Nakatunganga lang ako sa loob ng kwarto ko. Alas kwatro pa lang ng madaling- araw pero heto ako, gising na gising. Kaunti lang ang tulog ko dahil na rin siguro sa excited akong mag-trabaho mamaya.
Hindi naman ito ang unang trabahong pinasukan ko kaya naman ay may alam na ako tungkol sa pagseserve.
Iyong una kung pinasukan noong bago palang kami dito sa Maynila ay taga bantay ng tindahan. Mababa lang ang sahod kaya naman sapat lang para sa isang araw ang pera na sinasahod ko. Nakakabayad naman ako ng renta ng bahay. Para sa akin malaki na ang isang libong renta. Tumagal ako ng limang buwan.
Habang nagtratrabaho ako sa tindahan kapag umaga at kapag gabi naman ay naglalaba ako. May nagpapalaba naman sa dating bahay na tinitirhan namin ng kambal.
Ang pangalawa naman ay pumasok ako bilang isang dishwasher sa isang restaurant. Malaki-laki ang sahod kaya naman ay lumipat kami ng maayos-ayos na marerentahang apartment. Tumagal ako ng isa't kalahating taon. Pero nagsara ito dalawang buwan na ang nakakalipas dahil sa kulang ng tauhan at hindi na talaga tinuloy ang negosyo. Nasayangan nga ako eh.
Dalawang buwan na rin ang akong walang trabaho. Mabuti nalang ay inalok ako ng trabaho ni Kim at mamaya na nga ako magsisimula.
Kung hindi ng dahil kay Kim baka sa lansangan na naman kami pulutin.
Ayoko ng maulit iyon. Sapat na ang isang beses.Buntong-hininga akong tumayo. Maghahanda pa ako ng almusal at para sa baon ng kambal.
Kahit nahihirapan ako, kailangan ko paring gawin ito. Sila nalang ang meron ako na naiwan ng magulang ko.Kailangan kong magsipag para sa kinabukasan ng dalawa. Hindi man ito para sa akin, masaya na ako basta para sa kapatid ko.
Gusto ko ring mag- ipon para maka-uwi sa probinsyang pinanggalingan namin. Namimiss ko na ang Isla.
Tatlong taon na din ang nakakalipas simula ng umalis kami sa Isla. Maraming alaala ang naiwan doon na hanggang ngayon ay sariwa parin sa akin.
Saktong alas sais ay natapos ako sa pagluluto at pumasok sa kwarto ng kambal.
Napangiti ako ng makita ko silang mag-kayakap. Mga tulog mantika talaga ang dalawang ito.
Hindi ko muna sila ginising at tinitigan lamang. Actually, simula ng mawala ang mga magulang namin ay naging mailap na ang dalawang ito sa ibang tao.
Ako lang at si Kim ang kinakausap. Minsan nga ay sinusungitan pa nila ang kaibigan ko.
Naiintindihan ko naman kung bakit sila nagkakaganon. Masyado pa silang bata para iwan ng magulang namin. Hindi pa nila deserve na maiwan ng maaga. Kaya nga nagsisikap ako at laging nasa tabi nila para maisip nila na kahit na wala na 'yong magulang namin, may ate naman silang laging andyan para damayan sila.
Ginising ko na sila dahil baka malate ang mga ito sa pagpasok.
"Nyk, Achi, gising malelate kayo sa school. Gising na" pag gising ko sa kanila. Inalog- alog ko pa ang mga braso nila para magising talaga sila.
Minulat naman nila ang kanilang mga mata sabay ngiti. Ngiti palang ng dalawang ito ay buo na ang araw ko. Sa kanila lang naman ako kumukuha ng lakas ng loob.
"Magandang umaga Ate Nyx," sabay na bati nila sakin habang kinukusot kusot ang kanilang mga mata.
Ang cute talaga ng mga kapatid ko."Hala, tumayo na kayong dalawa at maligo. Achi, ikaw na ang maunang maligo o kung gusto niyo, sabay na kayong maligo para mabilis." pang-aasar kong utos sa kanila.
Ayaw kasi nilang magsabay maligo kaya iyon lagi ang pang-asar ko sa kanilang dalawa.
Lukot na lukot ang mga mukha nila at kulang na lang ay magdikit na talaga
ang kilay nila.
YOU ARE READING
The Selfless Moon
Romance"Why did you hide it from me, Tyrus? Karapatan ko din na malaman 'yon. You're so cruel. You're selfish."- Nyx Oliveros" _____***______ Lie as long as you want. Make a lie whoever person it is but stop lying to those people who wanted a justice but m...