Chapter 3

63 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising.

Magsisimba nga kami diba? :)

Tapos na akong maligo, magbihis, kumain at mag toothbrush.

Kaya ngayon ay papunta na kami sa simbahan.

Habang hinihintay naming magsimula ang misa, nagulat ako ng may biglang tumabi sakin.

"Daniel?" O.O

"O ba't parang gulat na gulat ka? "

Feeling close talaga sya noh?

At dahil tinulungan nya ako kagabi, at nasa simbahan kami ngayon, 

magiging mabait na muna ako sa kanya.

"Hindi naman. Salamat nga pala kagabi ah."

"Wala yun. Di nga sana kita tutulungan talaga nun eh. Kaya lang nung nakita ko mukha mo

nung tinatanong ka na ng mama mo naawa ako sayo. :D"

"Pinapasalamatan na nga kita, nang-aasar ka pa."

Kainis naman kasi eh.

"Hahaha! Sorry naman."

Pinagtatawanan pa ko eh.

Nananahimik na ako ng bigla syang tumawa.

Mahina lang naman kasi nasa simbahan kami.

Yung tawang ako lang ang nakakarinig.

"May sayad ka ba?" tumatawa kasi mag-isa eh.

"Ha? Bakit mo naman naitanong?" halatang gulat na gulat sya dun sa tanong ko! Hahaha!

Bumabawi lang din ako sa pang-aasar nya noh. :D

"Eh kasi tumatawa ka lang bigla-bigla eh."

"Ah wala. Naalala o lang yung mukha mo kagabi. Sobrang nakakatawa kasi!"

Aish! Ang galing nyang mang-asar ah!

"Tumigil ka na nga! Nakakainis ka na ah. Isa nalang, babatukan na talaga kita."

"Lord oh, ang sama-sama ng babaeng toh. Kahit sa simbahan mambabatok! Hahaha!"

"Tumahimik ka na nga Daniel! Magsisimula na yung mass oh!"

Nakakabanas na kasi sya eh. 

Buti na lang at nag start na yung misa para tigilan na ako sa pang-aasar nitong lalaking to.

Mag-a Our  Father na.

Magkatabi kami ni Daniel,so ibig sabihin maghoholding hands kami?

O.O

Teka, parang bumibilis yung tibok ng puso ko!

Ano ba 'to? Sheeems!

Wag OA Kath!

Mag focus ka lang kay Lord oh!

Tama!

Now singing: Our Father

Nang matapos yung kanta ay bumitiw ako agad kay Daniel.

Mukha kasi akong tanga na kinikilig eh.

Alam ko namang hindi dapat.

Feeling ko tuloy ang landi-landi ko! :(

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng misa ay lumabas na kami ng simbahan. 

Sumabay din samin sa paglabas si Daniel.

Nasa may gilid ako ngayon, iniintay sina mama at papa kasi may kausap pa sila.

At may isang tao dito na mukhang ewan na nakatabi sakin.

"Huy Daniel! Bakit nandito ka pa? May hinihintay ka rin?"

"Eto naman! Kakatapos mo lang magsimba ang sungit mo na kaagad."

Eh sa naiinis ako sa kanya eh. >.<

"Eh bakit ka pa nga ba kasi nandito?"

"Huy baka akala mong nakakalimutan ko na yung ginawa kong pagtulong sayo 

kagabi ha?"

Anong dinadrama ne'to?

"Oh tapos? Nagpasalamat na ako sayo diba?"

Kapal ng mukha neto!

"Ganun na lang ba yun?"

"Oh eh anong gusto mong gawin ko nang mabayaran ko na yung UTANG NA LOOB ko sayo?"

"Samahan mo'kong mamasyal :)"

"Ano ka sinuswerte? Kalabisan naman yun noh? Kaya mo ng mamasyal mag-isa,

di ka na bata!"

"Ang sama mo talaga! Ipapa-alala ko lang sayo na bagong lipat lang ako dito kaya di ko pa kabisado tong lugar na'to."

"Huy ipapa-alala ko din sayo na hindi ako tour guide dito noh!"

Psh.

Lumapit na samin si Mama kaya tumigil na kami sa pagbabangayan.

"Oh Daniel bakit?" 

Eto naman si Mama at Daniel feeling close sa isa't-isa. Psh!

"Ano ho kasi Tita, gusto ko ho kasi sanang mamasyal kaso di ko pakabisado yung lugar.

Magpapasama ho sana ako kay Kath kaso ayaw nya po."

Makapag kwento lang Daniel ha?

Sinamaan ko sya ng tingin.

Sya naman, naka belat pa sakin.

Nang-aasar talaga eh.

"Ganun ba? Oh eh bakit naman ayaw mong samahan si Daniel Kath?"

Kasi ayoko po!

"Masama ho pakiramdam ko."

Sana mag work tong palusot ko!

"Bukas pa naman po ako mamamasyal eh."

Sumingit na naman tong Daniel na'to!

Haaay! Kahit kelan talaga nakakainis 'to!

"Bukas pa naman pala Kath eh. Oh sige Daniel, sasamahan ka na ni Kathryn."

"Talaga po? Salamat po! :)"

Kung makangiti naman tong si Daniel!

Nakakainis!

Ipapa-alala ko lang po sana na ako ho yung anak nyo.

Ako dapat ang kampihan nyo. >.<

"Pero Ma!"

"Anak, ano bang problema? Wala ka namang pasok bukas ah kasi holiday.

Mahiya ka naman dun sa tao."

Di naman tao yan eh. Unggoy yan!

Gwapo nga lang.

Aish!

"Oo na. Sige na." may magagawa pa ba ako?

"Sige po, mauna na po ako."

Buti pa nga umalis kana, nakakabanas na kasi yang pagmumukha mo!

"See you tomorrow Kath!"

Humirit pa eh.

(Fast Forward)

Pagkatapos magsimba ay namasyal kami nila mama at papa.

Naisip ko tuloy na sana ngayon na lang sinama si Daniel sa pamamasyal para marami kami.

Kesa naman bukas, kami lang dalawa magksamang mamamasyal!

Aish!

Gabi na, kaya nakahiga na ako.

Bahala na si Batman sa pamamasyal namin bukas!

Gotta be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon