Jake's POV
Isang malalim na buntong hininga Ang aking pinakawalan habang naka tanaw sa mga punong nadadaanan Namin. Ito na din Ang ikalawang Araw Ng pag bisita Namin kala kuya Aron.
Nung unang pag bisita Namin sa kanila ay halos hindi Ako maka galaw at maka tuntong sa Bahay nila, Lalo na at naalala ko Yung Araw na namatay siya. Ni-hindi din Ako maka silip sa kabaong Niya upang siya ay masulyapan.
Huminto na Ang kotseng aming sinasakyan Kaya't nagsi babaan na kaming lahat. At sa aming pag baba palamang ay mga nag kakabasag na gamit Ang agad naming narinig na nag mumula sa loob.
Mabilis pa sa bala Ng baril Ang naging takbo Namin at pumasok sa loob Ng Bahay upang malaman kung Anong nangyayari at doon Namin naabutan si tita. Ang mama ni kuya Aron.
Nung unang dalaw Kasi Namin ay Wala siya at ngayon ay nandito na siya. Nasa trabaho siguro.
Lalapit na sana kami Ng bigla itong umiyak Ng malakas na may kasamang pag sigaw habang dinuduro Ang kabaong kung saan naroroon si kuya Aron at naka himlay.
"Binalaan Kona kayo!" Sigaw nito habang nakaharap sa kabaong ni kuya Aron.
"Binalaan Kona kayo na kapag umalis kayo may mangyayari Sayo! Pero bakit Hindi ka nakinig! Hindi!" Nag simula na siyang umiyak nang mas malakas pa sabay napa upo sa sahig Kaya't agad Namin siyang nilapitan at inalalayan.
"Anak ko!"
Hinayaan muna Namin siyang umiyak Ng umiyak Hanggang sa tumahan na siya at inalalayan Namin siyang umupo sa sofa na di kalayuan sa Amin.
"Alam ninyo ba na tuwing Gabi lagi ko nalang napapanaginipan Ang anak ko na mamamatay..." Panimula nito sa kabila Ng malalim niyang pag hinga dahil sa pag iyak.
"Kaya nga Bago siya umalis Dito sa Bahay ay Binalaan ko na siya. Ilang beses ko siyang Binalaan pero Hindi siya nakinig. Hindi siya nakinig sa akin." Nag sisimula nanamang may mamuong luha sa kaniyang mga Mata.
"Kung sabagay inaasahan na din Naman naming mag Asawa na mangyayari ito." Aniya. Nagka palitan Naman kami Ng tingin na tatlo saka muling bumaling Kay tita na nag sasalita.
"Meron pang pangyayari na kapag tumitingin Ako sa anak ko Hindi ko Makita Ang kaniyang mukha. Wala siyang ulo. Kaya alam na Namin na magaganap ito." Napa takip ito nang kaniyang mukha at Saka muling umiyak.
Hinagod Naman ni tita Nimpa Ang likod nito at pinapatahan na. Habang nasa gilid kami at nag uusap usap ay biglang dumating Ang Asawa ni tita Maggie nasi Tito Arnold.
Inabutan kami nito Ng miryenda Saka naupo sa aming harapan.
"Gusto ko lang dagdagan Ang mga naikuwento nang aking Asawa." Kaniyang sambit Saka umayos Ng upo.
"Isa pa sa matitibay naming dahilan na mamamatay Ang anak naming si Aron ay Ang kapatid niyang si Chary." Napa himas Ako sa aking braso nang makaramdam Ako Ng kilabot dahil sa kaniyang pangalan.
"Si Chary.. nakababatang kapatid ni Aron. Bata pa lamang ay namatay na. Natulog lamang ito ngunit Hindi na nagising. Ang dami pa Naman niyang pangarap sa Buhay. Pero Hindi ko Naman aakalain na kukuhanin Niya sa Amin Ang kuya Niya." Medyo lumapit Naman si tita Nimpa Kay Tito Arnold.
"Ano po Ang ibig ninyong sabihin na 'kukuhanin'?" Pag tatanong ni tita Nimpa Kay Tito Arnold.
"Ang anak naming si Aron sa tuwing tinititigan Namin siya ay Wala siyang ulo. At kung Minsan Naman ay nakikita Namin Ang kapatid niyang si Chary sa kaniyang tabi." Napa tingin Ako sa mga kasamahan ko na seryosong nakikinig. Kaya't inayos ko rin Ang aking sarili at nakinig din nang mabuti.
"Hindi ko aakalain na tatlong anak Ang mawawala sa akin nang ganoong kabilis. Sa maikling panahon na pag sasama naming lahat Sila pa Ang nauna sa aming mahiga sa kabaong."
Oo nga pala tatlo silang mag kapatid. Naikuwento na sa Amin iyon ni kuya Aron.
"Mga nag mamadali Kasing mahiga sa malambot na kama. Palibhasa ay Luma na Ang higaan nila at matigas. Tuloy sa kabaong Ang bagsak." May halong pag re-reklamo na Sabi nito ngunit agad din Naman siyang ngumiti. Ngiti na may halong lungkot.
"Siguro ay nakwento na sainyo ni Aron Ang pag papaampon Namin sa Isa naming anak na babae." Tumingin ito sa Amin at kami Naman ay sabay sabay lang na tumango.
"Ang pangalan Niya ay Luna. Ipinaampon Namin siya dahil sa Hindi Namin Sila kayang sustentuhan lahat. Nasa mayaman siyang pamilya dahil iniwan Namin siya sa harapan Ng gate Ng mga Del Rosario." Pag ku-k'wento nito tungkol kay ate Luna.
Pamilyang del Rosario. Pinaka mayaman sa Lugar Namin. May malawak silang lupa at malaking kumpanya sa iba't ibang Lugar.
Sana kung ipapaampon din Ako doon din nila Ako ibigay sa mga del Rosario. Biro lang sold Nako sa kung Anong meron Ako.
"Ano kamo ija? Bakit Namin pinili na sa pamilyang Del Rosario siya Iwan?" Nagising Naman Ako sa sarili Kong imagination Saka muling nag focus sa usapan.
"Simple lang. Alam naming mabait Ang pamilyang Del Rosario. Alam Namin na mapapalaki siya doon nang maayos at alam Namin na sa pag laki nang batang iyon ay hahanapin nila Ang tunay na magulang nang batang maaampon nila. At tulad Ng inaasahan Namin ganoon nga Ang kanilang ginawa." Saad ni Tito Arnold.
Nag tagal pa Ang aming pag k-kwentuhan Hanggang sa Hindi Namin namalayan Ang pag daloy Ng Oras.
Napa Ali's lang sa kaniyang inuupuan si Tito Arnold Ng mag simula nanamang mag Wala si Tita Maggie.
Mahirap Ang dinanas nang pamilya nila kuya Aron. Hindi ko aakalain na aabot pa sa ganito.
Sandali pa kaming nanatili Dito Hanggang sa mag paalam na kami upang umuwi.
"Sige mag iingat kayo." Hinawakan ni Tito Arnold isa-isa Ang aming mga ulo Saka kami nag paalam sa kanila.
Nag lakad na kami patungo sa aming sasakyan. Pagka rating palang Namin doon ay agad na kaming sumakay at handa na sanang umalis Ng may biglang tumawag Kay tita Nimpa.
"Sandali lang." Sambit nito Saka sinagot ang tawag. Naka titig lamang kami sa kaniya habang siya ay may kausap sa cellphone Ng until unting bumakas Ang lungkot sa kaniyang mga Mata habang naka tingin sa Amin Ng diretso.
"Si Adan..."
*****
Author's Note:No plagiarism. Plagiarism is a crime.
Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.
YOU ARE READING
Umbrella
HorrorSa pag kamatay nang kapatid ni Aron Fajardo nag simula Ang lahat nang Hindi pangkaraniwang mga pangyayari. Mga pagkamatay, mga misteryosong pangyayari at mga babala Ang kanilang nasasalubong habang kinakaharap Ang mga pagsubok. Pulang payong. Pulan...