Chapter 21

64 2 0
                                    

Aron's POV

Nagsimula na Sila ma'am Stella at ma'am Bambi sa pag ku-k'wento patungkol sa kanilang nakaraan habang kami ay mga naka upo sa mahabang sofa sa faculty at maigi silang pinapakinggan.

"Kaming dalawa ni Bambi ay sabay na lumaki. Simula kapanganakan at pag laki ay magkasama kami." Paninimula ni ma'am Stella.

"Siya ay nasa mataas na posissyon dahil anak siya Ng madame Yumso, habang Ako ay anak Ng Isang tagapag silbi." Nag lakad ito papalapit sa bintana Ng faculty at Saka tumanaw sa mga estudyante na nag uuwian na dahil mag gagabi narin.

"Simula pagka bata palamang ay magkasama na kami dahil sa iba ang pag trato sa Amin Ng mga Taga Yumso Province. Hindi Namin alam Ang dahilan pero sa mga ipinapakita nilang pagkilos sa aming harapan ay tila ba mga Hindi nila kami nakikita. Kumbaga invisible kami sa kanila. Hanggang sa magkasalubong Ang landas naming dalawa ni Bambi noong nasa limang taong gulang palamang kami. Dahil saktong pareho kaming nag-iisa at Walang kalaro." Sandaling sinulyapan ni ma'am Stella si ma'am Bambi na tahimik lamang at naka Yuko Bago nag patuloy.

"Walang sino man Ang gustong makipag laro sa Amin noon. Kung Hindi Naman ay Ang mga magulang mismo Ng mga bata Ang siyang nag lalayo sa kanilang mga anak Mula sa Amin. Bata pa lamang kami noon ni Bambi upang maiintindihan lahat nang nangyayari sa aming paligid. Hanggang sa mag Krus Ang landas Namin at naging dahilan upang magka lapit Ang Loob namin sa Isa't Isa na siyang nag bigay bahala sa mga naninirahan sa Isla." Sandali siyang huminto sa pag ku-k'wento Bago muling nag patuloy.


"Hindi pa Namin napapansin Ang mga pangyayari noon Hanggang sa tumuntong Ang edad namin sa walong taong gulang. Doon na kami nakaranas Ng mga pananakit. Pananakit na hindi Namin alam kung para saan at ano Ang dahilan. Para bang kada galaw Namin ay may parusang naka hatol. Bawat salitang lumalabas sa aming bibig ay may katumbas na latay at mala impiyernong karanasan."

Napalunok Ako Ng ilang beses dahil sa aking narinig. Grabe pala Ang pag hihirap na dinanas Ng magkaibigan na ito sa Lugar na iyon.

"Hanggang sa..." Muli Naman akong nakinig Kay ma'am nang mag patuloy ito. "Hanggang sa isang Araw ay sabay kaming nag lalakad patungo sa kanilang Hardin at Hindi sinasadyang marinig Ang usapan Ng iba pang tagapag silbi sa palasyo Ng Yumso."

Humarap siya sa Amin Saka Niya kami tinitigan sa aming mga Mata. At mahahalata sa kaniyang mga Mata ang lungkot na pilit nag tatago. Lungkot na mahirap itago para sa kan'ya dahil sa hirap na kanilang pinag Daanan.

"Narinig Namin Ang dahilan kung bakit ganoon nalang Ang pag ta-trato sa Amin Ng mga Taga bayan na naninirahan sa Yumso at Ang mismong pamilyang Yumso. Nalaman Namin na Isa kaming sumpa para sa kanila. Sumpa na mag bibigay kapahamakan sa kanila. At ayun Ang kanilang pinapangambahan dahilan upang kamuhian nila kaming dalawa. Kung iisipin ay sobra na agad Ang pag hihirap na aming naranasan para sa Isang batang nasa edad Walo pa lamang. Halos ilang beses na din naming kaharapin at salubungin si kamatayan dahil sa mga pasakit at pag hihirap na aming naranasan noon. Hanggang Isang Araw Isang ginang Ang lumapit sa aming dalawa ni Bambi habang kami ay nag lalaro sa Parke Hindi kalayuan sa palasyo Ng Yumso."

Naupo Naman si Ma'am Stella sa tabi ni ma'am Bambi na Hanggang ngayon ay naka Yuko parin at tahimik.

"Ang pangalan Ng ginang ay Floresa Abad. Isang matanda na dating tagapag silbi Ng madame Yumso. Mayroon siyang mataas na posissyon noon sa palasyo. At tanging siya lamang Ang nakakalapit sa madame Yumso. Siya ay Taga pag bihis, paligo, Taga ayos at Taga Dala Ng mga pagkain Ng madame Yumso. Ngunit Ang kaniyang pag sisilbi ay agad niyang tinapos matapos kaming isilang. Sinabi niya sa Amin Ang Isang Bagay na siyang nag pagulo sa takbo Ng aming isipan. Nag bigay takot, kilabot, lungkot at kung Ano ano pang emosyon sa Amin." Saad Niya Bago uminom sandali Ng tubig at muling nag patuloy.

