Chapter 7

51 0 0
                                    

Chapter 7

Ilang  buwan na rin ang lumipas.

Ilang buwan na rin kaming laging  magkasama ni Daniel.

At mas lalo nko npa syang minamahal! Haaaaay!

Minsan nga napagkakamalan na kaming mag syota eh!

Syempre kinikilig din naman ako, pero di ko pinapahlata yun sa kanya noh.

Anyway, weekends nga, di naman ako makagala.

Andito kasi si Mama eh.

Haaaaaay!! Ang boooooooooooriiiiiiiiiiiiiing!!

*beep*

Uyy, may nagtext!

From: Daniel ^.^

Huy! Busy ka ba? May gagawin ka ba mamayang gabi?

Ano na naman kaya ang ipapagawa ng lalaking to!

Ganyan kasi yan pag may kelangan eh.

To: Daniel ^.^

Oh bakit na naman?

Fro: Daniel ^.^

Ang sungit ah! Yayayain lang sana kitang mag movie marathon dito sa bahay. Boring kasi. Wala akong makausap dito.

Aba! Himala! Wala yatang ipapagawa to ah!

To: Daniel ^.^

Oh sige. Anong oras ba?

From: Daniel ^.^

7 pero mas okay kung nandito ka na by 6 para ikaw na magluto. Di kasi ako marunong magluto eh. J

Naman oh!!

Sabi sa inyo eh!

Day off kasi ng mga katulong nila pag Sunday, kaya ako ang gagawin nyang katulong ngayon!!

Aish!!

To: Daniel ^.^

Gawin ba naman akong tagapagluto? O sige na.

From: Daniel ^.^

Huy, magpaalam ka sa Mama mo ha!? Baka akala mo nakakalimutan kong magaling ka sa pagtakas!

Nanermon pa ang gao!

To: Daniel ^.^

Huy ka din! Nagbago na ako noh! Magpapaalam naman talaga ako kay Mama noh! Sana nga di ako payagan eh! :D

Nagbago na naman talaga ako eh!

At nagsimula yun nung naging close kami ni Daniel.

Pano ba naman kasi, sa tuwing binabalak kong tumakas para gumala, tinatakot nya ako.

Isusumbong nya daw ako kay Mama.

(Fast Forward)

6PM na.

Papunta na ako kin Daniel.

Nagpaalam na rin ako kay mama at pumayag naman sya.

Malapit lang naman daw kasi.

Hellooooo? Katapat lang kaya ng bahay namin ang bahay ni Daniel.

Pumasok na lang din ako agad.

Di uso kasi saming dalawa ang mag doorbell eh. HAHAHA!

Pagkapasok ko, nakita ko si Daniel sa may sala nila, naglalaro lang sya sa xbox.

“Uyy, andyan ka na pala!”

Gotta be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon