Jerome's POV
Tanging pag kagat nalang sa aking pang ibabang labi ang aking nagawa habang pilit na pinapakalma ang aking sarili.
Napa kagat nadin ako sa aking kuko saka nag lakad pabalik balik habang hinihintay sina Lolo at Lola na matapos sa pag susuri sa putol na kamay na aming nakita kanina.
Ilang sandali pa at pinapasok na ako nila Lolo sa loob ng silid at tanging pag iling nalang ang nagawa nilang dalawa sa amin. Nag taka naman ako kung bakit kaya't tinanaong ko sila kung anong problema nila at umiiling sila.
Napa kawala naman si Lolo ng isang malalim na buntong hininga dahil mukhang walang balak sumagot si lola sa naging tanong ko sa kanila.
Inaya naman ako ni lolo na lumabas at iniwan namin si lola sa loob ng silid. Ipinatong naman niya ang kaniyang kamay sa aking balikat saka ako tinitigan ng diretso sa aking mga mata.
"Hindi kayo dapat nag punta sa lugar na ito." Sabi ni lolo habang umiiling iling sabay may inilabas na bracelet sa kaniyang bulsa. Pagka pakita niya sa akin ng bracelet ay halos mapa atras ako dahil sa gulat at pag tataka.
"K-kilala ko po ang bracelet na iyan? Saan nyo po iyan nakuha?" Nag tataka kong tanong kay lolo sabay kuha nung bracelet.
"Nakita namin iyan na naka suot doon sa putol na kamay na nakita namin kanina." Napa angat naman ako ng tingin sa kaniya saka unti unting napa iling.
"Napag alaman namin ng lola mo na hindi ang tita Nimpa mo ang nag mamay-ari ng kamay na iyon dahil hindi naman nag susuot ng bracelet ang tita Nimpa nyo. Kaya siguradong pag mamay-ari ng ibang tao ang kamay na iyon." Paliwanag sa akin ni lolo.
Muli ko namang pinag masdan ang bracelet na hawak hawak ko saka napa iling at kumaripas ng takbo papasok sa loob ng kakahuyan.
Kailangan kong balaan sila Aaron. Nandito si Meki?! Paano naman niya kami nasundan?! Itong bracelet na ito.. itong bracelet na ito ang ibinigay ko sa kaniya noong unang araw na nagka kilala kami.
Nasaan na kaya siya? Sana naman walang masamang nangyari sa kaniya. Napa iling naman ako saka mas tinulinan pa ang pag takbo.
Ano bang iniisip ko?! Walang mangyayari sa kaniya na masama! Talagang wala! "Kainis! Ano ba kasing ginagawa niya dito?!" Napa sigaw na ako sa inis hanggang sa mapa hinto ako sa pag takbo ng maka rinig ako ng isang malakas na hiyaw na hindi lang kalayuan mula sa aking kinatatayuan.
Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig ng mabosesan ko ang sigaw na iyon. Hindi na nga ako nag sayang pa ng oras at agad kong tinungo Ang pinag mumulan ng sigaw na iyon.
Wala sanang mangyari sa kaniyang masama. Wala sana! Sana!
"Jerome? Aalis kayo?" Napa lingon naman ako sa babaeng nasa aking likuran. Hinarap ko naman ito saka sinagot ang kaniyang katanungan.
"Oo eh. Kailangan kase." Malumanay kong sagot sa kaniya. Napa yuko naman siya saka pinag kuskos ang kaniyang mga kuko.
"A-ano.. pwede ba akong sumama sainyo?" Muli niyang pag tatanong. Napa buga naman ako ng hangin saka ako umiling.
"Pasensya na Meki pero hindi pwede." Sagot ko. Napa angat naman siya ng kanyang ulo saka ako tinitigan sa aking mga mata. Napa nguso naman siya saka niya ako hinawakan sa aking mga pisngi.
"Bakit naman? Sige na sasama ako!" Pangungulit nito sa akin. Muli naman akong napa buga ng hangin saka tinanggal ang kaniyang mga kamay sa aking pisngi.
