Nasa bahay na kami ngayon nila Daniel.
Nakita ko na sina mama at papa sa sala nila Daniel kakwentuhan yung isang babae.
Sya siguro yung mama ni Daniel.
Di ko pa nakikita mukha ng mama nya. Nakatalikod namn kasi.
"Andito na ho kami."
Tumayo naman kaagad yung mama ni Daniel at humarap samin.
"O nak, mabuti naman at nandito na kayo." yan ang sinabi ng mama ni Daniel.
Ako naman, eto naka nganga!
O.O
"OMG! Ms. Karla Estrada?"
Artista nga pala talaga mama ni Daniel!
"Yes, that's me! Kilala mo'ko?"
Hello? Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Karla Estrada diba?
"Ah oo naman po. Sino ba namang hindi nakakakilala sa inyo."
"Hahaha. Ikaw talaga!"
Ang ganda kasi ni Ms. Karla si Daniel naman mukhang unggoy. Hahaha!
Teka, yung mukha ni Mama halatang nagtataka na sya.
Eh kasi nga diba akala nya nakapag dinner na'ko once dito.
Aish!
Bahala na nga!
"Daniel, sigurado ka bang sya ang nanay mo?"
"Oo naman. Teka, nang-aasar ka ba?"
"Hindi naman. Naninigurado lang. :D"
"O sya, tama na yang pag-aasaran nyong dalawa. Mabuti pa kumain na tayo."
"Sige po."
Nasa table na kami ngayon. Ganito setting namin,
Ako, Mama, Papa
_____________
| Table |
---------------------
Daniel, Tita Karla
Nagpatuloy sa pagkukwentuhan sina mama, papa at Tita Karla hanggang sa matapos kaming kumain.
Si Daniel naman panay sipa sa paa ko.
Ano kayang problema ng lalaking to?
Sinamaan ko nalang sya ng tingin.
Kung wala lang yung nanay nya dito binatukan ko na'to eh.
Sinipa na naman nya ako.
Tinignan ko sya.
Yung tingin naman nya sakin parang ganito
labas-tayo-ang-boring-ng-pinag-uusapan-nila
At tumayo na sya.
"Ma, Tita, Tito labas punta lang kami ni Kath s may garden."
"O sige anak."
At ayun, hinila na nya ako agad.
Yung hila nya sakin parang naghihila lang ng alagang aso!!
"Huy Daniel, bitaw na!"
Nakahawak pa kasi sa kamay ko eh.
Alam nyo namang ayokong nahahawakan nya yung kamay ko diba kasi para akong nakukuryente.
"Ang sensitive mo manang ha! Hahaha!"
