Prologue

727 13 0
                                    

Umuulan nanaman. Hindi ko din kasi inaasahang uulan kaya't hindi ako nakapag dala nang payong.

"Na-ah! Dapat pala nanood ako ng news kagabi edi sana nakapag handa ako ng payong."

Pumihit naman ako patalikod saka nag lakad pabalik sa loob ng building namin. Agad akong umakyat sa third floor saka hinanap ang classroom namin at saka doon muna nag pa lipas ng oras.

Agad akong umupo sa aking upuan saka tumanaw sa bintana. Medyo madilim dito dahil hindi ko naman binuksan ang ilaw. Hindi naman kasi ako takot sa dilim. Kahit na mag isa lang ako.

Tinanaw ko naman ang langit mula dito sa bintana at sobrang kulimlim ng langit. Mukhang may ilalakas pa yata yung ulan.

Napa himas naman ako sa batok ko nang maramdaman kong may kumagat rito. Agad kong tinignan ang aking palad at isang insekto ang sumalubong sa akin.

Binuksan ko Naman ang bintana saka itinapon ang napatay kong insekto nang biglang may babaeng nagtanong sa akin.

"Miss, pwede bang makisilong?"

Pag tatanong nito habang naka yakap sa kaniyang sarili. Medyo naka takip din sa kaniyang mukha ang kaniyang mahabang buhok.

Napa isip naman ako. Wala naman sigurong masama na mag papasok ng ibang tao dito sa classroom diba? Saka wala rin namang tao, at isa pa basang basa na yung babae. Kawawa naman kung hahayaan at papaalisin ko lang.

"Sige po." Sagot ko bago siya tumuloy sa loob. Agad siyang humakbang papasok sa binta at saka naupo sa upuan na hindi kalayuan sa akin.

Muli naman akong tumanaw sa bintana nang may isang bagay akong napansin. Isang kahina hinalang bagay. Napa isip akong muli.

Diba nasa classroom ako? Patay ang ilaw? At ang higit sa lahat... papaano siya naka daan sa bintana gayung nasa third floor ako?

Kusa namang lumaki ang aking mga mata at saka mabilis na binalingan Ng tingin ang babaeng kasama ko. Ngunit nang lingunin kona ito sa kaniyang puwesto ay wala manlang akong nakita ni anino nito.

Napa kurap kurap pa ako sandali bago napa kusot kusot sa aking mga mata. Baka nanaginip lang ako ng gising?

Tss! Imposible namang may tao dito maliban sa akin diba? Saka sa pag kakaalam ko naka uwi na ang lahat maliban sa akin. Tss! As if naman na matatakot ako. Tss! Asa!

Ilang sandali pang pag-iisip ang aking ginawa hanggang sa napag pasyahan kong kuhanin ang cellphone upang makapag libang kahit kaunti.

Walang tigil parin ang lakas ng ulan at mukhang matatagalan pa ang pananatili ko sa lugar na ito.

Kinuha ko naman ang aking inuminan saka uminom ng tubig ng maka ramdam ako ng uhaw.

"Miss, makiki inom lang sana ako kung pu-pwede?"

Napa angat ako nang tingin at bumungad sa akin ang babae kanina. Akala ko ba ay umalis na sya? Napa kurap kurap akong muli bago inabot nang dahan dahan sa kaniya ang aking tumbler.

Nang matapos niyang uminom ay agad niyang ibinalik ang aking inuminan. Kinuha ko naman ito sa kaniyang kamay saka ibinalik sa aking bag nang may isang bagay nanaman akong napansin.

Muli ko itong nilingon ngunit ako na lang ang naririto. Muling nawala ang babaeng kasama ko.

Teka! Teka! Ano bang nangyayari? Akala koba ako lang ang mag isa dito? Mukhang may iba pang tao ang naririto maliban sa akin. At talagang nakuha nya pang pag laruan ako ah!

Agad akong tumayo mula sa aking kina uupuan saka nag libot libot sa loob ng classroom para hanapin yung babaeng kasama ko.

"Hoy! Kung pinag ti-tripan mo ako lumabas kana! Wala ako sa mood makipag laro sayo!" May halong irita kong saad. "Ang mabuti pa ay bigyan mo nalang ako nang payong nang maka uwi na ako sa amin!" Dagdag kopa saka nag patuloy sa pag hahanap.

Mabilis na lumingon sa pintuan ang aking ulo nang makarinig ako nang nag bukas nito. Naabutan kopa ang mahaba nitong buhok na papalabas ng pintuan.

Kumunot agad ang aking noo saka ito sinundan. "Babaeng to! Pag ikaw naabutan ko kakalbuhin talaga kita!" Sigaw ko ngunit patuloy lang ito sa pag takbo.

"Sinabing wala ako sa mood makipag laro sayo kaya huminto kanang papansin ka!!" Muli kong pagsigaw. At sa pag kakataong ito ay huminto na siya.

Humihingal naman akong huminto. Napa hawak ako sa aking dibdib dahil sa pagod bago nag lakad papalapit sa kaniya.

"Hoy!!" Pag tawag ko rito ngunit hindi naman ito gumalaw ni isang hakbang. Naikuyom ko nalang sa galit ang aking kamao bago nag lakad na may mabibigat na hakbang papalapit sa kaniya.

"Hindi kaba tinuruan nang mga magulang mo na kapag tinatawag ka lalapit ka! At kapag kinakausap ka haharap ka!" Inis kong sabi saka nag bigay ng malalaking hakbang upang agad ko siyang malapitan.

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad ako humawak sa kaniyang balikat saka ito pilit na pinaharap sa akin.

Kusang bumitaw ang aking kamay sa kaniyang balikat at napa atras ang aking mga paa ngunit hindi ko naman ito maitakbo.

Pakiramdam ko ay may kung anong bagay naman ang naka ipit sa aking lalamunan para hindi ako maka sigaw at maka hingi nang tulong.

Napa hawak ako sa aking dibdib ng bigla nalang itong sumikip. Pilit man akong humihinga ngunit pakiramdam ko ay wala akong nalalanghap na hangin.

Nag sumikap akong tanawin ang kaniyang madilim na mukha ngunit Ang tanging pag bukas sara lamang Ng kaniyang bibig Ang aking natatanaw. Tila ba'y may ibinubulong ito sa hangin na Hindi ko Naman maintindihan.

Ano bang nangyayari? S-sino ba siya?

"G-gust-o k-ko ng umu-wi..."

Nahihirapan Ako sa pag hinga. May kung Anong humaharang sa daluyan ko nang hangin. Nanlalabo narin Ang aking paningin.

"K-kuya... T-tulungan m-mo ak-o..."

Kinakapos sa hangin Kong pag hingi nang tulong nang makaramdam Ako nang malalamig na kamay na s'yang humawak sa aking mukha upang maiangat ito Mula sa pagkakayuko dahil sa panghihina.

"Walang tutulong sa'yo. Walang taong may mabuting puso Ang tutulong sa'yo."

Ang boses at Ang itsura Nya...

Parehong nakakatakot.

Wala s'yang mga Mata, tanging butas lang Ang mayroon. Maputlang mukha, at ume-echong tinig.

N-natatakot na Ako.

"Sumama ka sa akin, Hindi kita papabayaan. Hindi tulad nila na iniiwan Tayo at Hindi pinapansin kahit na nakikita na nila Tayo. Isa lang Ang ibig sabihin non...." Ngumiti Naman ito nang nakakakilabot.

"Hindi nila Tayo mahal."

Kasabay nito Ang pagka kita ko sa taong inaasahan Kong tutulungan ako. Ngunit sa halip na tulungan Niya Ako ay nanatili siyang naka Tayo at walang reaksyon akong pinanood na magdusa sa kaniyang harapan.

"B-bak-it..."

Pinipilit ko siyang abutin ngunit tila lumalayo lang ito sa akin. At sa halip...

May ibinaba siyang pulang payong sa aking harapan Bago ito tumalikod at nag lakad papalaalis.

"B-baki-t... T-tulung-an n-yo ak-o.

"Hindi ka Nya mahal...."

****

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now