"Pasensya na Meki pero hindi talaga pwede. Masyadong delikado kase." Pag papaunawa ko sa kaniya.
Napa bitaw naman siya ng isang malalim na buntong hininga na parang sumesenyales na talo na siya. Muli naman akong humingi sa kaniya ng tawad ngunit binigyan niya lang ako ng isang halik sa pisngi.
Napa kurap kurap naman ako sa kaniyang ginawa dahil sa pagka bigla ngunit agad din akong naka bawi at Saka siya binigyan Ng Isang matamis na ngiti.
Binigyan naman niya ako ng nag aalalang tingin saka siya ngumiti ng pilit. "Mag iingat ka ah?" Napa ngiti naman ako ng malambot habang pinag mamasdan ko siya.
"Hmm!" Tumango naman ako sa kaniya saka siya niyakap ng mahigpit.
"Wag kang mag alala. Pag balik ko mag de-date tayong dalawa." Bulong ko sa kaniya. Humiwalay naman ako sa pag kakayakap sa kaniya at ang namumula niyang mga pisngi ang una kong nasilayan.
Nang mapansin niyang naka tingin ako sa kaniya ay mabilis naman siyang napa iwas ng tingin sa akin. Napa tikhim naman ako saka ako nag paalam sa kaniya. At sa huling sandali ay binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi bago ako tumakbo papalapit sa mga kasamahan ko.
Nangako ako sa kaniya na mag de-date kami kaya sana naman walang mangyari sa kaniya na masama.
Ilang sandaling pag takbo pa ang aking ginawa at narating ko narin ang lugar kung saan ng gagaling ang sigaw na iyon.
"Ate Meki! Ate Meki! Gumising ka! Ate Meki!" Napa hinto naman ako sa aking pag kilos at parang huminto ang pag takbo ng aking mundo ng madatnan ko si Jake na paulit ulit tinatapik ang pisngi ni Meki. Nahuli naba ako?
"Kuya!" Nagising lang ako sa pag kakatulala ng marinig ko ang boses ng aking kapatid. Madali naman akong tumakbo papunta sa kanilang direksyon saka sila nilapitan.
"Jake! Ano nangyari?!" Nababalisa kong tanong sa kaniya saka kinuha mula sa kaniya si Meki.
"K-kanina... K-k-kuya... s-si ate K-kat..." Muli naman akong napa hinto ng marinig ko ang pangalan ng Ex-girlfriend ko.
"S-si Kat?" Nilingon ko naman siya saka siya dahan dahang tumango sa akin. Napa lunok naman siya ng maka ilang beses at mahahalata sa kaniyang mukha ang matinding takot.
"K-kuya... k-kinuha ni ate Kat s-si K-kuya Aaron." Unti unti namang namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
"A-ano kamo?"
"H-hindi lang iyon k-kuya..." Dagdag pa nito. Binuhat ko muna si Meki bago ko siya hinarap.
"K-kuya.. p-pareho silang may marka ng kamatayan. G-gusto ni Ate K-Kat na..." Napa kagat naman siya sa kaniyang pang ibabang labi saka napa iwas ng tingin.
"Gusto na ano Jake?!" Nag mamadali kong tanong sa kaniya dahil kinakailangan ko pang dalhin si Meki kina lola para magamot ang mga sugat nito.
Napa kawala naman siya ng isang buntong hininga saka ako nilingon at binigyan ako ng nag aalalang tingin na may halong takot.
"Gusto ka nyang mamatay Kuya Jerome."
A/N:
Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.
No plagiarism. Plagiarism is a crime.
YOU ARE READING
Umbrella
HorrorSa pag kamatay nang kapatid ni Aron Fajardo nag simula Ang lahat nang Hindi pangkaraniwang mga pangyayari. Mga pagkamatay, mga misteryosong pangyayari at mga babala Ang kanilang nasasalubong habang kinakaharap Ang mga pagsubok. Pulang payong. Pulan...