Ohh Tuesday! I miss you!
Haaaay! Sa wakas, may pasok na ulit!
Ang boring kaya dun sa bahay noh.
Buti di ko nakita si Daniel nung paglabas ko ng bahay dahil pagnagkataon maga palang sira
na agad araw ko.
Pagpasok ko ng classroom namin, mukhang mga kabute yung mga classmate ko.
Di mapakali. Muntanga lang.
Sakto namang nasa room na rin si Julia kaya nilapag ko na bag ko sa chair o saka ko sya nilapitan.
Oo di kami magkatabi ni Julia.
Pinaghiwalay kasi kami ng upuan ng teacher namin kasi sobrang daldal daw namin pag magkatabi kami.
"Juls? Anong meron? Bakit parang binubulate yang mga yan?"
sabay turo gamit nguso sa mga kaklase kong mukhang ewan.
