Chapter 8

48 1 0
                                    

CHAPTER 8

Sobrang lapit na ng mukha ni Dj.

At tama nga hinala ko, hahalikan nya talaga ako.

Pero, ayokong mangyari yun.

Kahit mahal ko sya, ayokong bumigay sa kalokohan nya.

Mahirap na noh. Baka isipin nya, easy to get ako.

"Ahh, Daniel, uwi na ako. inaantok na ako eh. sige goodnight." sabi ko sa kanya sabay tayo at naglakad

na'ko palabas ng kwarto nya.

Bumalik na ako sa mundo kaya iniba ko nalang yung kaganapan.

"Ha? Ah, eh, di pa tapos yung movie oh."

Di naman sya sa movie naka focus eh.

Akala nya siguro kagaya lang ako ng ibang babae na madaling maniwala sa mga pambobola nya.

"Pagod na ako eh, tsaka biglang sumakit ulo ko."

Hindi ko na sya tinignan at nagpatuloy ako sa paglalakad palabas at umuwi na ako sa amin.

Naiinis ako kay Daniel!!

Bakit??

Kasi, magkaibigan kami pero sinasali nya ako sa listahan ng mga babaeng lolokohin nya.

Sunday.

Nagsimba kami.

Kung dati, ang setting namin sa upuan sa simbahan ay papa-mama-ako, ngayon ay iba na.

Papa-Ako-Mama. Ganyan kami ngayon.

Alam ko kasing magsisimba rin si Dj at lagi yang tumatabi sakin.

Oo, iiwasan ko na sya.

Wag nyo ng itanong kung bakit dahil di nyoko maiintindihan. :(

At nandito na nga si Dj.

Tinignan ko sya, at tinitignan din nya ako pero agad ko rin naman iniwas ang tingin ko sa kanya.

Mukhang nagtataka sya kung bakit pumagitna na ako kina papa at mama eh noon ay lagi kaming magkatabi pag nagsisimba.

Hellooo? Kung naalala nya yung ginawa nya kagabi, alam na nya ang dahilan kung bakit ganito noh!

(Fast Forward)

Ayan tapos na ang misa.

As usual may kinakausap na naman sina Mama at Papa na kaibigan nila sa labas ng simbahan.

At ako naman, as usual din  naghihintay lang sa may gilid.

Si Daniel?

Ewan. Baka umuwi na.

"HUY!"

"Ayy pu--!" Ayan! Namura ko tuloy!

"ba't kasi nanggugulat eh?!"

Akala naman ng Daniel na'to close na ulit kami. Psh!

"Sorry naman. Ahh Kath, yung kagabi nga pala...."

Haayyy! Ayokong pag-usapan yun!

"Ah Ma, tawag mo'ko?"

Kunyari tinawag ako ni mama. Ayoko lang talaga pag-usapan yun.

Iniwan ko na si Daniel at naglakad na ako papunta kila mama.

"Parang di naman tinawag. Seryoso ako sa sinabi ko kagabi, at patutunayan ko yun!"

Si Daniel, bigla naman sumigaw!

Aish! baka marinig pa nila mama, ano pa isipin nito!

Teka, ano daw? 

Gotta be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon