Chapter 10

164 6 0
                                    

Aron's POV

Naka higa ako ngayon dito sa aking kama. Naka tulala lang ako sa kisame ng kuwarto kung saan kami sama-samang natutulog mag kakaibigan.

Hanggang ngayon ay naalala ko parin ang kuwentong naka sulat sa librong ipinahiram sa akin ni Ate Nimpa. Yung patungkol sa "The Setember Death of Family Yumso Province."

Hindi ko natapos basahin Ang kwentong iyon dahil Hindi Naman daw yun Yung tunay na libro na nanggaling sa family Yumso. Mga impormasyon lang daw yon na nakuha Niya kung saan saan.

Pero nung araw na nabasa ko ang kuwentong iyon ay may mga bagay na din akong naintindihan patungkol sa sinasabi nilang Marka Ng Kamatayan.

Tumayo naman ako saka tinignan ang aking mga kasama kung nagising koba sila o hindi. Pagka tapos ko silang tignan ay naglakad na ako papalabas. Gusto ko munang maka langhap ng sariwang hangin.

Nang nasa labas na ako ay kusa akong dinala nang aking mga paa sa loob ng kakahuyan. Hinayaan ko nalang ang aking mga paa na tangayin ako kung saan man niya gustohin, hanggang sa huminto ako sa harapan ng isang batong malaki na may naka ukit na dalawang pusong magkadikit.

Hindi ko alam sa sarili ko ngunit kusang umangat ang aking kamay at tila hahawakan ko na ang bato ngunit isang hindi kaaya ayang ingay ang siyang bumulabog sa akin dahilan upang mapa layo ako sa bato.

Naka takip ang aking mga kamay sa aking dalawang tainga hanggang sa mawala na ang ingay na aking naririnig.

Napa iling ako ng ilang beses saka inangat ang aking ulo at isang lalaking may kakaibang mukha ang aking nakita. Tingin ko ay tinatakot niya ako pero hindi ko alam kasi wala akong nararamdamang takot ni kakapiranggot Mula sa kaniya.

Siguro ay dahil sa nasanay na ako na maka kita ng mga katulad nilang multo. Teka? Hindi naman naka bukas ang third eye ko ah? Bakit ko sila nakikita?

Napansin ko naman na nag buntong hininga ito saka umayos siya ng upo sa batong nakita ko kanina. "Kaya mo ako nakikita kasi ginusto ko." Biglang sabi nito na medyo nag pagulat sa akin.

"Kase ginusto mo?" Tanong ko rito saka umakyat sa bato ng pahintulutan niya ako saka ako umupo sa tabi niya at sabay naming tinanaw ang magandang sinag ng buwan.

"Oo, dahil ginusto ko." Pag kukumpirma nito. Sandali naman kaming natahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Sinusundan ka ng kapatid mo hindi ba?" Biglang tanong nito. Napa yuko naman ako saka ako tumango. Narinig kong muli ang pag bubuntong hininga niya saka napa tawa ng mahina na aking ipinag taka.

"Wala pala kaming pinag kaiba." Mahina niyang turan. "Hmm?" Tanong ko rito. Nilingon naman niya ako at sumalubong sa akin ang mukha niyang namumutla at mga mata niya na parang isang black hole. Mga labi niya na namumutla din.

Muli naman siyang nag pakawala ng isang buntong hininga saka nag patuloy sa pag sasalita. "Namamangha lang ako sayo dahil hindi kana natatakot sa akin. Nasanay ka kaagad na maka kita ng multo sa ilang sandali lang. HAHAHAHA!" Nag taka naman ako ng bigla itong tumawa.

"HAHAHA! Sigurado akong kung ibang tao iyon malamang sa malamang nag lulumpasay na sila sa takot! HAHAHA!" Tawa pa nito. Napa iling iling nalang ako saka napa tawa nadin at nakisabay na sa kaniyang halakhak.

Nakakatuwa lang Kasi dahil may nakakausap akong multo na Minsan lang mangyari sa Buhay. Akala ko sa TV lang yun nangyayari, pwede din pala sa tunay na Buhay.

Nang matapos kami sa kakatawa ay muli naming tinanaw ang buwan ng sabay. "Alam mo ba kung bakit ka niya sinusundan?" Biglang tanong nito. Nilingon ko naman siya saka siya tinitigan.

"Tingin ko hindi mo alam." Sagot nito sa sarili niyang tanong. Napa buga naman ako ng hangin saka tumango.

"Ako alam ko kung bakit ka niya sinusundan." Muli namang napa baling sa kaniya ang aking ulo saka hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"May gusto siyang iparamdam sa'yo. May gusto siyang ipakita sayo at may gusto siyang ibigay mo na matagal mo nang ibinibigay sa kaniya simula pagka bata ninyo palang." Saad nito habang diretso lang ang tingin niya sa aking mga mata.

Tinitigan kolang din siya ng diretso sa kaniyang mga mata kahit na wala akong makita rito kung hindi kadiliman lang. Napa iwas naman ako ng tingin sa kaniya saka muling napa yuko at napa tawa ng mahina.

"Pasensya na, pero wala akong nakuha ni isa sa mga sinabi mo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya kaya siya nag paparamdam sa akin. Hayy! Gulong gulo na ako!" Napa sabunot naman ako sa sarili kong buhok ng marinig ko din siyang nag buga ng hangin.

"Alam mo dapat mong malaman ang sagot sa mga sinabi ko. Kung sakaling Hindi mo mapipigilan ang kapatid mo may mawawala sa inyong mag kakaibigan. Tandaan mo ang marka ng kamatayan." Saad niya na nakapag pakunot sa aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Pag Tatanong ko sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng seryosong tingin na naka pag palunok sa akin ng ilang beses.

"Tingin mo ba matatahimik ang kaluluwa niya? Tingin mo ba nag liliwaliw lang siya habang hindi mopa nakukuha ang gusto niyang iparating sa'yo?" Seryoso nitong tanong sa akin. "Kung ayon nga ang naiisip mo, puwes nag kakamali ka. Dahil nag sisimula na siyang manggulo ng ibang buhay. Kaya kung ako sa'yo hindi Ako mag Papaka kampante at magsisimula na akong kumilos at hindi na ako mag papakasarap pa dahil nasa panganib ang buhay ng iba at dahil iyon... sa'yo."

Huling salitang kaniyang binitiwan bago siya nag laho na parang alikabok sa aking harapan.

"Nag sisimula na siyang manggulo nang ibang buhay? Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin doon?" Ilang sandali pa akong nanatili sa batong iyon para makapag isip isip hanggang sa napag isipan kong bumalik na sa bahay nila lola Eki.

Habang nag lalakad ako papabalik sa bahay nila Lola Eki ay nakaka rinig ako ng kung anong ingay na nag mumula sa harapan ng bahay nila. Ingay na parang... H-hindi ko matukoy kung ano bang klaseng ingay iyon.

Dahan dahan naman akong nag lakad papalapit sa bahay nila lola Eki saka ako mabilis na nag tago sa likod ng puno at saka maingat na sumilip. "Si ate Nimpa? Ano naman kaya ang ginagawa niya doon?" Tanong ko sa aking sarili hanggang sa lumingon ito sa aking harapan.

"Aron?! Anong ginagawa mo dito sa labas?!" Gulat nitong bungad na tanong sa akin bago niya hinitak ang aking kamay.

"Hindi kaba nila nasabihan?!!"

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now