"Sinabi niya sa Amin na kami Ang Taga sunod ni Gato, Ang nakaraang pinuno nang mga Yumso. Si Gato na sinumpa nang mag anak na kaniyang pinaslang. At Ang tanging paraan upag matigil Ang sumpa. Iyon ay Ang pumatay Ng mahigit Isang daang porsiyento Ng populasyon nang mga mamamayan na naninirahan sa Yumso Province o island.

Kung ano-anong Bagay Ang itinanim Niya sa aming mga isipan. Ito din Ang dahilan kung bakit mabilis na nawala sa katinuan Ang mga pag iisip Namin noon at naging dahilan Ng kamatayan Ng mga mamamayan. Ang lahat Ng iyon ay nangyari noon unang setyembre taon 1995. At Ang Araw din nayon ay tinawag naming The September Death of Family Yumso Province." Ngumiti naman Ng kakaiba sa Amin si Ma'am Stella habang nanatiling walang kibo si ma'am Bambi.

Nakaramdam Ako Ng pananayo nang mga balahibo sa aking batok habang sinasalubong Ang mga Mata ni ma'am Stella.

Hindi ko akalain nasa edad na walong taong gulang ay nagawa nilang makapatay Ng halos buong populasyon Ng tao na naninirahan sa Yumso island.

"Pero, nagkamali kami. Nagsisi sa mga nagawa pero huli na. Wala na kaming magagawa. Nalaman Namin Ang katotohanan na Buhay Namin kapalit Ng pagka Wala Ng sumpang kinatatakutan Ng mga Taga Yumso Ang tamang sagot sa kanilang katanungan. Pero nangyari na Ang nangyari. Libo-libong tao Ang binawian Ng Buhay. Dahil sa pagkakamaling iyon. Pagkakamali na Hindi na maitatama." Pag tatapos nito sa Isang magulong kwentong kaniyang sinimulan.

Katahimikan Ang nabuo matapos Ang kaniyang pag ku-k'wento Hanggang sa Isang malakas na tawa ni Adan Ang aming narinig na siyang pumukaw sa atensyon Ng lahat.

Ngayon ay lahat kami ay naka baling sa kaniya na may pagtataka sa mga Mata. Agad Naman itong humingi Ng paumanhin Bago tumikhim at Saka nilingon Sila ma'am Stella.

"Pasensya na, naguguluhan lang Ako sa Inyo. Diba inuunti until na nila kayo? Bakit Hindi nalang kayo nag pakamatay? Edi sana maayos na Ang lahat ngayon." Pabirong Sabi ni Adan na nakapag patahimik sa lahat.

Sabihin man natin na pabiro Niya itong sinabi. Pero... Yung tingin sa kan'ya nila ma'am Stella at ma'am Bambi Iba na.

Nalimutan ba Niya na halos libo-libo na Ang napatay Ng dalawang taong nasa harapan Namin para mag biro siya nang ganoon?

Madali Naman akong napatayo nang mabilis na nag labas Ng patalim Ang dalawang gurong nasa harapan lang Namin kanina.

Ang bilis Ng mga pangyayari at sa Isang iglap ay nasa harapan na ni Adan Ang dalawang babae na kanila lang ay nakaupo sa aking harapan. Ngunit sa aming pag kisap Mata ay imbis na si Adan Ang nasaksak..

"Jerome! Ate Nimpa!!" Mabilis na sigaw ko sa kanilang mga pangalan at sinubukang hulihin Ang dalawa ngunit sadyang mabilis Sila at mabilis silang nag laho sa kadiliman.

Doon ko lang din napansin na Gabi na pala at sobrang dilim na sa labas. Hanggang sa maalala ko Sila Jerome Kaya't agad ko silang binalingan at naabutan silang naka hilata na sa sahig at Walang Malay.

Balisa namang tumatawag si Jake Ng ambulansya habang si Adan ay nanatiling naka Tayo at tulala at mukhang gulat pa sa mga pangyayari.

Shit! Hindi manlang Ako naka kilos. Ang bilis Ng mga pangyayari. Hindi ko manlang Sila napag tanggol. Shit! Bwiset! Ako Ang nag Dala sa kanila Dito!

Muli Naman akong napabaling Kay Adan na nanatiling tulala. Kilala ko Ang Isang ito, panigurado sarili Niya Ang sisisihin Niya. At siguradong gagawa Nanaman siya Ng mga Bagay na Hindi Namin nalalaman.

Delikado na.

****

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

Enjoy reading love lots!

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now