirked. "So I am distracting you?"

Hindi ko pinansin ang tanong niyang 'yon. Totoo naman kasing nandidistract siya. Kapag nasa trabaho and I'm serving the customer, palagi siyang nakakatitig sa 'kin to the point na naiilang na ako. Ang sarap dukutin ng mata niya minsan, e.

Hindi ko na 'yon pinansin pa at umayos na ng tayo at kailangan ko ng bumalik sa trabaho at baka hindi magtagal ay matanggal na ako dahil sa panlalandi nang lalaking 'to.

"I should get going. May trabaho pa ako at dahil sa pagpapapunta mo sa 'kin dito ay hindi ko na nagawa ang mga trabahong dapat kong gawin," I said, rolling my eyes heavenly.

Tumayo ito at lumapit sa 'kin. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Hindi pa rin ako komportable sa lapit niya. I don't know but I feel suffocated whenever he's near. Siguro dahil na rin sa bigat ng bawat titig nito sa 'kin.

The Selfless MoonWhere stories live. Discover now